Hue #23
Naia’s POV
“Trestooon!”
Kumaway ako nang makita ko siya paglabas ko ng art museum. Katatapos lang ng exhibit namin, medyo late siya pero sino ba ako para magreklamo kung nandito na siya sa harapan ko ngayon.
Nasa may dulo siya ng hagdan at paakyat na sana nang tumakbo ako para salubungin siya.
“Naia, be careful. Don’t run!” saway niya sa akin. “Just wait for me!”
Hindi ako nakinig sa kanya. Tumakbo pa rin ako ng mabilis sa sobrang excited ko kahit na pakiramdam ko ay madadapa ako sa haba ng dress na suot ko…at ayon na nga muntik na ako madapa, buti na lang ay magaling siya sumalo.
“Waaaah! I miss you!”
Nasa pangatlong baitang ako ng hagdan habang nasa pinakababa si Treston. Bigla akong natuwa dahil suot niya ang asul na terno suit pants na binigay ko sa kanya. Sabi na, e, bagay talaga sa kanya ang asul pero mas bagay kaming dalawa.
“Akala ko hindi mo na ako dadalawin…” Kunwari ay nagtatampo na sabi ko.
Nakayakap ako sa kanya tapos nakaangat ang ulo ko para titigan ang gwapong mukha niya. Nakaalalay naman ang kamay niya sa beywang ko. Medyo humahaba na ang buhok niya, abot na kasi sa mata niya ang bangs niya. May suot din siya na salamin ngayon na mas lalong nagpa gwapo sa kanya. Inamoy-amoy ko pa ang pabango niya at hindi ko inalis ang tingin. Kinikilig na naman ako. How to kalma?
“Naia…” saway niya sa akin pero tumawa lang din. Ang ganda pakinggan. “Umayos ka ng tayo. Baka mabalian ka.”
“Ayoko…” parang bata na sabi ko sa kanya. “Kiss mo muna ako.” Pumikit ako tapos ngumuso.
Imbes na halikan ako sa labi ay hinalikan niya ang dulo ng ilong ko kaya umismid ako. “E, sa lips kasi…”
Bago pa ako magtagumpay sa plano ko na agawin ang first kiss niya ay binuhat na niya ako tapos binaba kapantay niya. Hinubad niya ang blazer ng suit niya tapos pinatong sa likod ko saka niya ako hinalikan sa noo.
“I hate you. Ayaw mo ako i-kiss. Smudge-free naman ang lipstick ko. Hindi lilipat sayo kahit mag-French kiss pa tayo.” Nagdadrama pa ako baka sakaling effective kaso conservative talaga itong si Treston.
Gusto niya kasi ay sa simbahan, sa araw ng kasal namin, ang unang kiss namin. Ang tagal naman mag propose. Mabuti nga ay pumayag na siya na maging kami na kasi pakiramdam ko tatanda pa kaming dalaga at binata kung magpapaligaw ako. Kaya yan—he will court me for the rest of my life na lang ang deal namin kahit na hindi na niya kailangan gawin.
Duh! Mahal na mahal ko kaya siya. Ako na nga yata ang bibili ng singsing kasi sobrang excited na ako na maging asawa niya—mas lamang ang mahalikan ko na siya. Humanda talaga siya sa akin kapag kinasal na kami.
“I love you, Naia.”
“Aww…”
Nawala na ang kunwaring inis ko. Ginamitan na ako ng three words, talo na naman ako! Niyakap ko siya nang mahigpit habang pinatong naman niya ang baba niya sa tuktok ng ulo ko. Then, he started humming some melody. It’s unfamiliar to me pero ito ang gamit niyang lullaby sa akin sa kada gabing magkausap kami. Hindi niya nga sinasabi kung anong kanta ito pero napakakalmado sa tainga.
“I love you, Treston.”
Ilang segundo kami sa ganoong pwesto hanggang sa humiwalay na siya.
“Halika ka na sa loob. Bukas pa naman, di ba? Gusto ko makita ang mga paintings at sculpture mo.” Hinawakan niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Hue in my Palette (Hue Series #1)
RomanceHUE SERIES # 1 Rejection isn't part of Noreen Valle's vocabulary. She grew up getting everything or anything she wanted without doing much work. May it be new clothes, luxury bags, limited edition shoes, cars, a motorbike, an island, even her passio...