*6*
6 years ang mabilis lumipas. Isa na siya ngayong businesswoman. Ayaw niyang hawakan ang export business ng mga magulang niya dahil mas gusto niya ang “light” na buhay. Meron siyang travel agency na may tatlong branches. Ang pinaka head branch nila ay sa Mall of Asia sa Manila. Ang dalawa naman ay sa Alabang Town Center at SM Megamall. Malakas ang kita nito. Palagi siyang nagpupunta sa mga iba’t ibang resorts upang makakuha ng special packages na pwedeng i-offer sa mga clients nila. Isa lamang ang lugar na hindi na niya binalikan, ang Puerto Princesa.
Lahat ng tour packages nila sa Puerto Princesa ay pinapahandle niya sa assistant niya. Hindi niya pa din kayang bumalik doon. Parang bangungot sa kanya ang pagkapahiya at sakit na nakuha niya doon. Parang natrauma siya na magmahal. Kung hindi ba naman sapat na katunayan ang punto na hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagkakaboyfriend.
Para sa kanya ay hindi mabigat ang trabahong pinasok niya. Nag-eenjoy siya sa pagbisita sa mga resorts. Hindi lang business ang pakay niya sa mga ito, kasama na siyempre ang pleasure. Yun nga lang ay malimit na wala siyang kasama. Ang bestfriend niyang si Rosie ay itinuloy na ang balak nitong maging chef at nagtayo ng bakeshop. Ang Chicken Pie nito ang pinaka-best seller.
Ang iba niyang mga kaibigan nung highschool ay hindi na niya masyadong nakikita. Nagkahiwa-hiwalay kasi sila ng pinasukang eskwelahan sa kolehiyo. Ang mga college friends naman niya ay may kaniya-kaniyang trabaho at may mga business din ang iba. Ang dating Yaya Emmy naman niya ay nakapag-asawa na din. Kaya wala na talaga siyang mahahatak na isama.
Ngayon ay meron nanaman siyang bagong destination. Mayroong isang bagong tayo na resort sa Subic na hindi pa niya napupuntahan. Paradiso ang pangalan nito. Gusto niyang i-check ang facilities at amenities nito para malaman kung okay na isama sa listahan ng resorts na ineendorso nila. Mag-sta-stay siya dito ng isang linggo upang sulitin na din ang business trip cum mini-vacation niya.
Inabot ng dalawang oras ang biyahe papunta sa Subic Bay Freeport Zone. Agad naman niyang natunton ang kanyang patutunguhan. Pasalamat na lang din siya dahil hindi naman siya nagdala ng driver. Pasado alas onse na kaya naman pagkatapos mag-check in ay dumiretso na siya sa café.
“Hello Ms. Versoza. Welcome to Paradiso.”, salubong sa kanya na isang lalaking mestizo.
“Thank you.”, sabi niya dito.
“I was not able to greet you in the Registration area. I believe you have set a meeting with my business partner, Joaquin Torres?”, tanong nito sa kanya habang naglalakad sila sa table na uupuan upang kumain ng tanghalian.
“Yeah. And you are?”
“Im Rafael Callejo. Partnership ang resort na ito at ako ang isa sa partners.”, sabay extend ng kamay sa kanya.
“Pleased to meet you sir.”, sagot niya at kinuha na niya ang kamay nito.
“Oh, please call me Raf. And may I call you Cristin?”, tanong nito sa kanya.
“Cris na lang. Hindi ako sanay na full name eh. Baka hindi ako lumingon kapag tinawag mo akong Cristin.”, pagbibiro niya dito.
Tin…, sabi ni Raf sa isip niya.Sumenyas na siya sa waiter upang makuha na ang order nila.
“Ang dishes namin dito ay authentic na Filipino. Pero ang talagang best seller namin ay mga dishes from Bicol. Bicolana kasi ang mama ko. Mostly recipes niya ang patok dito.”, turo nito sa menu na inabot ng waiter.
“Talaga? Tamang tama dahil mahilig ako sa mga ginataan at mga maaanghang na pagkain.”, natutuwa naman niyang sabi.
“Pareho pala tayo. Ako talaga ang nag-insist sa mama ko na gawing primary dishes namin ang lutong Bicol. Hindi man ako lumaki doon, pero sa bahay namin sa Manila, yun ang palaging pinapaluto ko.”, kuwento nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Meant to Be
RomanceFILIPINO. A story on two teenagers, Tin Tin and Paeng, taking off at the wrong foot, and reunited after a few years. Rafael (Paeng's real name) realizes what a jerk he has been, but still continues on becoming one by not letting Cris (Tin Tin's sho...