I. Reminiscing

513 11 0
                                    

I. Reminiscing

Wala pa ring pinagbago. Ang dating park na madalas naming puntahan noon, ganun pa rin ang itsura. Bukod sa mga nagsihabaang damo at iba-ibang mukha na ng mga tao. Halos pitong taon na rin ang nakalilipas ngunit ganun pa rin sya.

Naupo ako at yumuko. I smiled. Andun pa rin kasi sya... yung sinulat naming mga pangalan namin sa upuang kahoy gamit ang permanent ink marker nya.

~Locke <3 Margaux Forever with Baby Aldrin~

Nalungkot ako. Yun na pala ang forever para samen, 'ni hindi man lang umabot ng one month.

Nagpatuloy pa ko sa paglalakad hanggang sa makarating sa isawan na madalas naming bilhan noon ng isaw at bituka. Paborito kasi namin pareho yun eh.

***

"Oh, bat ayaw mo kainin? Di ka kumakain ng isaw at bituka no? Sosyal ka kasi eh .."

"Uy hndi ah! Akin na nga yan. Kakainin ko lahat!"

***

Simula nun, hndi nako nahiyang kumain sa harap nya.

At ang duyan... parang nagpa-flashback saken lahat ng masasayang alaala naming dalwa.

***"Hoy Locke! Dahan-dahan naman sa pagtulak, liyodo nako!"

"Haha, oks lang yan. Dito naman ako eh, masusukahan mo."

***

"Hi, Teacher!" napalingon ako sa kabilang duyan.

Napangiti ako nang makilala ko ang pamilyar na mukha nya, "Hello Aldrin, ang laki mo na ah."

"Oo nga po eh. Bat di nyo po pala kasama si Teacher Locke? Asan po sya?"

I tried to smile pero di ko magawang paabutin sa tenga ko, "Hindi ko alam eh. Hindi ko alam kung asan sya..."

Totoo naman. Hindi ko na talaga alam kung nasaan sya ngayon. Ni wala na kong balita sa kanya. Hindi ko alam kung kamusta na sya... sila.

"Eh diba po mahal mo sya?"

Napatigil ako. Buti pa 'tong batang 'to, alam na mahal ko yung  lalaking yun, eh sya..MANHID.

"Diba po boyfriend mo sya?"

Hndi ko alam ang isasagot ko. Oo. Boyfriend ko sya NOON, nung tanga pa ko...

"Ano Aldrin, nagugutom ka na ba? Tara kain tayo. Libre kita!"

"Talaga po? Yehey!"

Mabuti nalang at hindi nya napansin ang pag-iiba ko ng usapan. Dumiretso na kami sa tapsihan kung san namin sya madalas pakainin noon.

Nag-iisa nalang sa buhay si aldrin. base na rin sa kwento nya samen, namatay daw ang tatay nya samantalang nag-asawa naman ng foreigner ang nanay nya at pinabayaan na silang magkakapatid na kalat-kalat na. Hindi nya na rin daw alam kung nasaan na ang dalawang nakatatandang kapatid nya.

Ang park na ito ang tinuturing nya nalang na tahanan. At nakakalungkot isipin na hanggang ngayon ay hindi man lang sila magawang hanapin ng nanay nila upang magkasama-sama bilang isang pamilya.

Matapos kumain ay dumiretso na kami sa kubo.

"Dating gawi?"

"Sige po!"

Tulad ng dati ay tinuruan ko ulit si Aldrin. Para talaga akong bumalik sa nakaraan. Lahat ng mga ginagawa namin dati, muli naming ginagawa ngayon.

Ang pinagkaiba nga lang, noon, dalawa kaming tutor ni Aldrin. Ngayon, mag-isa na lang ako.

***


"Mag-isa nalang ako," tugon ko kay Elisha na roommate ko.

"Ganun? E asan mga magulang mo?"

"Nandun na," sabay turo sa langit.

"Ay, sorry."

"Nah, it's okay," I smiled genuinely.

Really, tanggap ko na ang pagkamatay ng parents ko since 8 years old palang naman ako nung nawala sila. Pero hindi rin ganun kadali yun. Halos gabi-gabi rin akong umiiyak... hinahanap sila.

Umaasang kahit hangin nalang sila, muli ko pa rin silang makakasama. Ang sakit-sakit mawalan ng magulang sa ganung kamurang edad. Mabuti nalang nandun sya nung mga oras na yun. Laging handang makiramay. Laging may nakahandang jokes, mapatawa lang ako.

"Eh asan ang boyfriend mo?"

Tumingin ako kay Elisha, at malungkot na ngumiti.

"Tulad ng mga magulang ko... iniwan na rin nya ko."

Akala ko noon, makakasama ko sya hanggang sa huli. Pinanghawakan ko kasi yung pangako nya eh.

"Ako, hindi kita iiwan. Promise yan, Margaux."

PROMISE. Talaga ngang hindi ka dapat maniwala dyan ano? Pero anong magagawa ko, sa tana ng buhay ko... sya lang ang kinapitan ko. Siya lang ang taong nasa tabi ko nung wala na ang lahat saken. Pero bakit naman pati sya, kelangan ring mawala? Akala ko ba hindi nya ko iiwan?

"Anong nangyari sa inyo? Bakit kayo nagbreak?"

Ano nga bang nangyari samen? Bakit nga ba kami humantong sa ganito?

Basta ang natatandaan ko lang... he asked me a favor to be his girlfriend for a month.

OUR 30 DAYS (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon