[Pahina 1]
Mataimtim na nakapikit si Estella habang siya ay nakaluhod at may hawak na rosario sa pagitan ng kaniyang palad. Siya ay nananalangin habang tahimik siyang pinagmamasdan ng kaniyang kaibigan na si Mirasol.
Kagaya ng kaniyang nakagawian nananalangin siya ng taimtim, hinihiling na sana ay matagpuan na niya ang wagas na pag-ibig na kaniyang inaasam, ibigay nawa ng maykapal ang isang kabiyak na mamahalin siya ng buong-buo, titingnan siya ng punong-puno ng pagmamahal sa araw-araw, at igagalang siya kagaya ng pag galang nito sa kaniyang ina.
Ilang beses ng nabigo sa pag-ibig si Estella ngunit hindi siya sumusuko at patuloy pa ring nananalig na may isang tao na nakalaan para sa kaniya.
"Simula ng ako'y isilang sa mundong ito may isang tao ng nakalaan para sa akin. Tanging kailangan ko lang gawin ay manalig sa guhit ng aking palad at mag hintay sa araw na ipagkaloob na siya sa sakin ng maykapal."
Iyan ang palaging tugon ni Estella sa mga taong palaging nag tatanong kung kailan niya balak magkaroon ng kasintahan o tumanggap ng alok na kasal galing sa mga kilalang pamilya sa kanilang bayan at kalapit na lugar.
"Kung isa lang ako sa mga santo at santa na pinagdarasalan mo matagal na kitang pinagkalooban ng kasintahan, paniguradong maririndi at makukulitan na ako sa paulit-ulit mong dinarasal. Hindi ka ba napapagod?" agad na sita ni Mirasol kay Estella nang minulat nito ang kaniyang mga mata tanda na tapos na siyang manalangin at umupo na sa kaniyang tabi.
Nakangiti naman si Estella habang umiiling, napapangiti nalang siya sa sinasabi ng kaniyang kaibigan "Alam mo Sol, walang nakakapagod humiling at manalangin sa kanila lalo na kung para sa sarili mo naman iyon." madalas hindi maintindihan ni Sol ang kaniyang kaibigan.
Nag tataka siya bakit kailangan pa nitong manalangin araw-araw upang pagkalooban siya ng kasintahan kung siya naman si Ma. Estella Gomez ang nag iisang unica hija ni Don Hernando Gomez na tanyag sa larangan ng pag nenegosyo na nag mula sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa Europa.
Tila depinisyon na ng salitang perpekto si Estella sa pamilya pa lang na kaniyang pinagmulan wala pa ang mga personal nitong katangian at kakayahan nito. Alam ni Marisol na isang pili lang ng Ama ni Estella sa anak ng mga ng kasosyo nito sa negosyo ay mag kakaroon na agad ng isang perpektong kasintahan si Estella.
"Bakit hindi mo na lang tanggapin yung mga alok na kasal sa iyo, anak naman sila ng kaibigan ng iyong Ama." tanong ni Marisol kay Estella na siyang kinailing nito "Ano ang aking makukuhang benepisyo sa kanila? Tila magiging kagaya rin sila nila Ama na puro negesyo at pag papayaman ang binibigyan ng pansin. Kung ako'y mag papakasal sisiguraduhin ko na sa taong iniibig ng aking
puso at kaya akong mahalin at alagaan ng maayos ang kasama kong haharap sa altar." madami ng binatilyong galing sa mga mayayaman at kilalang pamilya ang pinag kasundo ng kasal kay Estella ngunit palagi niya itong tinatanggihan.Nais ni Estella ang ginoong kaniyang magiging kabiyak ay ang ginoong iibigin siya ng buong puso. Kagaya ng kaniyang pinsan na si Margarita, naging kabiyak nito ang ginoong kaniyang iniibig hindi katulad ng kadalasang nasasaksihan niya na marami lang napipilitan na mag pakasal dahil sa kagustuhan ng kanila pamilya at para sa Negosyo, hindi sa kanilang pang sariling kagustuhan.
"Sabi nila milagrosa raw ang patron na iyan. Hindi ako nag dalawang isip na sumama kay kuya Matias na mag tungo rito sa Ligas lalo na ng nalaman ko kung sino ang patron dito, baka siya na ang sumagot sa paulit-ulit kong dinadalangin." Sa halos lahat ng simbahan na pinupuntahan ni Estella iisang bagay lang ang palagi niyang dinarasal, minsan naiisip na rin niya na baka nakukulitan na sa kaniya ang maykapal ngunit hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa.
"Sana nga ipagkaloob niya na sayo ang matagal mong pinagdarasal." may bahid ng awa na turan ni Mirasol, nakakaramdam na rin ito ng awa para sa kaniyang kaibigan siya rin ay kinakabahan na baka tumandang dalaga si Estella na mas lalong nakakalungkot dahil kung titingnan isang perpekto itong kasintahan ngunit palagi lang nasasawi sa pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Amor Incondicional
Ficción histórica"Ikaw ang tahanan na hindi nakakapagod uwian," Isa si Estella sa mga kababaihan na nag hahangad ng isang wagas na pagmamahal. Sa lahat ng simbahan siya ay na nanalangin na pagkalooban ng isang wagas at purong pagmamahal na matagal niya ng ninanais...