CHAPTER K-11

190 4 0
                                    

-CHYLENE HERA

Ilang buwan na ang lumipas at malapit na matapos ang vacation. Nagsusunog kilay ako dahil tatlong araw na lang at entrance exam dito sa college. Pinag-igihan ko talaga dahil balita ko ay mahihirap ang tanong. Tumaas sa 80 ang cut-off ng exam, dati kasi ay 75. Kaya dapat ayusin ko na dahil baka bumaba ang score ko tapos hindi pa ako makapasok.

Tulog sila Mandy at Lay. Palibhasa si Mandy ay matalino at stock knowledge lamang ang katapat. Ako ay wala, baka ma-out of stock pa ang knowledge ko. Kailangan ko ayusin dahil mahal ang tuition fee sa private schools.

“Kaya ko ʼto,” bulong ko sa aking sarili habang pinapalakas ang loob ng sarili ko.

Lalo na ʼyong aplitude. Super hirap nito dahil parang naduduling na ako sa mga figures na nakikita ko. Pati ʼyong series of sequence. Habang sa math naman ay more in quadratic equation and linear equation. Nakalimutan ko na rin ʼyong midpoint formula at arithmetic sequence.

Ang naalala ko lang ay combination at permintation. Pero, nag-search ako sa google and naghanap ng mga books. Okay lang naman ako sa english dahil more on idiomatic expression and adverbs. Sa science naman ay golgi apparatus, plate tectonic and about planets.

Total of 180 ang lahat na-exam namin and 80 ang cut-off nila. 90 pa naman ang kinukuha ng Department of Accountancy. Habang 95 sa Nursing. Kaya ko ito, makakapasa ako dahil I believe myself and I trust myself.

“Chylene, matulog ka na kaya. Pasado 12 o clock na ng gabi. Bukas ka na mag-review,” inaantok na boses ni Mandy na parang nagising bigla.

Tama naman sʼya. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil sa sobrang pagre-review. Simula pa noong umaga hanggang ngayon ay todo review ako. “Okay, bumalik ka na sa pagtulog. Matutulog na rin ako.” Paalam ko sa kaniya at tumayo para iligpit ang mga gamit ko sa study table ko.

Sana pumasa ako. Kundi mahihirapan sa akin sina Papa at Mama.

***

Exam day na ngayon. Magkalayo kami ng room ni Mandy. Sa College of Public Affair sʼya mag-e-exam na room 19 habang sa College of Social Sciences and Humanities ako na room 20. Kabado naman ako dahil nakibalita ako sa naka-try na mag-exam at sobrang hirap daw.

Lalo na 1 hour and 49 minutes ang oras ng exam. Tapos 180 ang items. “Goodluck sa atin, Chylene. Manifesting na makapasa tayo sa exam.” Pagbibigay lakas loob sa akin ni Mandy.

Ngumiti naman ako sa kaniya. “Manifesting nga, pumunta ka na sa room nʼyo baka ma-late ka pa lalo na malayo sa dorm ang building ng CPA,” sabi ko sa kaniya since narito kami sa labas ng dorm.

“Okay. Galingan natin,” sambit pa nʼya.

“Para sa pangarap,” sambit ko na kinatango nʼya.

Tumango sʼya saka nagpaalam na. Ako naman ay nagdasal muna bago pumunta sa building kung saan ako mage-exam. 8:30 magsisimula ang exam at 7:39 pa lang ang oras.

Naglalakad na ako papunta sa CSSH building since walking distance ito. Para na rin iwas gastos. Marami akong nakikita na grupo na naglalakad papunta na rin sa mga naka-assign room sa kanila. Mabuti na lang at hindi tag-ulan dito sa lugar namin.

Madalas pa naman umulan dito sa amin since weather-weather lang ang klima rito. Sa umaga ay may araw pero ʼpag hapon na ay umuulan. Hindi ko alam tuloy kung anong klaseng weather ang nandito sa lugar namin.

Nakarating na ako sa CSSH building at hinanap ang room 20. Inisa-isa ko pa ʼyong mga room hanggang sa napunta ako sa second floor since nasa baba ay room 10 lang. Ang lawak kasi ng CSSH Building kaya malilito ka talaga sa mga bawat room dito. Dumating ako sa punto nasa dulo nang pasilyo sa second floor.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INVADING YOUR CAPACITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon