KIERA'S POV
*Tok tok*
malakas na katok ni haring Poseidon sa isang pinto.
maya maya, bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang matandang babae; ang aking lola alison.
"maligayang pagdating apo" ngiti niya sa akin ng matamis.
"iiwan ko muna kayo, inaasahan ko ang maagang pagpunta mo sa aking kwarto uhhhh.....kiena? basta! ikaw, bagong alipin!"
"kiera po mahal na hari, at makakaasa po kayo"
hindi na sya nagsalita at tuluyan ng umalis.
"Kumusta ka naman iha? kumusta ang iyong ina?"
"lola...paano? akala ko..patay kana"
hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari.
"Mahabang istorya apo, pero sa ngayon, ikaw ay isang alipin na kaya't ayusin mo ang iyong pananalita"
"subalit papaano po? hindi ko gusto ang ugali ng haring yun"
"gusto mo man o hindi, wala na tayong magagawa. Ito ang nakatadhana sa iyo, ito ang nakatadhana sa atin"
napabuntong hininga na lang ako. Hinawi ni lola ang aking buhok katulad ng kanyang ginagawa nya dati hanggang sa
.
.
Zzz...Zzz(KINABUKASAN)
POSEIDON'S POV
"Nasaan na ang bago kong alipin?!"
"w-wala pa po, mahal na hari" sagot ng isang alipin.
"Pagkabilang ko ng tatlo, parurusahan ko ang alipin na iyon kapag hindi sya dumating! isa! dalawa!"
"m-mahal na hari, kumalma po kayo-"
"dalawa't kalahati! dalawa't- teka, ano nga bang kasunod ng dalawa't kalahati?" tanong ko
"h-hindi ko po a-alam mahal na hari"
"hindi mo alam? anong klase kang serena kung pagbibilang lang ay hindi mo alam?"
"pa-pasensya po"
napahawak na lamang ako sa aking noo dahil sa sakit ng ulo na idinudulot sa akin ng aliping ito.
*tok tok*
biglang lumakas ang tibok ng aking puso dahil sa katok na narinig ko. Siya na ba iyan? pero teka, hindi ko sya hinihintay, sadyang mag iuutos lang ako
"magandang umaga po mahal na hari" pagbati nya
"pasalamat ka at hindi umabot sa ikat'lo ang aking bilang, kung hindi maparurusahan ka"
"sadyang hindi mo po pinaabot ang bilang mahal na hari"
sinamaan ko ng tingin ang nagsabi ng katagang ito.
"Lumabas ka!"
"m-mamasunod po"
"teka..ano nga palang pangalan mo?"
"delaila po" pagsagot ni delaila at keira.
"ikaw ba ang tinatanong ko?"
"hindi po, pero alam ko naman po mahal na hari ang pangalan nya kaya ako na po ang sumagot" sabay ngiti nya sa akin.
"ah basta! lumabas ka na delaila, may pag uusapan lang kami ni..uhh...kiena"
"keira po" pagtatama nya sa akin
"keira, keina, magkatunog naman"
inirapan nya lang ako na akin namang ikinatawa. lumabas na si delaila at pagkasara nya ng pinto, agad akong naghubad ng pang itaas
KEIRA'S POV
unti unting naghubad si haring Poseidon.
"T-teka...a-anong ginagawa mo?"
"naghuhubad"
"bakit?"
"kasi madumi ang damit ko-teka, obligasyon ko bang sagutin ang mga tanong mo? isa pa, hindi kita pinahintulutang magtanong"
hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kagandagan ng katawan nya *gulp* ang gandaaa! parang inukit!!
"Alipin? alipin!"
"ho? bakit mahal na hari?"
"pwede mo namang hawakan ang aking katawan kung iyong nais"
"pwede?-este hindi po ako tumitingin!"
"o sya, sabihin na nating ako ay nakumbinsi mo. Kumuha ka na ng damit na aking isusuot."
lumangoy ako patungo sa kanyang dibuhistang gawa sa malaking kabibe.
Kumuha ako ng isang alahas at saka bumalik upang ibigay ito.
"oh, ayan na po mahal na hari"
"ano yan?" may pagtataka sa mga mata nya.
"Yan po diba ang iniutos mo?"
"ang sabi ko pang itaas, hindi alahas! hindi ka ba nakikinig? o sadyang naaakit ka sa aking katawan kaya't hindi mo naintindihan ang aking utos?"
"hindi nga po ako tumutingin sa *gulp* magandang katawan-este basta!!"
ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi pero nginisihan nya lang ako.
YOU ARE READING
Poseidon's Pearl
Viễn tưởngWhat if ang buhay mo ay nakasangla sa isang pasaway na diyos? What if ang mga ninuno mo ay mga alipin ng dyos at ikaw ang magpapatuloy ng pagiging alipin ng inyong lahi? what if ang babantayan mong dyos ay ubod ng gwapo?