Lavander’s POV.
“Bilisan mo naman kasi, Lavander!”
Sinamaan ko ng tingin si Elisha kahit na nakatalikod siya sa akin. Hinihila niya ako pababa ng hagdan kaya nagpatianod ako. Kaso nga lang ay parang excited siya sa paghihila sa akin kaya muntik na akong matisod.
“Sorry naman, ano? Muntik na kasi akong matisod sa kakahila mo!” Sigaw ko sa kaniya ngunit tinawanan lamang ako ng gaga.
Ewan ko ba sa babaeng ito. Ang aga-aga, hinihila niya ako. Pumunta kasi sa kwarto at ginising na naman ako. Ayaw ko pa ngang gumising dahil it’s just ten in the morning. Yes, ten! Five AM na ako nakatulog kagabi dahil kakaisip kung sino iyong lalaking kamukha ni Lucas. Mabuti’t pinaligo pa niya ako.
Bigla itong nawala kagabi kaya nagulat ako. Tinakasan ako ng bampirang iyon ng hindi man lang sinabi kung sino siya. Teleportation yata ang kapangyarihan no’n. Pero bakit hindi niya iyon ginamit noong tumakas siya sa akin, ‘di ba? He couldn’t have just ran and instead teleport, right? Parang sinadya niya talaga iyon. Nagtataka talaga ako kung bakit magkamukha sila ni Lucas. At parang pamilyar siya sa akin. Alam kong magkamukha sila ni Lucas but there is something. I feel like I've seen him before. Hindi ko nga lang alam kung saan.
Kumunot ang noo ko nang madaanan namin ang living room. May mga taong nagkalat doon at may kung anong kagamitan silang hawak. May nakita akong mga lights na nilalagay nila sa buong living room. Inaayosan nila ito. Kumunot ang noo ko dahil roon. Anong meron? Bakit nag-d-design sila? Is there a celebration na hindi ko man lang alam?
Nagtataka rin ako kung bakit may mga tao rito sa mansyon. No humans have ever entered this mansyon. Dahil siguro hindi kami nagpapasok kung sino-sino man. Kaya nagtataka nang ako kung bakit sila nakapasok dito. At hindi pa iyon, ha? They are designing our living room without me informing! Sinong nag-utos sa kanila na gawin ito?!
Nang makapasok kami ng tuluyan sa living room ay naabutan ko silang lahat na kumakain. Si Lucas at Evianna ay nagbabangyan na naman. Si Fiara ay sobrang liwanag ng mukha kakangiti, pati rin sina Tito at Tita.
“Oh, nandyan na pala si Lavander.” napatingin ako kay Ate Lisha na kakagaling lamang sa dirty kitchen habang may hawak na juice. Napatingin sa akin ang lahat na ikinataas ng kilay ko.
Nakita kong patalon-talon na naglakad si Elisha papunta sa upuang katabi ni Evianna upang umupo. Nagsimula na siyang manguha ng pagkain at sunod-sunod na sumubo. Iniwas ko ang tingin ko saka tumingin sa mga kasama naming nakangiting nakatingin sa akin. Huminto nga si Evianna at Lucas sa pagbabangayan upang tingnan ako at ngumiti. Pinanliitan ko sila ng mata. Anong meron sa ngayon? They look weird. Very weird.
“Good morning, my lovely niece! Halika ka rito at umupo. Take your breakfast para magkaroon ka ng lakas,” masayang anyaya ni Tito sa akin. Pinanliitan ko sila lalo ng mata. Kahit naman palagi itong nakangiti si Tito ay parang iba ito ngayon. There is something going on that I didn’t know.
Naglakad ako papunta sa upuang katabi ni Lucas na kaharap si Fiara na ngingiti-ngiti pa rin. Bakit parang hindi mapawi ang ngiti nitong babaeng ito?
Humalukipkip ako saka isa-isa silang tiningnan na nakangiti pa ring nakatingin sa akin na tila hinihintay ang sasabihin ko. “Okay. What's going on? Bakit may tao sa living room? Why are they designing? Akala ko ba bawal ang tao rito? Bakit sila nakapasok? And without informing me? At saka bakit parang may celebration? Did I forgot something?” at tinanong ko na talaga ang lahat ng katanungan na nasa aking isipan, walang pakialam kung marinig ng mga tao sa labas. Nakita ko kung paano lumawak ang ngiti nila na tila ini-expect na talaga na magtatanong ako. Tsk!
BINABASA MO ANG
Unknown Connection (Completed).
Vampire(Vampire Active Series #2) There are group of kids that can make their world upside down. They are the second generation that is more stronger than the first. Each one of them has their own capability and own personality. In short, they are unique...