CHAPTER 29
"Ms. Diane, hindi reason yan para hindi ka makagawa ng assignment, may mga classmate ka na mapagtatanungan oh," sabi ni ma'm Grace
Diane
POV
Oo na, ipapamukha pa sa akin eh, anong magagawa ko eh estudyante lang ako
"Friends sorry, hindi ko pala na-inform sayo na may assignment tayo," sabi ni Paula na nuo'y katabi ko lang
"Ako rin eh, ngayon ko lang naalala, sana pala pinakopya kita kanina," sabi ni Jannela na katabi naman ni Paula
"Okey lang yun, wala kayong kasalanan," sabi ko
Masyadong mababaw ang rason para pagtalunan pa naming magkakaybigan to, siguro naman warning lang ang ibibigay sa akin ni ma'm Grace
"Dark and Diane, labas!" sigaw ni ma'm Grace
"Ma'am?" sabay na sigaw namin nung lalaking magnanakaw ng I.D.
"I said get out of this room, di kayo makaintindi ng tagalog, bumalik kayo dito sa loob pag nagawa nyo yang assignment nyo," sagot ni ma'm Grace
Wala akong nagawa kundi ang lumabas ng room kasama yung lalaking nakapulot ng I.D. ko, nandito kaming dalawa sa hallway ng school, walang kibuan, nakatayo lang ako sa gilid at sya naman naupo dun sa sahig
Masama talaga ang loob ko, sa dami dami ng makakasama ko dito sa labas, etong lalaking kinaiinisan ko pa ( >_< )
Ang sabi ni ma'm, papapasukin lang kami ng room kung magagawa namin yung assignment, ang problema wala akong kopya ng assignment
Ayoko namang balewalain yung subject na'to, absent na nga ako last week, tapos ganto pa nangyari, pero ayoko naman humingi ng tulong sa lalaking kasama ko ngayon, hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya
Pero nakakainis talaga eh, parang hindi man lang nya naisip yung kalagayan ko, in short wala syang pakialam basta magawa nya yung assignment nya, makasarili talaga
Nabigla ako ng lumingon sya sa akin, kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya at binuklat ko nalang yung notes ko kahit alam kong wala din akong mapapala
Dark
POV
Hindi ko namalayan na nakatingin pala sa'ken si Diane pero nabasa ko ang inisip nya kanina, makasarili daw, aba ano nanamang kasalanan ko sa kanya
( kainis, sana pala hiningi ko yung notes nila Paula o kaya ni Jannela para alam ko yung sasagutan sa assignment grr.. ) ---> >__< Diane
Aha, so yun pala yung nirereklamo nya, bakit kasi hindi nagsasalita itong babaeng ito, hindi naman ako madamot para ipakopya sa kanya yung problem solving sa assignment
"Ahem, mahirap mag solve ng math kung walang problem," sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kanya
Alam ko narinig nya ang sinabi ko, pero nag-step pa sya palayo sa aken, grabe talaga ang babaeng ito, alam ko may galit sya sa'ken pero uunahin pa ba nya ang pride nya
"Alam ko wala kang kopya ng assignment, aminado naman ako na ako dahilan kung bakit ka absent last meeting, kaya eto papakopyahin kita," sabi ko sabay abot ng notebook pero hindi nya ito kinukuha
"Ayaw mo di wag," dagdag ko
"Oh sige na!" sigaw nya "akin na yan,"
Napangiti ako, di ko alam kung bakit pero nakakatuwa kasi yung itsura ni Diane, ang cute nya kasi parang pinipilit nya nalang magalit kahit halatang nahihiya sya sa aken
Hinablot nya yung notes ko, yung act na muntik pang mapunit kasi padabog pa yung pagkuha nya
"Dahan dahan naman, eh kung mapunit yan," sabi ko
"Paki ko," pagkontra ni Diane tapos nag-step sya palayo
"Huy teka, ba't nandyan ka, sinosolo mo naman yung notes ko, lumapit ka kaya dito hindi ko pa nga nakokopya yung ibang tanong eh," sabi ko
"Eh ako muna," sabi nya habang nakatalikod at nagsusulat
Haha, ibang klase talaga, ang akala nya siguro naiinis ako sa ginagawa nya, pero natatawa talaga ako pinipigilan ko lang humalakhak
"Oh Sige, ikaw muna dyan, basta bati na tayo ah," sabi ko
Well sinusubukan kong palambutin ang puso nya, base kasi sa mga kinikilos nya, halatang di nya pa rin kinakalimutan yung galit nya sa akin mula nung di ko naisauli yung I.D. nya pero nagulat ako ng bigla nyang binato sa'ken yung notes ko pabalik at tinamaan ako sa mukha
"Iyo nayang notes mo kung gagamitin mo lang pala yan para mapatawad kita, pwes sayong sayo nayan," sabi nya
Grabe, talaga sya, paano ba ako mapapatawad ng babaeng ito, nauunawaan ko naman na galit sya saken pero maliit na bagay pa nga yun kung tutuusin kung bakit sya galit sa akin, pero sige pipilitin kong tagalan ang ugali nya
"Oh sige na po, kahit di mo na ako mapatawad, pero sige hiramin mo na muna ulit itong notes ko, pagmamagandang loob ko na lang," sabi ko
Katulad ng kanina, ayaw nya nanaman kunin yung notes ko mga seven seconds ko yatang inaabot yung notes ko sa kanya pero di nya inabot para kunin ng biglang isa pa sa mga kaklase namin ang lumabas ng room, isa sa buraot boys, si khenji
"Kamusta kayo dyan, haha, walang hiya akala ko di ako mahuhuli ni ma'm eh, wala rin akong assignment eh," pambungad nya na pakamot kamot pa ng ulo
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasiaAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...