II. How did it started?
"Sige na naman Margaux, isang buwan lang naman eh!" pangungulit sa akin ng lalaking kanina pa sunod nang sunod sa akin.
"Ay naku Locke, tantanan mo nga ko!"
"Sige na, pumayag ka na please?" nag-puppy eyes pa ang mokong na akala niya'y madadala ako sa ganun.
"Ayoko nga sabi!" matigas kong tugon.
"Ililibre kita ng ice cream!" pang-uuto niya pa.
"Ayaw!"
"Ng isaw!"
"Kahit isang libong isaw pa yan, ayoko pa rin."
"Ako magbabayad ng renta ng bahay mo for one month."
"Ayaw sabi eh. Tumigil-tigil ka na Locke. Go back to your senses! Bakit pagseselosin mo pa si Ynna? Kung ako sayo, mag-move on ka nalang, kesa kung anu-anong kalokohan pang naiisip mo. Dinadamay mo pa ko."
"Sige na naman. Ikaw lang naman mahihingan ko ng tulong. Saka yun nalang talaga ang naiisip kong paraan para magbalik sya saken," pangungulit niya pa rin.
"Tss. Nakikita mo nang masaya na yun sa bago nya, ikaw naman mukang tanga ka pang habol ng habol."
"Anong magagawa ko, sa mahal na mahal ko talaga yun eh."
Napasabunot nalang ako sa sarili ko, ang kulit niya lang talaga at hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto niya. Iniyakan pa ko ng loko. Lumuhod pa sa harap ko mapapayag lang ako.
"Wala na ba talagang natitirang pride sayo, ha?!" inis kong sigaw sa kanya.
"Wala na. Kaya nga lahat na ginagawa ko, bumalik lang si Ynna sa buhay ko."
Napabuntong-hininga nalang ako. And in the end, talo na naman ako. Nagpadala na naman ako sa mga paawa effect nya.
"Fine. One month lang ha?"
"Yes! Thank you Margaux, the best ka talaga! Love you!"
Love you... Kelan kaya magkakaron ng "I" yan? Isang letter na lang, kinukulang pa.
Oo. Mahal ko bestfriend ko. Cliche right? Dati hindi rin ako naniniwala sa mga ganun, yung sinasabi nila na kapag naging mag-bestfriend daw ang babae at lalaki, imposibleng hindi mainlove ang isa sa kanila. At 80% ang chance na babae ang unang naiinlove.
Actually, masakit na masaya itong hiniling nya saken ngayon. Masaya, kasi sa wakas ay mararanasan ko na rin na maging girlfriend niya. Pero masakit, kasi alam ko naman sa sarili ko na palabas lang 'to. Na in the end ay ako pa rin ang talo at maiiwanang luhaan.
Pero sabi nga nila, "In order to love, you must feel the pain."
***
At ayun na nga ang nangyari. February 16 naging "kami-kamihan" nitong si Locke. Syempre kumalat yun sa buong campus. At nakarating kay Ynna. Ewan lang namin kung naapektuhan sya. Wala pa rin naman siyang ginagawa para mahalata naming nagseselos sya eh.
So, pinagpatuloy nalang namin ang pagpapanggap.
FIRST DAY.
Ito ang list ng pinaggagawa namin as couple:
~Tumambay kami sa park.
~Kumain ng lugaw, isaw, fishball, kikiam. mangga, kwek-kwek.
At lahat na ng street foods, pinakilala nya saken. Hindi kasi ako mahilig dun dati, sa kanya lang ako natutong kumain nun.
BINABASA MO ANG
OUR 30 DAYS (Short Story)
Cerita PendekBakit hindi lahat ng love story may 'happy ending'... bakit kelangang maging 'once in a lifetime' lang? Story by: MoonLightFairy Book Cover by: AteNga