KIERA'S POV
Hindi parin maalis sa isip ko ang kagandahan ng katawan ng mahal na haring Poseidon.
"Iha, mukhang wala ka sa iyong sarili?"
"po? bakit po lola?"
"ang lalim ng iniisip mo at bakit ikaw ay namumula?" wika ni lola na may halong kuryusidad.
"W-wala po lola, may naalala lang na *ehem* bagay na maganda"
"ilagay mo ang presensya ng isip mo ngayon iha, ipapaliwanag ko ang batas sa pagiging sirena."
"batas? may batas pang susundin?"
"oo iha"
napabuntong hininga na lang ako.
Oo nga pala, nabanggit na ni delaila na may batas ang mga sirena.
"una sa lahat, ang sirena ay may kakayahang kumausap sa anumang uri ng hayop sa karagatan."
parang gusto ko namang kumausap sa hayop? hayyy
"Ngayon, dumako tayo sa mga batas ng pagiging sirena. Una, ang kulay ng iyong buntot at mata ay nagpapahiwatig kung saang karagatan ka maninilbihan"
napatingin ako sa buntot ko, kulay asul ito.
"ang asul na kulay ay para sa hilaga at timog pasipiko, ang berde ay sa hilaga at timog atlantiko, pula sa timog, itim sa indiyan, at dilaw sa artiko. Ang kulay na ito ay nagsisilbing palatandaan kung saan ka lamang pwedeng pumunta. Kapag ikaw ay lumabas o pumasok sa karagatang hindi mo kinabibilangan ng walang pahintulot ng pinuno o ng dyos ng karagatan, kamatayan ang kaparusahan."
napalunok ako bigla. Nakakatakot namang lumabag.
"pangalawa at huli, ang pakikipag relasyon ng isang sirenang alipin sa kanyang pinuno o diyos ay isang malaking paglabag"
pshhh, hindi naman ako magkakagusto sa dyos na yun, kahit ata napakaganda ng mata nya, matipuno ang katawan, umiigting ang panga....teka, bakit puro magaganda?! ahh!! pangit ang ugali nya!! oo
"nagkakaintindihan ba tayo apo?"
"po? opo lola, ahhmm.. lalabas po muna ako"
"o sya sige, mag ingat ka"
lumabas muna ako at lumangoy langoy para kabisahin ang lugar na ito.
Habang lumalangoy, may napansin akong isang sireno na pula ang buntot.
lumapit ako sa kanya ng mabilisan at hinawakan ang kanyang kamay.
"bakit ka nandito?! may pahintulot ka ba ng pinuno ng timog?"
"kumalma ka-"
"baka may makakita sayo baka ipapatay ka!"
"teka-"
"bilis *habang inaalog ang kanyang katawan*"
"teka, bitaw!!"
"bakit ba-"
hindi ko pa naitutuloy ang sinasabi ko, biglang lumitaw kung saan si delaila.
"Kiera, pinapatawag ka ng ma...hal-"
nanlaki ang mata nya ng makita ang kasama ko.
"Ma-magandang araw po pinuno julious" sabay yuko.
Napatingin ako sa kanya
"hala, pasensya po!! patawad pinuno!!"
parang gusto ko nalang ma kainin ako ng lupa dahil sa kahihiyan
"ayos lang, pinapatawag ka ng mahal na hari, huwag mong paghintayin ang iyong dyos." saad nya habang nakangiti
lahat ba ng pinuno dito ay gwapo?!
WAHH!! ang gwapo ni pinunong julious!!
"p-pasensya po ulit, mauuna na po kami, magandang araw nalang po" sabay dali dali akong lumangoy.
"Hintayin mo ako kiera!! pa-paalam po pinuno"
"kumusta ang katawan ni pinunong julious? matigas ba?" tanong ni delaila.
"oo matigas-este tigilan mo nga ako delaila! nakakahiya kaya"
"ang swerte mo naman, nahawakan mo sya"
"anong swerte? baka isumbong ako ni pinunong julious sa mahal na hari"
"anong isusumbong? anong meron?" sambit ni haring Poseidon na akin namang ikinagulat.
"ay palakang lumalangoy! ay mahal na hari, ikaw pala"
"m-mauuna na po ako" pag paalam ni delaila sabay langoy ng mabilis. Iwan daw ba ako? "anong isusumbong iyon alipin?"
"ahm...ano po kasi mahal na hari..."
"ano iyon?"
"may hinawakan po kasi akong sireno kanina-"
"ano?! may hinawakan ka?! anong pangalan?!"
"galit na galit mahal na hari? ayun na nga po, si pinunong julious po kasi yun, akala ko po kasi sireno mula sa timog na pumasok sa pasipiko"
"at talagang si julious pa ang napili mong hawakan?! bakit? mas gwapo ba sa sya sa akin?"
"ho? hindi-"
"sinisigurado ko sayo alipin, napakalaki ng kalamangan ko sa kanya. Mas malakas, mas matipuno at mas gwapo"
"teka-"
"kaya wag na wag ka ulit hahawak sa ibang lalaki lalo na't kung hindi ako kayang higitan, nagkakaintindihan?!"
"tekaa!! nagseselos ka ba mahal na hari?"
"ha? nag-nagseselos? hi-*ehem*hindi ah! lumabas ka na"
napahawak na lang ako sa noo ko. Lumangoy ako ng pagkalayo-layo at pagkabilis-bilis tapos wala naman palang iuutos sa akin itong hari na ito?!
"*sigh* opo, masusunod po"
"yung paalala ko ha? subukan mong lumabag at sisiguraduhin kong maparurusahan ka!"
YOU ARE READING
Poseidon's Pearl
FantasiWhat if ang buhay mo ay nakasangla sa isang pasaway na diyos? What if ang mga ninuno mo ay mga alipin ng dyos at ikaw ang magpapatuloy ng pagiging alipin ng inyong lahi? what if ang babantayan mong dyos ay ubod ng gwapo?