Chapter 2: Pretend Girlfriend?

29 2 1
                                    

Aphrodite's POV

Shet miming! Di pa rin ako nakarecover sa nangyari nung isang linggo pero pagkatapos nun di ko na siya nakita. Ba't pa sobrang apektado ako? Eh unang kita pa lang namin nun pero parang gusto ko pa siya makasama. Patungo ako sa restaurant ngayon para mag trabaho at nakabisikleta na ako. Mahirap na no!


"Aph! You're 30 minutes early." Sabi sakin ng manager namin.


"Parang di naman po kayo nasanay hehehe." Maaga talaga ako pumapasok mas mabuti na to keso ma-late.


"You're always doing great job Aph!" Puri ni Ma'am Anna, ang aming manager.


"Thank you po ma'am!" Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Yung sa sobrang tamis magkaka-diabetes siya. Djk. Tuluyan ng umalis si ma'am pagkatapos nun.



"Oh! Nandito na pala ang employee of the month!" Bati sakin ni Vincent. Si Vincent ang dahilan kung ba't ako nakapasok sa trabaho ko at malaki ang pagpapasalamat ko sa kanya. Bestfriend ko yan! At isa pa chef siya dito sa restau.



"Yan na ba ang bagong HI ngayon?" Inirapan ko lang siya.


"Sungit mo talagang babae ka!"


"Aray! Kahit kailan sadista ka talagang pangit ka!"


Hinihimas himas ko ang aking noo dahil na rin sa malakas na pitik ni Vincent.


"Mana lang naman ako sa'yo!"


"Che!"


Lumabas na ako sa staff room at ginawa ang dapat kong gawin.



"Aph! Nandito na yung mga VIP! Shet amfugi! Papable and yummy!" Bulong sakin ni Patrick-Patricia haha ang baklang waiter. Napailing nalang ako.


"Aphrodite!"


"Yes maam?"


"Guide our guest in our VIP room okay?"


"Roger that maam."


Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Pinagbuksan ng mga body guard ang dalawang guest. Isang lalaki at babae. Gwapo at mukhang mayaman ang lalaki pero ang bad boy ng look niya pero infairness bumagay sa kanya. Im sure pumapalakpak na ang tenga ni baklush dahil may nakita siya gwapo haha pero wala pa ring lalamang sa Skye ko!



"Good evening sir! This way to the VIP room." Ni hindi man lang ako tinignan o pinansin ng lalaking to' Okay lang di rin naman kasi ako interesado sa kanya eh.


"Thanks." Sabi sakin nung babae na mala-anghel ang mukha, siguro girlfriend niya yun? Haha. For sure gaganahan silang mag date dito dahil pang Paris ang ambiance dito at more on Italian at French ang dishes dito.

A BAD BOY NAMED HEAVENWhere stories live. Discover now