Chapter 10: Makulit

246 16 0
                                    

"Seriously? Ginawa niyang ebidensya 'yong video niyo na gumawa ng bata? Hahaha! Ang tapang niya." Natatawang tugon ni Oheb nang ikwento sa kanila ni Kaiden ang ginawa ni Dreams sa tapat ng ospital kaninang umaga. Naging usap-usapan iyon sa loob ng ospital. Putok na putok ang balitang nakabuntis si Kaiden.


Sumang-ayon si Edward sa sinabi ni Oheb at nag-apir silang dalawa. Halos maiyak na sila kakatawa sa sinapit ng kanilang kaibigan. While Kaiden can't even think right what he is going to do to stop Dreams. Napapamura na lang siya ng malutong at gustong magpalamon sa lupa dahil sa pagkapahiya niya kanina.


"Sinabi mo pa, Heb. Imagine, nakaloud speaker pa daw kanina nong plinay niya 'yong video tapos saktong rinig na rinig 'yong pag-ungol ni Kaiden. Hahaha! The war between them is so amazing." Mangiyak-ngiyak na tawa ni Edward hawak-hawak ang kanyang tyan.


Inirapan ni Kaiden ang kanyang mga kaibigan. Inambangan niya na ihahagis sa kanila 'yong hawak na bottled water kaya mabilis silang nagsiiwas para hindi tamaan. Kahit nakikita nila siyang naiinis, hindi pa rin sila nagsitigil na tumawa. Rinig na rinig ni Kaiden ang pang-aapi na ginagawa nina Oheb sa kanya.



"Wow ah! Nahiya pa'ko sa inyo. Seriously? Harap-harapan niyo kong binubully? Tsk!"  Singhal ni Kaiden habang nakapameywang na humarap sa harapan ng kanyang mga kaibigan na hindi pa rin nagsitigil na tumawa. "Imbes kaya na tawanan niyo 'ko, pwedeng mag-isip na lang kayo ng paraan para mapahinto natin ang babaeng 'yon?"



"Sa sitwasyon niyong dalawa, nag-eenjoy kaming manood. Naeexcite nga kami kung ano ang mga susunod na gagawin ni Dreams sa'yo. Masama na kung masama kami pero nakyukyutan kami ng sobra sa inyong dalawa. Para kaming nanonood ng aso't pusa na nag-aaway." Tugon ni Edward na sinang-ayunan ng dalawa.



Napakamot ng ulo si Kaiden saka pinaulanan ng malulutong na mura ang kanyang mga kaibigan kaya umingay na naman ang kanilang tawa sa silid na kanilang kinaroroonan. Nahalata naman niya sa inaakto ng kanyang mga kaibigan na walang balak ang mga ito na tulungan siyang sulusyunan ang kanyang problema. Ni hindi na niya matukoy kung sa kanya ba kampi sina Oheb o kay Dreams.



"May gana pa kayong tumawa samantalang ako lunod na lunod na sa problema ko. Mga wala kayong kwentang kaibigan." Pagdradrama niya't kinuha ang lab gown saka ito lumabas ng silid na kinaroroonan nila. Napagpasyahan niyang lumabas muna upang magpahangin dahil pakiramdam niya sasakit ang ulo niya sa init ng kanyang ulo.



Sa dami ng kanyang iniisip, nawala na halos sa utak niya 'yong mga importanteng event na magaganap sa mismong linggo na iyon. Mula nong kinulit siya ni Dreams, nakalimutan na niyang nagtratraining siya para maging isa sa mga magagaling na doktor. Nilamon ng utak niya ang pangungulit ni Dreams sa kanya na ito ang ama ng ipinagbubuntis nitong bata. Alam ni Kaiden na kaya niyang solusyunan ang kahit na anong problema pero hindi ang problemang kinakaharap niya kay Dreams ngayon.



"Doc., may nagpapabigay po sa inyo." Usal ng isang nurse na lumapit sa kanila nang nasa canteen sila upang kumain ng lunch. Alinlangan pa na kinuha ni Kaiden ang iniaabot ng nurse na paper bag dahil alam niya kung kanino galing 'yon. At sa kabilang dako, umingay na naman ang kanyang mga kaibigan at pinaulanan siya ng tukso.



"Pinagluto kita ng lunch, daddy dok. Kainin mo lahat 'yan ah. Love ka namin ni Baby. Muah." Pagbabasa ni Oheb sa letter na nakuha nito sa loob ng paperbag saka sila tumawa ng malakas. Pinagtitinginan na sila lahat ng tao na naroon sa canteen kaya sinuway nila ni Kaiden.



"Tangina! Tumigil nga kayo. Baka mamaya may makahalata e." Suway ni Kaiden at padabog na inagaw kay Oheb 'yong letter saka ibinalik sa loob ng paperbag. Wala siyang balak tignan kung ano ang mga pagkain na pinadala ni Dreams sa kanya. Dahil una sa lahat, naiinis siya sa babae. Wala siyang pakialam sa mga effort nito at kailanman hindi siya natutuwa.



HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon