CHAPTER 9

1.9K 12 1
                                    

Yuri's POV

4:00am nang magising ako. Kaya inayos ko ang sarili ko at nag toothbrush bago lumabas nang kwarto.

"Cindy, mag coffee Ka na muna" tawag sa akin ng isa sa mga katulong na kung saan nag ti-timpla nang kape. Dahil gusto ko rin mainitan ang tiyan ko Kaya lumapit na ako sa kanila.

"Ano ba gusto mo? Gatas, kape o itong tsokolate?" Tanong sa akin ng isa pa habang nilalagyan ng mainit na tubig ang Baso ko.

"Itong gatas nalang sa akin hehehehe" sabay kuha sa lagayan ng gatas at kumuha ako ng tatlong kutsara at nilagay sa cup na may mainit na tubig.

"Ito tinapay oh"

"Bakit po ang aga ninyo?" Tanong ko sa kanila. Kasi halos lahat na yata ng katulong eh gising na.

"Nandito kasi si Madame. Alam muna hahahahahaha pag nandito si Madame dapat nakahanda na lahat bago s'ya magising"

hindi ko alam. Peru bigla ko nalang naalala si Senyorito nang bigkasin niya ang katagang Madame.

Hayop na babaeng yun. Hindi ako makakapayag na tratuhin niya ng ganon si Senyorito. Ako yung nandidiri sa kanya. Sarili niyang anak ginawa niyang Arrghh kadiri talagang Babae. She's beautiful, Peru bakit hindi siya maghanap ng lalaking Kasing edad niya? Bakit sa anak pa talaga? Kadiri talaga. Kinikilabutan ako sa pinagagawa niya.

Mapuntahan na nga si Senyorito baka gising na yun.

"Oh saan ka pupunta? Hindi mo pa nainom itong gatas mo?"

"Ahh a-ano kasi may kailangan pa pala akong ayusin don sa Mansion baka kasi magising si Senyorito"

"Peru, sayang naman itong gat-

"Sa akin nalang" sabay kaming napalingon sa likuran ko ng biglang may boses lalaking bigla nalang nagsalita at walang lingunang umupo ito sa upuan ko sabay higop niya sa Gatas na tinimpla ko at kuha rin sa tinapay na nandon.

Saka s'ya lumingon sa akin habang nakangiti. Kilala ko ang lalaking ito ah s'ya yung lalaking naghatid sa akin sa kwarto ko yung time na nakatulog ako yung tauhan ni Daddy.

Bumalik lang ako sa realidad nang mapansing titig na titig s'ya sa dibdib ko. Papagalitan ko na sana Ito ng mapansing sa necklace ko pala s'ya nakatingin.

"Ca-Callum, bakit ka nandito!? Bawal ang lalaki rito sa building ng mga Babae. Ikaw talaga Oo bumalik ka na roon sa building mo! Naku Kung hindi ka lang talaga gwapo naku!! Isusumbong na Kita sa Mayor Doma"

"Grabe ka naman nagugutom lang naman ako at isa pa ang daming Magaganda rito" nakatitig sa aking usal nito dahilan para dali-dali akong napatalikod.

"Uhmmm a-alis na a-ako" sh*t bakit ganon s'ya makatingin sa akin? Oh f*CK kilala nga pala niya ako bilang Yuri ibig bang sabihin no'n ako yung tinutukoy niyang maganda? Tsk! Ang assumera ko na yata pag ganon

"Take care" pahabol nito Peru, wala akong paki. Hindi ko rin alam kung ako ba ang tinutukoy niya.

Nang makarating ako sa Mansion binati ko naman ang lahat ng nandon na kung saan naglilinis at may naglalaba pa nga eh. Grabe ang aga nilang lahat akala mo naman may Party.

"Good Morning, Cindy"

"Good Morning, Chef" bati ko sa chef na kung saan naghahanda ito sa mga pansahog na gagamitin niya.

"Hi Cindy"

"Good Morning Cindy"
Sabay-sabay na bati sa akin ng anim na Security Guard. Kung paano ko nalaman eh nakasuot pa sila ng uniform eh habang nag kakape.
Grabe ang bahay na to puros mga katulong at security guard yata ang umaakopa rito.

Sexret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon