Ayoko Na

0 0 0
                                    

March 7, 2023

Without even thinking about it. I made a decision. I'm tired.

"Ayoko na"

Nasabi ko na to noon. Few months ago. Sinabi ko ulit kanina sa kanya ang mga katagang yan.

When you run out of words. When you can't explain anything. When you don't understand anymore. When you can't feel the love and respect anymore. Better loosen the grip and stop holding on.

Is it my fault? Yes, maybe.

Dahil hindi ko napakita yung lugud. Dahil agad ako bumitaw. Dahil hindi ko kayang ibigay yung gusto nya.

Nag-roadtrip palang kami nung isang araw. It was fun. I enjoyed it. Hanggang sa tinuro ko sa kanya yung lugar kung saan kami nagjojogging noon. Tapos dinala nya ako sa pinakasulok. Doon nya ni-park yung motor. Nag-take kami ng pictures. I thought nagbibiro lang sya about the torrid kiss. It will be my first kiss kung nagkataon. I kiss him naman, pero smack lang nung nasa parking pa kami ng Robinsons. Kaso nadisappoint sya. Ayaw nya ng ganon lang. Gusto nya lips to lips. I was kinda uncomfortable. Kase hindi naman ako gantong tipo ng babae. I just gave him a chance na maging boyfriend ko. I never had a boyfriend back when I was highschool. In fact, NBSB ako. I have no such experience like this before. Laging mga girl friends ko lang ang kasama ko nung highschool at malimit lang ako makisalamuha sa mga lalaki.

Sya lang yung first guy na naka-date ko. I don't regret it. I felt that he was a good guy from the day one; nung first time ko sya na-meet in the middle of the class reporting na sya yung nakapartner ko non. He seems a little bit shy. Hindi mo mararamdaman sa kanya na mayabang sya di kagaya ng ibang mga irregular na mga estudyante doon na parang sila may ari ng school. Simple lang sya, matangkad, marunong naman sya mag-salita, hindi sya uutal-utal pag nagrereport di kagaya nung iba naming kaklase. I found him quite attractive naman dahil matangkad sya. Yun lang, wala syang interes sa pag-aaral. Big deal kase sakin yung height since matangkad din naman ako at may iba kase akong mga kaklaseng mga lalaki na maliit pa saken.

Since hindi naman ako mahilig makisalamuha sa mga guy noong highschool ako, I felt a little nervous at may spark din nung first time na nagkita kami sa SM tapos kumain kami sa Jollibee para mag-usap. Ka-chat at kalaro ko na sya non sa ML. Medyo gusto ko na sya that time kaso may ka-MU pa sya noon. I think na-fafall narin ako sa kanya that time. February 2022 yon, I remember. Nasaktan din ako non, kase akala ko wala na sila nung ka-MU nya. Naging crying shoulder nya ako noon. Kahit alam kong vulnerable din ako, lagi lang akong nakikinig at nagbabasa ng mga chat nya noon. Dumating lang yung time na nagkamalabuan sila. Pero we stay strong as friends. Alam ko nagko-confess na rin sya non na crush nya ako. Di ko alam kung seryoso ba yun o pabiro lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What IfWhere stories live. Discover now