CHAPTER 12

0 1 0
                                    

"How about the decorations for tomorrow? We need to settle it as soon as possible, since may rehearsal pa bukas para sa mga candidate" tugon ni Sabby habang chine-check 'yong list ng magiging chronological order nang program tomorrow.

"Ako na ang bahalang mag facilitate sa decorations pero syempre ka-kailanganin ko ang tulong ng mga taga ComArts Club" nag-volunteer naman si Jene sa gawaing ito.

Tumango-tango naman kaagad itong si Lennon. "Okay then, tutulong na rin ako sa'yo Jene" Lennon offered.

Napalingon naman kaagad si Jene rito. "Wala ka bang event bukas?" tanong nito kaya napalingon rin kaagad silang lahat rito.

Ngumisi lamang itong si Lennon sa kanila. "Na eliminate na ako sa Chess kanina lang, sayang nga eh" sagot naman nito.

"Okay lang 'yon. At least you did your best!" nakangiting aniya kay Lennon.

They continued on discussing while Jene was taking down notes para hindi nila makalimutan ang napag-meetingan nila.

"Sabby, nag-submit na ba lahat ng school ng mga pangalan sa representative candidate nila?" tanong ni Marcky.

Napalingon naman kaagad rito si Sabby at tumango, tsaka binasa ang mga pangalan na naka-lista sa Ipod nito. "Yeah, ang representative ng Eduville ay si Patricia Milan, sa Zachareous naman ay si Jerrah Luis, sa Celestine naman ay si Myla Veele Quezon, and lastly sa Broughton si Stella Maureen Arcedes. Sila ang mga candidates, I've also seen their pictures magaganda talaga, tsaka pasok rin sa competition ang height nila" komento naman si Sabby habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa Ipod nito.

So that girl is the representative ng Broughton, good for her. Sabi nga nito, ito ang queen bee sa school nila, so walang duda na nga 'yon.

Isa pa, kahit na umiinit ang dugo niya sa babaitang iyon ay hindi niya naman made-deny ang ganda nitong walang nimpis. Sayang nga lang, apaka maldita at walang sinasanto.

"In fairness ha, maganda 'yang si Arcedes, saan nga ba siya galing na school?" tanong ni Lee na nasa katabi niya ngayon

Pabiro niya itong siniko at nginisihan. "Type mo ba?" naka gising aniya.

Lee shrugs. "Hindi no" walang ganag sagot nito.

Napangisi naman ang lahat sa kanila, kahit na anong deny ni Lee, ay napaghahalata naman kapag may nagugustuhan ito, hindi marunong mag sinungaling ang taong ito.

Humagalpak ng tawa si Holly na isa rin sa mga kasahaman nila. "Kuya Lee, we can see your lies" natatawang tugon ni Holly na sinang ayunan naman ng lahat sa kanila.

Holly is a student leader representative ng 10th grade kaya ate at kuya ang tawag nito sa kanila.

"Enough already guys. Anyway, pag maagang matatapos 'yong battle of the brains bukas, tutulong na rin ako kay Jene sa pagpe-prepare. Wala naman na akong masyadong gagawin na bukas" aniya.

Mukhang kumalma naman ng kaunti ang mukha ni Jene. "Talaga Lex? Hay salamat naman, hindi na ako masyadong mahihirapan bukas kapag kasi kami lang dalawa ni Lennon hindi ko alam ang kahihinatnan ng event bukas" komento naman nitong si Jene habang hinihilot ang sentido nito.

"Grabe ka naman sa'kin Jene, wala ka bang trust sa'kin?" umaktong nasasaktan sa puso si Lennon.

Inirapan naman ito Jene kaagad. "No offense, but that's the truth" maikling sagit nito.

"Okay guys tama na ang bangayan, let's wrap this up and we'll wish each others for good luck for tomorrow okay? Metting adjourned!" pag deklara ni Marcky.

Aalis na sana siya nang biglang magsalita si Sabby kaya napatigil ang lahat, including her na nasa pintuan na sana palabas.

"Bakit Sabby? May nakalimutan ka bang sabihin kanina?" tanong ni Lennon.

Dating Mr. PodgyWhere stories live. Discover now