Running man

48 0 0
                                    

Anyare ?

Pusa naman oh !

Daig ko pa yung naistatwa kanina.

Parang nahypnotize ako na ewan.

Ikaw ba naman dilaan sa tenga.

Yung dila ba na nakalabas lang, yung parang nang-iinis, yung belat, yun yung ginawa nya sakin.

Akala ko talaga sasayad eh, nag-assume pa naman ako. Asar!

Paasa ampucha !

Manong tinuloy na.

May pabitin bitin pang nalalaman.

Nag-imagine tuloy ako na sumayad na.

Anak talaga ng!

Kesa mapahiya ako, tumakbo na lang ako ng makalayo sa kanya.

Kundi ba naman kasi paasa yung taong yun edi sana nandun pa din ako at nag-eenjoy.

HAISH ! Ano ba tong iniisip ko !?

WAAAAAAAA !!!!!!!!

Nababaliw na nga ata talaga ako.

Nasobrahan ata ako sa inom ng tubig at pati utak ko nalunod na.

Naman kasi eh! Kung anu-anong pumapasok sa utak ko.

Makapagkumpisal na kaya ako kay Parikoy ng mabawas bawasan naman yung kahalayan este kasalanan ko ?

Ay nako! Baka magkasala na naman ako dun.

Ang gwapo kaya ni Dingdong Dantes. Ay si Alyas Robinhood na nga pala sya. Hahaha

Ay leche ! Anong oras na ba at panay dada ko pa?

Buti na lang 2:30 palang at may time pa ko makapagprepare.

Nagsuklay ako, nagpulbo, lip gloss.

Ayos na. Maganda na--- yung puno. Oo, yung puno. Tss

Naglakad na ko papuntang room namin.

At kapag sinuswerte ka nga naman, yung apat na unggoy.

Grabe lang ah ! Andami nilang exposure sa kwento ko. Asur.

Nalimutan ko na yung mga pangalan nila basta yung apat na kulugong tinubuan ng mukha na korni dun sa may canteen.

Ah basta ansasakit nila sa mata!

Papasok na ako ng room nung hinarangan nila akong apat kaya napataas yung kilay kong maganda.

"Wow may pataas taas pa ng kilay, anong akala mo sa sarili mo, artista ka ? Di bagay sayo. Pag ako gumawa nyan, mana pa." - sabi nung babaeng kinulang sa ilong.

Eto na naman tayo eh. Ano bang nakukuha nila sa pang aaway sakin ? Wala naman akong ginagawa di ba ? Mga insecure.

"Pwes, kung akala mo papalampasin namin yung ginawa mo sa canteen, nagkakamali ka." - kana naman nung babaeng amoy tulok.

Di nya ba naaamoy yung sarili nya ? Maligo man sya sa pabango, umaalingasaw pa din yung natural na amoy.

"Kung umasta ka, akala mo reyna ka uhh. Wala kang karapatan, kami meron. Pangit ka, kami maganda. Bobita ka, kami matalino. Kaya kahit saang banda, wala kang binatbat." - umuusok yung ilong nya habang sinasabi yan, yung mukhang iniskoba yung mukha.

At huwaw lang ha! Makalait to wagas! Wala naman sa kanya lahat ng katangiang sinabi nya, masyadong ambisyosa. Inagaw lahat ng akin.

"At wag na wag kang magmaganda lalo sa harapan namin, kung naging matangkad ka pa, ay lalo na sigurong naging echoserang palaka ka." - sabi nung nakakaawang babae. Pano ba naman kasi ayos ng maging baklang mukhang babae, kesa katulad nito, babaeng mukhang adik na rapist na lalaki, naglagay lang ng wig na brown at ribbon.

Para lang may langaw na dumapo sa tae.

Haish ano ba naman yan ! Wala na bang mas gaganda sa araw na to ?

Bibigyan ko na lang uli sila ng pangalan. Naloloka ako sa mukha nila. Ansakit sa bangs!

Sina Stinky. Pinky. Tipsy. Lala Poe. Para mas madaling matandaan. Hays. Masyado nilang pinapaaga ang pagtanda ko. Kalerks!

Pero may napansin ako..

"Ah. Excuse me. May dumi ka sa bandang taas ng mata mo." - sabi ko kay Pinky. Yung plakda ang ilong na makapal ang nguso na may lipstick na pink. Tignan mo mag eexaggerate na naman yan.

"Oh Em! Its not gonna happen! My face is so clean and perfect! Oh my! Oh my! " - pag o-oa ni Pinky. At talagang lumapit pa sa pwesto ko kala nya ata close kami. Eh ni hindi sya papasa sa standard ko. Bakit? Artista ba sya? Duh!

Sabi sa inyo eh. *shrug*

"There oh!" Tinuro ko pa para malaman nya. At lalong lumapit sakin habang yung tatlo naman nagpose ng parang charlie's angels.

"Hays ako na nga! " Di ko na mapigilan eh. Ang sakit kasi sa mata. May linta sa kilay nya. Kinuha ko yung basahan na nakasampay sa bakal at pinunas ko sa dumi.

Nanlaki yung mata ko. Shet! O.O

Bakit nawala yung kilay nya? Hala. Tao ba sya? Waaaah mama! Nakakatakot!

"A-ano.. kasi.. Wow! Pinky! Ang ganda ganda mo pala! Wow! Ang cute ng ilong mo. Ang sexy ng lips mo.. hehe" - napalunok ako. Di ko alam gagawin ko. Di ko alam kung tatawa ako ng ubod ng lakas o matatakot.

"Ha! Ngayon mo lang alam? Sobrang tagal na. Since birth kaya." Sabay pamewang si Pinky. Walang clue yung mga kaibigan nya kasi nga nasa likod sila.

Kailangan ko ng maka-escape sa mga Hathor na to. Ninja Fushing Technique!

"Nang mainlab ako sayo kala ko kilay mo ay tunay. Pero di rin nagtagal lumabas din ang yong tunay na kilay. " - kumanta na lang ako ng kanta ng salbakuta habang naglalakad ng paatras.

Nung alam kong nakakalayo na ko. Sumigaw ako "Sayonara! Hanggang sa muling pagkikita mga impakta! Muah".

Nakita kong lumingon si Pinky sa tatlo. Nagkaroon ng konting komosyon sa kanilang apat. At biglang humarap sakin.. shemay! Gremlins!

"Hoy Munte! Hindi pa tayo tapos! Bumalik ka dito!" - sigaw ni Pinky sakin.

Nakita ko naman na umuusok ang napakacute nyang ilong sa galit kaya tumakbo na ko palayo sa kanila.

"Magbabayad ka Munte!" - sigaw ni Stinky, sya yung masansang ang amoy.

"Wala akong pera!" - sigaw ko rin habang tumatakbo.

Pucha! Andaming unggoy na humahabol sakin parang temple run.

Sa susunod sasali na ko ng track and field. Ang hilig ko sa takbuhan.

Pero kailanman hindi ko tatakbuhan ang taong mahal ko subalit ako ang hahabol sa kanya..

Charot! Habulin nya ko. Ang ganda ganda ko kaya para maghabol. Duh! Ako na kaya to. Si Diesh Belle Munte! Ang dyosa ng mga dyosa. Ang reyna ng mga reyna. Ang---

*umulan*

*ng yelo*

*yung tigte-tres*

Joke lang nga di ba?

Eto na eto na oh.

OPPPO! Hanggang kelan kaya tatakbo ang maganda nyong lingkod? Hanggang kelan sya mapapagod kakatakbo ? Hanggang saan kahaba ang hair nya para habul habulin? Eto po si Gasgass Sabelgass. Nag uulat sa TUKKKO.

-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Napkin Lang Pala Katapat Mo Eh !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon