LESS LONELY

62 6 4
                                    

"Mami! Hindi ka talaga nageffort. Nakakatampo na talaga" Malungkot na sabi ni Adj. Actually, kanina pa siya nandito, patapos na nga kaming kumain pero eto siya hindi makamoved on, wala kasing kadesign design itong apartment.

Naabutan niyang ganito lang, Ineexpect niya na may paballons at kung anong ano pang design ang makikita niya dito. Buti nalang nabawasan ang pagkadismaya ng mukha niya ng makita niya ang niluto ko. "Mas may time ka pa nga sa trabaho mo kaysa saakin" dagdag niya pa.

"Sorry naaaa! Nawala talaga sa isip ko na darating ka tsaka wala na akong time para bumili at magdikit. Kaya yung ulam nalang yung pinageffortan ko, hindi mo ata naappreciate eh" Tinikman ko muli yung niluto kong ginataang adobo na paubos na din and so far ito na yung pinakamasarap kong timplada. Ginawa ko talaga special itong ulam na favorite niya. Makabawi man lang.

"Hindi ko naman siguro mauubos itong sinaing mong kanin at ulam kung hindi ako nasarapan. It's just that.." Nagbutong hininga nalang siya at sinabing "Nevermind."  Lalo akong naguilty kaya pinagmasdan ko lang siyang ubusin ang ulam na niluto ko.

"Adj! Pwedeng pakuha naman yung dessert natin sa ref" Utos ko sa kanya. Tiningnan niya muna ako ng masama bago siya tumayo at binuksan ang ref. Natawa nalang ako ng bigla siya sumigaw. Hindi pala sigaw, tumili siya. Tili yung narinig ko. Ang OA talaga!   cake lang naman na may nakalagay na welcome home ang pinapakuha kong dessert namin.

Since ganun na yung reaction niya yun na yung cue ko para kunin ang bouquet na itinago ko para hindi niya makita, nagpatugtug at pinuntahan na siya.

Giliw, kung pahihintulutan mo ako

Napangiti nalang ako sa tugtog.

"Welcome home adj" at iniabot ang bouquet sa kanya. Inilapag niya muna ang cake at kinuha ang bouquet.

Ipagkakatiwala ko sana sa 'yo ang puso ko

"Aww. Merlat!" Napatakip naman ito ng bunganga gamit ang isa niyang kamay. Hindi niya siguro inaasahan na kahit papano ay may paganito ako.

Alamat lang ba ang pahinga
Ng dalawang puyat sa Pira-pirasong mga bugtong? Nagtatanong

This is all awkward para saakin. Kung iisipin, babalik lang naman siya sa dito sa bansa bakit kailangan pang isurprise, nalungkot pa siyang walang design yung apartment then I realized, he wants me to recognized him just like he wants me to feel na he recognized me.

Sagot ay 'di mahalaga
Sapat na sa 'king nar'yan ka

"Sorry sa paglimot na ngayon pala ang dating mo, sorry kasi mas nakafocus ako sa trabaho tapos hindi man lang ako nakapaghanda." Nakayuko kong sabi. Hindi ako nakapaghanda dito sa relasyong meron tayo. I forgot na dalawa na pala tayo, hindi na dapat ako nakafocus sa sarili kong POV, yours too.

Paumanhin, paumanhin
Salat sa kasanayang linawin

"Hey! I know naman na nageffort ka. Wag kang masyadong malungkot dyan. Thank you!"  Then he hug me tight. "Nadissapoint lang ako kasi akala ko hindi mo ako naaapreciate as your jowa tapos parang wala lang ako sayo. Kaya i always put efforts para maiparamdam sa iyo yun" Tama na nga ako.  Adj is a type of person na kailan mong iparamdam at sabihin sa kanya na importante siya sayo kasi yun din ang gusto niyang maramdaman towards me. He is very expressive yun ang napansin ko, yun ang pagkakaiba namin. That's not my type of tea.

Giliw, kung pahihintulutan mo ako

"Sorry kung hindi ako ganun ka expressive please bear with me. Bago lahat saakin ito tapos crush pa kita." Sinabi ko ang mga katagang yun habang magkayakap pa din kami. Akala ko hihiwalay siya sa pagkakayakap pero ang pagtawa niya lang ang naramdaman ko at niyakap ako ng mahigpit.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon