Hue #24
Naia's POV
"Ladies and Gentlemen, family and all the aliens in the universe..."
Nasa gitna ako ng malawak na sala namin. Syempre nag iingay kasi baka mamatay sila sa sobrang katahimikan dito sa hacienda. Pati nga hangin ay naririnig na nila. Nakatayo sa may veranda si Kuya Prix tapos kumakain siya ng sugarcane.
Ito namang si Kuya Cyx ay nakasandal sa couch hawak ang tablet niya. Nagbabasa na naman siguro ng cases. Sila Mommy at Daddy ay nandoon sa bukana ng kusina tapos kasama nila si Treston na naghahanda ng pagkain.
"Ano ba, makinig kayo sa akin..." sabi ko kila Kuya kasi wala silang kwentang audience.
Hindi pa ako nakuntento, umakyat ako sa couch tapos tumayo roon saka ko pinakita sa kanila ang kaliwang kamay ko kung nasaan ang singsing na binigay ni Treston.
"Nakikita niyo ba 'to, ha? Kuya Prix, Kuya Cyx, ito ang patunay na wala kayong mga lovelife..." Nag-evil laugh ako tapos tumalon-talon doon na parang bata.
Masama na ang tingin ni Kuya Cyx pero wala pa rin akong pakialam kasi sobrang saya ko talaga. Umuwi agad ako sa Dumaguete pagkatapos ng graduation namin tapos sinama ko lang naman ang future husband ko kahit mukhang nakapunta na siya rito kasi kilala na siya ng mga kasama namin sa bahay. Baka sa susunod, mas anak na siya kaysa sa akin.
"Naia, bumaba ka dyan," saway ni Kuya Prix. "Madudumihan ang couch."
Hindi ko pinansin kaso nawala ang angas ko sa sinabi ni Kuya Cyx. "Nakita ko na yan. Kasama pa nga ako bumili tapos si Kuya Prix pa pumili ng yarn para sa crochet dyan sa shank ng singsing."
"E?" Lumukot ang mukha ko. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Surprise nga, Naia, di ba?" Si Kuya Prix.
"Whatever!" Tumalon-talon pa rin ako roon hanggang sa pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga tapos mahuhulog na.
"Naia..."
Ngumiti ako. Ang galing talaga ng timing ni Treston kasi sinalo na niya ako bago ko halikan ang sahig. Hindi ako bumitiw sa kanya para hindi niya ako ilapag sa sahig. Pinulupot ko ang paa ko sa bewang niya at parang unggoy na sumabit sa kanya habang nakangisi.
"Naia...bumaba ka na..." saway ni Treston pero hindi ako nakinig.
"Nako, Treston. Sigurado ka ba na pakakasalan mo yang si Naia?" hirit ni Daddy, sabay silang lumabas ni Mommy sa kusina.
"Dad! Huwag kang ganyan! Baka bawiin ni Treston ang singsing," sabi ko agad, hindi pa rin bumaba kay Treston. Wala na rin siyang magawa kaya hinawakan na lang niya ako sa baywang tapos naglakad papunta roon sa veranda na parang palaka.
Ang cute naming dalawa. Sakto nakita ko si Mommy na kinukuhanan kami ng picture. Aww, my very supportive family.
"Treston, it's not too late. Pwede mo pa siyang ibalik sa amin," sabi ni Kuya Prix.
Tumawa si Treston, ginulo niya ang buhok ko tapos hinalikan ako sa dulo ng ilong ko.
"Too late...sobrang mahal na mahal ko po si Naia."
Hala! Shit. Natahimik ako ng wala sa oras tapos tinago ko ang mukha ko sa dibdib ni Treston dahil nahiya ako bigla sa pamilya ko lalo na at tumatawa sila. Ugh, eto naman kasi. Nakakainis! Dapat kapag magsasabi siya ng mga nakakakilig na linya ay bibigyan niya muna ako ng signal.
"Aaaah...I hate you," bulong ko sa kanya. Mahinang kinukurot ang braso niya.
Hindi siya nagsalita pero hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo ko. Ako naman—unggoy pa rin ang peg ko na nakasabit sa leeg niya. Imbes na saging ay sugarcane ang binigay niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Hue in my Palette (Hue Series #1)
RomantikHUE SERIES # 1 Rejection isn't part of Noreen Valle's vocabulary. She grew up getting everything or anything she wanted without doing much work. May it be new clothes, luxury bags, limited edition shoes, cars, a motorbike, an island, even her passio...