FINALE : " SAY CHEESE! "

212 0 0
                                    

GHOSTAGRAM Finale

 

" SCREEEEEEEEEEECCCCCCCHHHHHH!!!! BRRRGGRRRSSSHHHH!!! "

Lasog ang buong katawan ni Queenie at humiwalay pa ang ulo na nagpapagulong

 gulong pa sa kalsada at nasagasaan pa ng isang Mabilis na Puting Van nadaanan ang

ulo niya na sanhi ng Pagkapisak nito

" QUEEEEENIIEEEEEEEEEEEE!!!! "

Hindi pa nakita ni Jade ang buong pangyayari na nangyari sa kaibigan. Nagmamadali

siyang lumabas ng Funeraria para malaman ang sinapit ni Queenie at nang makalabas

na siya ay tumambad na ang Lasog – lasog na katawan ni Queenie, Nagkalat din ang

ibang parte ng mga katawan nito, Na –shoot sa isang Tindahan ng Barbecue ang kanang braso ni Queenie , Samantalang nasa tapat naman ng katabing beuty parlor ang kaliwa nito, at ang ulo na napisak ay dinidila – dilaan ng mga pusa ang mga kumalat na dugo..

Si Jade naman ay Bumagsak sa pagkabigla .. sa nangyari sa Kaibigan  di niya lubos maisip na mangyayari ito kay Queenie. Wala siyang nagawa kundi ang magsisigaw sa pagkabigla at may halong takot dahil tila nakatingin sa kanya ang isang Eye Ball ni Queenie na nasa harapan niya.

Ang mga miron naman ay lalo nadadagdagan nang nadadagdagan at gusto makiusyo sa mga nangyari, sa pagkasalampak ni Jade sa Semento ay tila may isang babae ang kasama sa umpok ng mga miron tiningnan ang lasog na katawan ni Queenie at sabay ang paglapit nito kay Jade. Puti subalit madumi ang kasuotan ng babae at mahaba ang buhok nito . Unti-unting lumalapit ang babae kay Jade at hinawakan ang baba nito. Pag tango sa mukha ni Jade ay nagimbal siya sa taong lumapit sa kanya. ..

Si Queenie mismo na animo'y lagpas tenga ang ngiti , Naaagnas na mukha at nakaluwa ang isang mata at nakatingin sa kanya. Nakuha ni Jade ang atensyon ng mga tao dahil sa Palahaw nito

" EEEEEEEEEEEEEEEE!!!! "

Balikwas paatras si Jade sa takot at nagtakip ng mukha sa takot na muling makita si Queenie sa ganoong kalagayan. Sinubukan niyang tanggalin ulit ang kamay sa mukha pero napaligiran na rin siya ng maraming tao

" Ayos ka lang ba Iha?? "

" Ate, Jade Ok ka lang?? " Tanong ng kapatid ni Fe na si Cassandra

Pinainom ni Cassy si Jade. Binigyan niya ito ng tubig para kahit paano ay mahimasmasan ito.

Cassy : May mga pulis na para mag-asikaso ang bangkay ni Ate Queenie. Ate, Mabuti pa kaya umuwi ka na muna para makapag pahinga ka na rin. Sa dami ng nangyari sayo stress na stress ka na siguro.

Jade : Kaya mo na ba dito?

Cassy : Nandyan naman si tatay pati yung mga pinsan ko para mag-asikaso. Kaya na namin.. Bukas mo na puntahan labi ni Queenie

Sinunod ni Jade ang sinabi ng kapatid ni Fe at umuwi na nga rin ito para magpahinga.

Lutang na lutang si Jade sa nangyari. Kamamatay lang ni Fe at ito naman sinundan pa ni Queenie. May nataon pang muntik na sya mabunggo ng kotse dahil sa mga iniisip nito. Palaisipan ang mga bawat nangyari di niya namamalayan na ilang hakbang na lang siya sa bahay na tinutuluyan niya. Pagod na pagod siya at agad na naupo..

Napahagulgol na lang ito at di na mapigil ang pag-iyak. Sinusob na ang mukha sa Mesa. Sinisi ang sarili sa lahat ng nangyayari sa mga kaibigan. Sa kalagitnaan nang kanyang pagdadalamhati ay may kumatok sa pintuan niya

" Tokk! Tokk! Tokk!! "

Jade : S-sino yan?

Subalit sa halip na sumagot sa tanong ni Jade ay nagpatuloy pa rin ito sa pagkakatok.

GHOSTAGRAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon