I'm Jade

4 1 0
                                    

PRELUDE

(Stone of the Heart)

Maganda ang panahon ng umagang iyon. kung kaya't marami sa mga batang nakatira sa isang compound ay naglalaro sa labas, sa bawat paglinga mo ay may makikita kang naglalaro ng patintero, taya-tayaan, luto-lutuan, bahay-bahayan, tagu-taguan, at  may iba naman na kinukutuhan ng kanilang mga ina habang nagku-kuwentuhan ang mga tungkol sa kung papaano sila nanganak at kung paano nila inaalagaan ang kanilang mga pamilya.

Isa sa mga batang kinukutuhan ng kaniyang ina si Jade isang batang babae na may magandang mukha at makinis na kutis, kapansin-pansin din ang tuwid at bagsak na bagsak nitong buhok na sa tuwinang masisikatan ng araw ay nagiging red-brown na kina-iingitan ng ibang mga nanay kapag nakikita nila si Jade.

Ang usapin ng mga nanay ng umagang iyon ay tungkol sa kung papaano naisip ng mga ito ang pangalan ng mgya anak nito. 

"Eh, bakit Jade ang pangalan  niyang panganay mo. Ate Janna?" si Jennalyn o mas kilala bilang (nalyn) ay may tatlong anak na. Ang panganay nito ay si Geoffrey, na sinundan naman ni Lovely at ang kasalukuyang bunso naman ay Panther Edric o mas kilala bilang Patric. Kasalukuyang naglalaro ang ibang bata samantalang nakikinig lamang si Jade sa usapan ng mga nanay nila. 
 
"Kaya Jade ang pangalan nito dahil gusto ko na maikli lang ang pangalan niya para di mahirapan at nakakapagod magsulat ng pangalan pagmahaba masyado.Inayos ni Jade ang kanyang upo dahil nangangalay na siya.

"Bakit Jade, mama?natawa na lamang ang iba pang mga nanay sa tanong ni Jade.

"Kasi yung 'Ja' nanggaling sa palayaw kong 'Jaja'  at 'De' naman mula sa palayaw ng papa mong  'Deng' kaya 'Jade' ang pangalan mo"

''Jade means 'charity', 'rectitude', wisdom', 'courage', and 'equity' always remember the meanings of your name because it's represents your whole identity and personality and shows you souls purity.  My Stone of the Heart"

"Ikaw si Jade Suezar Sullury lagi mong pagkakatandaan 'yan naintindihan mo ba Jae?"

"Jade Suezar Sullury" mahinang usal ko naman.

"Ikaw nga... "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her SecretsWhere stories live. Discover now