Stanza 24
Pagkatapos ng mahabang oras na nasa himpapawid, nasa New York na talaga kami. Pagbaba ko mula sa eroplano, huminga kaagad ako ng napakalalim.
"WHOO!" Sigaw ko habang nakataas ang dalawang kamay.
"Ansaya mo yata. Excuse me." Sabi ni Steph at dumaan sa gilid ko. Lumapit siya sa sasakyang nakapark sa di kalayuan sa eroplano. Nagbow yung mga lalaking naka suit-and-tie na nakatayo sa may kotse.
Dalawang kotse ang nakapark. Yung isa itim, yung isa maroon. Sa maroon sumakay si Steph at sa driver's seat siya sumakay. Don't tell me...
"Sir Buenaflor, sasabay po ba kayo kay Miss Melissa?" Tanong ng isang lalaking nakakurbata sa akin.
"Ah... Eh... Wait. Siya magmamaneho?" Tanong ko.
"Hindi niya pinapamaneho sa ibang tao yung kotse niya." Sagot niya. Tumango-tango na lant ako.
"Okay lang ba na siya ang magmaneho? Tapos pasahero ako?" Tanong ko. Sinenyasan niya ako ng wait-lang gesture. Napahawak siya sa device na nasa tenga niya. It's probably a communication device.
"Okay. Copy that." Sabi niya at tumingin sa akin. "Sabi po ni Miss Melissa na okay lang rin kung gusto niyong maglakad papunta sa building niya." Napatingin ako sa kotse. Tinted kung tinted yung sasakyan. Di ko siya makita.
"No, no. I'm coming with her." Naglakad na ako papunta sa kotse. "Heto na. Naglalakad na."
Binuksan ko ang pinto ng passenger's seat at sumakay na. Namangha ako nang marealize ko anong klase ang kotse niya. I don't know a lot about cars pero alam ko kung paano malaman ang class.
"Corvette C7." Sabi ko. Napatingin ako sa kanya. "You race?" Napataas ang kilay niya. Okay. I'll take that as a no.
"Gusto ko lang ng mabilis na sasakyan. College graduation gift to ng parents ko." Sabi niya at pinaandar ang makina.
Wow. That was music to the ears.
"Gusto mo magdrive?" Napatingin na naman ako sa kanya. Unbelievable.
"You never let anyone else drive this." Sabi ko.
"Well," inalis niya ang seatbelt niya. "Be the first. And probably, the last. Tanggapin mo na't baka magbago pa isip ko."
Agad ko namang inalis ang seatbelt ko at bumaba mula sa kotse. Siya rin. Damn! This is one sexy car. Nagpalit kami ng lugar. Ako na ang nasa driver's seat ngayon. This is gonna be one awesome ride.
"Ano'ng speed limit?" Tanong ko.
"Hmm... Hindi ko memorize. Obvious naman rin ang signs."
Nilagay niya ang seatbelt niya. Nagseatbelt na rin ako. Dahan-dahan pa lang ang pagmamaneho ko palabas ng airport. Kitang-kita mula sa rear view mirror ang pagsunod ng isang kotse. Naroon ang mga gamit namin. Nilagay ni Steph sa dock ang phone niya at nilagay yung bluetooth device sa tenga niya.
"Dela Torre... mauna na kayo sa building, ihatid mo ang mga gamit namin at si Jocelyn doon. We'll take a short drive." Sabi niya. I glanced at her. A short drive? "Kumanan ka sa susunod na street, Drei. Speed limit is high there."
BINABASA MO ANG
Another Song For You[ASFY2]
Fiksi Remaja[ON GOING] They all ask her the same question, "What if babalik siya sayo?"