KIERA'S POV
Lumabas na lang ako at dali daling hinanap si delaila.
nakita ko syang naglilinis, nag dahan dahan akong pumunta sa likod nya at...
"DELAILA!"
"wahh!! bakit po?? ano po yun? ay hinayupak! kiera naman eh!" reklamo ni delaila habang nakahawak sa dibdib nya.
"HAHAHA ang nerbyosa mo naman!"
"chee! hindi ako nerbyosa, sadyang magugulatin lang ako"
"HAHAHA oo na! oo nga pala, bakit mo ako iniwan kanina ha?"
"nako, baka madamay pa ako sa galit ni haring Poseidon!"
"hindi naman nagalit ehh"
kumunot ang noo nya
"hindi? eh samantalang dati ay nahawakan din ni shalla si pinunong julious, naparusahan sya"
"pero....basta!"
nagtaka ako bigla. Anong meron?
"oo nga pala, samahan mo ako mamaya ha? kukuha lang tayo ng damong-dagat mamaya"
"damong-dagat? para saan?"
"hindi mo ba alam?"
"na..??" tanong ko
"paborito ni haring Poseidon ang damong-dagat"
.
.
.
"haa?!""Gulat na gulat? oo nga, at ito pa ha? simula noong dumating ka, araw-araw na syang nagpapakuha ng damong-dagat. Lahat nga ay nagtataka sa pagbabago ng mahal na hari eh. Ikaw ba? may napansin ka ba sa kanyan?"
"meron"
"ano yun?"
"araw-araw nya lang naman ako binubwisit at palaging pinagtitripan"
"ha? sigurado ka? kilala bilang masungit si haring Poseidon kiara kaya nakapagtatakang hindi sya nagsusungit sayo"
"a basta! tapos kana ba?"
"oo, tara na"
kumuha sya ng dalawang basket at lumabas kami ng palasyo. maya maya pa ay nakarating kami sa pinagkukunan ng damong-dagat at isa lang ang masasabi ko
"Ang ganda dito"
"anong ginagawa nyong dalawa dito?" saad ng sireno sa aming likuran
napatingin kami ni delaila sa aming likuran at nakita namin si pinunong julious na may dalang damong-dagat.
"magandang araw po pinuno, kumukuha po kami ng damong-dagat para sa mahal na hari"
"a sige, sasabay na ako sa inyong dalawa papuntang palasyo"
tumango nalamg kaming dalawa at nagsimulang kumuha.
hapon na at katatapos lang namin sa pangongolekta at masasabi kong nakakapagod din ito.Habang nagpapahinga, biglang dumating ang isang babae na halatang galit na galit.
"Kiera! kanina ka pa hinahanap ng mahal na hari!"
"kumalma ka shalla, kasama naman nila ako. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mahal na hari" saad ni pinunong julious.
Natahimik sya sandali at saka nagwika na "pasensya po pinuno, pinapatawag na din po kayo ng mahal na hari"
dali dali naming inayos ang aming kinuha at dali daling lumangoy patungo sa palasyo.
(PALASYO)
nasa labas palang kami ay rinig na rinig na ang malakas na boses ni haring Poseidon.
*gulp* patay ako nito!
Pumasok na kami at napatingin sa amin si haring Poseidon na kasalukuyang nagwawala.
Napatigil sya at napangiti ng makita kami ngunit nawala ang ngiti niya ng makita si pinunong julious.
"Hoy alipin na mukhang damong-dagat, bakit kasama mo sya? hindi ito patas! dapat ako ang kasama mo palagi! ako ang pinagsisilbihan mo, hindi ba?! hindi baaaa?!" reklamo ni haring Poseidon.
"Kumalma ka mahal na hari, nakita ko lamang sila na kumukuha ng damong-dagat kaya kami ay nagkasama" pagpapaliwanag ni pinunong julious
"Manahimik! hindi kita tinatanong!" saad ni haring Poseidon habang nanglilisik ang mata
"Kumalma ka mahal na hari, pangako hindi na ito mauulit" saad ko na ikinakalma nya.
"o sya, magpahinga kana"
tumango na lang ako.
Aalis na sana yung dalawa ngunit pinigilan sila ni haring Poseidon. "
Ang sabi ko sya lang, saan kayo pupuntang dalawa?"
nanatili sila doon at ako naman ay dumeretso nang kwarto at nagpahinga
(KINAUMAGAHAN)
Habang natutulog ako, may nakapa akong matigas na bagay sa aking tabi.
Ano ito?
unti unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang mukha ni haring Poseidon habang nakadampi ang aking mga palad sa katawan nya.
*pak*
"Aray! bakit mo naman ako sinampal?!"
"p-pasensya na po! teka, bakit ka nasa tabi ko? hindi kaya...??" napahawak ako bigla sa katawan ko.
"h-hoy alipin, ano ang iniisip mo?! hindi yun ganun! bakit ko naman pagtatangkaan ang isang babaeng mukhang damong-dagat at walang bundok amg hinaharap?"
"hoy! meron yan oh, malaki ang hinaharap ko! isa pa, masyado kang napaghahalataan mahal na hari. wala pa akong sinasabi ngunit ikaw ay may reaksyon agad" sabay ngisi ko sa kanya.
Kitang kita ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa kahihiyan.
"H-hindi nga kasi ganun! tssk! makaalis na nga!"
tumayo sya mula sa pagkakahiga sa aking tabi "bilisan mo, may pupuntahan tayo" sabi nya sabay alis.
Saan kaya nya ako dadalhin?
YOU ARE READING
Poseidon's Pearl
FantasyWhat if ang buhay mo ay nakasangla sa isang pasaway na diyos? What if ang mga ninuno mo ay mga alipin ng dyos at ikaw ang magpapatuloy ng pagiging alipin ng inyong lahi? what if ang babantayan mong dyos ay ubod ng gwapo?