SOPHIE'S POVMaganda ang gising ko ngayon! Excited na ako sa mga mangyayari ngayong araw! Ang saya saya ko pa din kasi hindi ako makaget over sa nangyari kahapon.
Parang panaginip lang ang lahat. Pero hindi. Totoong nangyari yun!
Bumangon na ako at naligo na.
Pakanta kanta pa ako sa loob ng cr ng favorite song kong Angels Cry. Hihi.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako at niready ang sarili ko.
Bumaba na ako pagkatapos.
"Good morning anak. Mukhang maganda ang gising mo ah?" Masayang bati sa akin ni Mama. Si Yaya Anna nandun pa sa kusina.
"Good morning ma! Masaya lang po kasi ako kasi madami na akong kaibigan sa school hindi lang po si Erin." Nakangiti kong sagot kay mama.
Nginitian din naman ako ni mama. Dumating na si Yaya dala ang mga pagkain.
Sabay sabay kaming kumain tatlo habang nagkukwentuhan kami.
Saktong pagkatapos kong kumain dumating na sina Eros at Erin.
Nagpaalam na kami kina mama at nagimula ng maglakad.
Mabuti din to. Nakakapag exercise kami araw araw.
"Magandang unaga baboy!" Masiglang bati sa akin ni Eros sabay kuha ng bag ko. Aba agang aga e. Hahaha.
"Magandang umaga Buwaya. Magandang umaga bestfriend!" Bati ko sa dalawa at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Mabilis naman kaming nakarating sa school.
Wala daw klase ngayon maghapon e. Naghahanda ang lahat para sa event bukas.
Nung makarating kami sa classroom binaling ko ang tingin ko kay Eros.
"Uy crocodile. Ready ka na ba bukas?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman ako pa! Wala ka bang tiwala sa akin. Sa gwapo kong to!" Sabay pogi sign ng loko! Adik talaga.
"Edi wow!" Hahahaha. Tapos binaling ko naman ang tingin ko kay Erin na text parin ng text. Siguro si Tristan na naman katext niya. Hmmmn. Itong bestfriend ko lumalandi. Hahaha.
"Hoy Erin. Kilig na kilig ka jan ah" Pang aasar ko kay Erin.
Tapos kinuwento niya sakin yung nangyari kagabi nung tunawag daw si Tristan sa kanya. Kyaaaaaaaah! Kilig naman akuuu!
I'm happy for Erin. Siguro naman tong si Tristan may kwenta, di kagaya ng ex ni Ein na wala na ngang kwenta, manloloko pa, mukha pang paa. Tss. Honesty is the best policy so don't hate me bruh!
Dumating na sina Zia, Nathan at Vince. Dun sila nakapwesto sa unahan namin. Si Vince ayun nanchichicks na naman. Samantalang tong Zianiel kunyari pang nag aasaran. If I know kilig na kilig na si Zia. Hahaha.
Wag sana siyang mafriendzone gaya ko.
Dumating na din si Mrs. Perez.
"Good morning class." Bati niya sa amin habang makangiti.
"Good morning maam!" Masiglang bati ng buong klase.
Nagbigay lang ng instructions si Maam para sa mga gagawin ngayong maghapon. Bukas na kasi yung program e. Tinawag na din niya si Eros at Sam para makapagpractice sila.
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Novela JuvenilNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.