Part 1

7 0 0
                                    

CHAPTER 1
Balisang humahakbang ang mga paang walang suot ang isang babae animo'y may humahabol sa kanya.Sa mukha pa lang ng babae ay tila'y takot na takot habang tumatakbo palabas ng dorm para makatakas sa humahabol sa kanya.Nang makalayo na siya sa dorm tumigil siya sa gitna sabay dumantay ang kamay sa katawan ng puno at nakapatong ang kamay sa tuhod habang naghahabol ng hininga dahil sa pagod niya sa katatakbo upang makalayo sa dorm at umiwas sa humahabol sa kanya para bang may humahabol sa kanya ay hindi nakikitang nilalang dahil madilim ang gubat na malapit sa dorm.
Nang magbukangliwayway na ng tingnan niya dahil inaakalang ligtas siya ay nagulat siya na may narinig siyang kaluskos na nanggagaling sa mga gumagalaw na mga dahon kahit hindi malakas ang ihip ng hangin at para bang may gumagapang sa mga damuhan na parang ahas pero wala namang ahas.Paikot- ikot siya sa gitna ng kagubatan kaya't muli siyang tumakbo hanggang sa makalapit sa gate na kahoy,bigla siyang napatigil nang maramdaman niya na may gumagapang at pumupulupot sa mga paa niya,patarantang inalis ang pumulupot na ugat na may mga dahon subalit itong gumagapang sa mga paa,binti hanggang sa katawan na nagpupumiglas ang biktimang babae animo'y pinupuluputan ng ahas ,pinipilit tanggalin at nang nanglalaban ang babae para mabuhay subalit sadyang agresibo ang mga gumagapang na halamang ugat animo'y may buhay na mga ito halos hindi na maigalaw ang katawan ng babae.
Patuloy pa rin siya pinupulutan ang mga ugat na may mga dahon hanggang sa umabot sa ulo.Pagkatapos iyun pinipiga siya na parang basang damit para lumabas ang tubig na napakalakas.Sa kalayuan ay umalingawngaw ang sigaw ng biktima na hindi nakita ang nangyari sa kanya sa buong kagubatan.
Kinabukasan,may nakagharang na police line caution tape sa paligid ng biktima habang iniimbestigahan ng mga SOCO unit.Ang iba ay kinukuhanan ng larawan ang biktima na puros buto't balat ang natira,walang mga mata,ang katawan ng biktima parang tuyong kahoy halos nilalangaw na ang bangkay kaya't may mga facemask at gloves ang mga imbestigador.Angt iba naman sa labas ng caution tape ay mga nakikiusyoso sa mga nangyayarikaya't sinasaway ng mga nagbabantay ng mga pulis.Dumating ang isang babaing reporter at ang kanyang cameraman upang magbalita tungkol sa nagaganap na krimen.
"Isang babaing natagpuang patay sa gitna ng kagubatan malayo sa dormitoryo.Ayon sa nakasaksi,may narinig silang sumisigaw na isang boses ng babae habang papauwi sila kaagad nilang pinuntahan ang sigaw ng babae.Nang makita nila ang babaing wala nang buhay,natakot sila kaagad ipinaalam sa otoridad sa kanilang nakita.Sa imbestigador ng SOCO walang indikasyon na siya ay pinatay o nirape ngunit nakita lamang nila ang napupulutan ng ugat ng mga halamang gapos sa buong katawan ng babae at wala nang natira sa biktima malaiban sa buto't balat ang nakita nila at wala na mga mata.Isa siya sa mga ikasampung biktima na simula nang umupa sa red dormitory sa harap natin.Tanong ng lahat,ano ang misteryosong nakabalot sa red dormitory?Totoo bang may kaugnay ang dormitoryo sa sunud sunod na krimen tulad ng nagaganap ngayon?Nag-uulat,Donna Zapanta ng Mystery NewsTV"pag-uulat ni Donna sa harap ng kamera pagkatapos ay tumingin sa kalayuan sa dorm.
"Good job,Miss Zapanta"papuring samabit ng cameraman na si Jhong
"Salamat,Jhong"pasalamat ni Donna
Bumalik sila sa kanilang kotse,ipinasok ni Jhong ang hawak niyang kamera sa compartment ng kotse at isinara habang pinagmamasdan ni Donna ang pulang dormitoryo tila bang nagkakaroon siya ng interes na malaman ang misteryoso sa likod ng Red Dormitory .Napansin ito ni Jhong ng lumingon siya habang nakatingin si Donna sa dormitoryo
"Miss Zapanta"tawag ni Jhong
Naputol ang tingin niya sa dorm ng tawagan siya ng cameraman na si Jhong.
"May sasabihin ka ba?Jhong"gulat na tanong ni Donna
"Kanina ka pa nakatingin sa dorm,Miss Zapanta,ok lang ka ba?"pag-aalalang sambit ni Jhong.
"Ok lang ako,Jhong,tara,bumalik na tayo sa Maynila"samabit ni Donna
"Eh,Miss Zapanta maari ba tayo munang mag-almusal kasi hindi pa ako kumakain,nagrereklamo na ang tiyan ko"tugon ni Jhong sabay tumunog ang knayang tiyan.
"Oo nga,Jhong,nagrereklamo talaga nga ang tiyan mo tutal gutom na rin ako"tugon ni Donna natawa siya ng marinig niya ang tunog ng tiyan ni Jhong.
CHAPTER 2
Kaagad silang sumakay at umalis para pumunta sa restaurant na malapit sa pinuntahang krimen upang magreport tapos sila ay kumain.
"Miss Zapanta,napansin ko parang malalim ang tingin mo sa dormitoryo bago pa tayo magsimula may napansin ka bang kakaiba sa dormitoryo"punang tanong ni Jhong
"Oo,Jhong,para bang may ibig ipahiwatig sa akin ang dormitoryo na iyun at saka ayokong isipin na may kinalaman ang dormitoryo sa pagkawala ng bkapatid ko kaya ako pumasok sa journalist para hanapin at imbestigahan ungkol sa pagkawala ng kapatid ko"paliwanag na sagot ni Donna
"Sa palagay mo kaya,Miss Zapanta,lahat nang nasaksihan natin tngkol sa mga biktima maaari kayang may kaugnayan ang dormitoryong iyan sa mga biktimang nakita natin at ang pagkawala ng kapatid mo ay iisa"sambit ni Jhong.
"Hindi ko sigurado pero kailangan kong imbestigahan tungkol sa misteryosong pulang dormitoryo"tugon ni Donna
"Sa anong paraan mong iimbestigahan ang gagawin mo"tanong ni Jhong
"Wala akong maisasagot sa tanong mo.Jhong.sa ngayon kailangan nating magpokus at maghihintay kung kailan magaganap uli" tugon ni Donna.
Ilang minuto na sila nag-uusap sa loob ng canteen nang biglang magring ang C.P. ni Jhong kinuha ito sa bulsa niya at sinagot ang tawag sa kanya dahil alam kung sino ang tumawag
"Hello,Chief,o sige ,on the way"tugon ni Jhong sa kanyang C.P.
"Patay,lagot na naman tayo kay Chief"tugon ni Jhong tila'y may narinig siya sa C.P. ang pangit na balita
"O,anong sabi ni Chief sa report natin on the cam natin napanood ba niya?"sabik na tanong ni Donna
"Oo,napanood niya kaya lang nadismaya siya sa report natin sa crime scene kanina sa gubat malapit sa dormitoryo"sagot ni Jhong na wala ang ngiti ni Donna subalit nagsalita siya upang lumakas ang loob ng dalaga
"Atsaka alam niya na na actual footage ang ipinakita natin tapos dismayado pa rin siya pambihira.Alam mo hindi ko maintindihan ang matandang chief na yun kung ano ang gusto niya"inis na dugtong ni Jhong
"Hayaan mo na,Jhong,we have no choice kundi ang sumunod sa nakakataas ,let's go"malungkot na sambit ni Donna.
Kaagad silang tumayo sa lamesa kinuha ang wallet ni Donna sa handle bag saka dumukot ng isang libong pisong buo at bago sabay inilapag sa platitong may resibo at sumenyas sa serbador at umalis ng canteen.Sumakay sila ng kanilang news patrol vehicle para bumalik sa TV station
MYSTERY NEWS TV
Sa opisina ng may plakang pangaln sa pinto na "ROLANDO CATAKUTAN EDITOR IN CHIEF",nakatikim ng sermon sina Donna at Jhong sa hepe nila sa loob ng opisina.
"Hanggang kailan mo ba titigilan ag paggawa ng istorya at report tungkol sa kababalaghan sa red dormitoryo na iyn?"inis na tanong ni Chief Catakutan.
"Sir,mawalanggalang po kung totoong walang kababalaghan sa labas ng dormitoryo bakit po napupuluputan ng ugat ng mga halamang may dahon ang buong katawan ng biktima buto't balat ang nakita sa autopsy at wala na ring mga mata.Wala naman po indikasyon siya ay narape o pinatay mismo ang mga imbestigador at autopsy specialist ang nagsuri sa bangkay"pangangatuwirang sagot ni Donna.
"Totoo po yun sir"sabat ni Jhong
"Shut up,Jhong i'm not talking to you do you understand,Jhong"galit na sigaw ng editor in chief
Napatahimik si Jhong sa galit nilang hepe kaya't napaurong siya halos tumalsik ang laway ng kanyang hepe sa sermon na kasamang sigaw.Kinalama ni Chief Catakutan ang kanyang sarili animo'y nag-iinhale at exhale siya tapos mahinahon niyang kinausap ang dalagang reporter.
"Ok,Miss Donna Zapanta,let's talk about what you say is true about the mystery of the red dormitory,pinapalabas mo ba ang lahat ng report at pagbabaliata sa harap ng T.V. tungkol sa kababalaghan ay totoo.Hindi ka ba nag-iisip ha,pinupuktati tayo ng mga basher sa social media dahil sa report mo"mahinahon na sambit ngunit sa huling salita ni Chief Catakutan ay may halong inis sa kausap.
"Sir,nagbabalita po ako sa harap ng kamera ay puro katotohanan,bahala sila kung ano ang iisipin nila tungkol sa report ko ang mahalaga sa akin ay magbalita ako na pawang totoo"sambit ni Donna.
CHAPTER 3
"Ok,ok, tama ka nga,walang kasinungaling ang binalita mo sa harap ng kamera dahil yun ang pinaninindigan natin mga tagamedia pero ang tanong ko,iha,nakita ba ng mga testigo mismo sa kanilang mga mata na kung papaanong pinupulutan ng mga gumgapang at gumagalaw ang mga ugat ng puno na may mga dahon ang buong katawan hanggang sa higupin ang lamang loob ng biktima?"tanong ni Chief Catakutan na may halong sermon.
"Hindi po,sir"maikling sagot ni Donna
"Iyun ang tamang sagot,Donna,"HINDI"kasi hindi nila nakita pero naririnig nila papaano mong paniniwalaan ang publiko kung totoong may kababalaghan nagaganap sa red dormitory na iyan.Ang mga report ay sadyang napakalayo sa katotohanan"sambit ni Chief Catakutan.
"Pero,sir,nakakasiguro ako na totoong may kababalagahang nangyayari mismo malapit sa dormitoryo kasi sampu na ang mga namamatay sa loob ng isang linggo na pare-pareho ang kaso kahapon.Sir, paniwalaan ninyo ako"nagsusumamong tugon ni Donna.
Ipinakita niya ang mga larawan na kinuhanan niya sa autopsy lab.Subalit kahit nakita ni Chief Catakutan ang mga larawan at ebidensiya hindi ito pinansin bagkus kinausap niya ang dalaga na may payo dahil alam niya ang sitwasyon ng dalagang reporter.
"Donna,silent to me,alam kong matagal mo na gustong malaman kung ano talaga ang nagyari sa kapatid pero sampung taon na ang nakakaraan ni hindi natin alam kung kung saan ang bangkay ng katawan ni buto niya walang nakita ng mga pulis at kung patuloy mong gagawin iyan,isang malaking kahihiyan sa departomentong ito atsaka mapipilitan kitang iassign sa iba"mahinahong sermon ni Chief Catakutan.
"So lahat ng pinaghirap ng kapatid ko po para makarating sa hindi pangkaraniwang panganib ay hayaan ko na lang ibasura ang nangyari sa kuya ko.Sorry,sir mas gugustuhin ko pong magresign kasya ipaassign ninyo ako sa iba,hindi po ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang kasagutan tngkol sa red dormitory at kung ano ang kaugnayan ito sa mga biktima at sa pagkawala ng kapatid ko"pinandigan na sambit ni Donna.
Nagpaalam si Donna kay Chief Catakutan at umalis ng Office of the Editor in Chief sumunod si Jhong.Sumandal naman si Chief Catakutan sa kinauupuang may sandalan magkakahawak kamay at nakapatong ang baba sa magkahawak kamay.Alam niya ang sitwasyon ni Donna dahil ang nag-assign na magreport tungkol sa kababalaghan sa dormitoryo kaya't nauunawaan niya si Donna.Nakita niya ang ipinakita sa kanya ang mga ebidensiyang sinasadyang iwan sabay kinuha niya at tiningnan tila'y may pumapasok sa isipan niya na kapareho ang naireport ng kapatid bagamat binasura niya ito upang madala sa kahihiyan ng kanyang pamumuno sa Mystery News TV.
Samantala,nakatanaw si Donna sa bintanang salamin sa gilid ng hallways ng Mystery News TV nilapitan siya ni Jhong sabay ibinigay ang hawak niyang kape kay Donna at tinanggap ito ng dalaga sabay ngpasalamat.
"Sampung taon na ang nakakalipas nang makasama ko si Boss Daniel sa assignment halos lahat ng nirereport niya ay masusi niyang pinag-aaralan at sinayatan bago ibalita sa T.V. na parehong parehong kaso na hawak natin.Alam mo Ba?Miss Donna pareho kayo na may prinsipyo at pinangninindigan para ipahayag ang buong katotohanan na walang kasinungaling o siraan yuna ng binabalita niya sa publiko kahit sa diyaryo"paliwanag ni Jhong.
Idinagdag ni Jhong ang kuwento ng ibalik niya ang nakaraan para bang bumalik sa nakaraan na gumuhit ang mga imahe sa bawat detalye ng kanyang kuwento tungkol sa pagkawala ni Daniel
{Isang araw tumunog ang C.P. ni Jhong habang inaayos ang kamera sa loob ng departomentong balita agad itong sinagot ni Jhong atnagsabi ang tumawag sa kanya si Daniel
"Jhong,Nandito ako sa Tagaytay nasa harap ko ang nababalitaang misteryoso ng red dormitory kailangan kong imbestigahan tungkol sa kuwento ng mga tagarito"tugon ni Daniel habang kinausap ni Jhong sa C.P.niya
"Boss Daniel,baka malaman ito ni hepe tiyak ako ang mapuputukan atsaka isa lamang iyun alamat at kuwento ng mga matatanda kaya't kailangan ninyong bumalik dito sa Maynila, Boss"pag-aalalang sambit ni Jhong.
"Kaya nga gustong malaman ang totoo wala naman masama kung totoo o hindi at kung alamat o haka haka lang tungkol sa misteryoso ng red dormitory bakit pa ako nagsayang ng panahon para pumunta dito isa pa may mga biktima na kapareho ng pinuntahan nating autopsy department di ba.Thats means kailangan kong pumasok sa loob ng dorm para alamin kung bakit may mga biktima sa loob ng bakuran ng dorm"tugon ni Daniel.
"Sige,bahala ka na Boss Daniel basta't mag-iingat ka"tugon ni Jhong na kasamang paalala
"Ok,maraming salamat sa pag-aalala,Jhong,tatawagan kapag may nakuha na akong impormasyon"sambit ni Daniel sabay pinatay ang C.P. at itinuloy niya ang pagpasok sa loob ng dorm kahit mapanganib.
Sa kasalukuyan patuloy pa rin niya nilalahad ni Jhong tungkol sa nakaraan
"Simula noon,hindi na siya nakita marami ang rescue team ang naghanap sa kapatid mo mapahanggang ngayon wala pa kami makita o mahanap kahit clue para malaman namin kung buhay nga siya o hindi ang kapatid mo"paliwanag ni Jhong.
CHAPTER 4
Wala nang masabi si Donna habang nakikinig siya sa inilahad ni Jhong tungkol sa pagkawala ng kapatid niya tila bang may pumapsaok sa isip ni Donna na may posibilidad na may kaugnayan ang red dormitory sa pagkawala ng kapatid at pagkamatay ng ibang boarder habang tinatanaw niya ang magandang sikat ng araw ng umaga sa malayong matatanaw ng kanyang mga mata.
Kinabukasan,muli naman ngakaroon ng bagong biktima malapit sa dormitoryo halos kapareho sa naunang bangkay na biktima na siyang ibinalita uli sa T.V.Napanood ito ni Donna nang nasa bahay siya kumakain ng almusal bagamat nakabihis na siya para pumasok sa opisina.Agad siyang tumayo sa upuan ng lamesanaglakad na may tunog ng mataas at matulis na takong ng kanyang sandal shoes sa bawat hakbang ng mga paa sa tyle na sahig at sumakay ng sarili niyang kotse.
Nang makarating na si Donna sa parking lot ng basement sa Media TV,lumabas ng kotse na siyang paglapit niya kay Jhong habang naglalagay ng kanyang kamera sa loob ng compartment ng kanyang news patrol vehicle.Paglingon ni Jhong tapos sinarhang ang compartment.
"Tamang tama ang dating mo,Miss Zapanta kailangan nating uli bumalik sa Tagaytay"sambit ni Jhong.
"Oo kaya nga ako pumunta dito kasi napanood ko uli tungkol naman baliatng may panibagong biktima ang misteryosong salarin na yun"tugon naman ni Donna.
"Sige sakay na nang makakuha tayo ng kaunting scoop"sambit ni Jhong.
Kaagad sila nagsipasok sa kanilang sasakyan at muling umalis ng basement patungo sa Tagaytay.Sa ikaapat na palapag kung saan ang opisina ni Chief Catakutanat siya nakatanaw sa ibaba habang tinitingnan niya ang news patrol vehicle nila Donna at Jhongna palabas ng gate na biglang nagsalita ang presidente ng Mystery News TV at anchorwoman na si Ramona Molino.
"Sino ang tinatanaw mo sa ibaba,Chief Catakutan?"tanong ng presidente.
"Ma'am,pasensiya na po kanina po ba kayo diyan?"gulat na tanong ng hepe
"Kararating ko lang napapansin kita may tinitingnan ka,kung hindi ako nagkakamali siya si Donna Zapanta angbunsong kapatid ng magaling na journalist reporter na si Daniel Zapanta,tama ba ako?tugon ng presidente na kasamang tanong
"Opo.Ma'am,tama po kayo subalit parehong may katigasan ang ulo ang magkapatid kahit mapanganib ay sinusuong nila"sagot ni Chief Catakutan.
Lumapit ang presidente sa tabi niya habang nakadungaw sa bintana at tinitingnan nila ang umalis na news patrol vehicle nila Donna at Jhong hangga sa mawala ang sasakyan sa kanilang paningin.
"Hayaan mo na lang siya ang kumilos para mahanap niya ang kasagutan sa mga tanong na gumagambala sa isipan niyaat kasama sa trabaho natin ang kumuha ng totoong detalye upang ipahayag sa publiko ang totoo at wastong pagbabalita"tugon ng presidente.
"Pero ma'am kung ano ang mangyari sa kanya lalo na't hanggang ngayon hindi pa natatagpuan ang katawan ni Daniel"pag-alaalang sambit ni Chief Catakutan.
"Alam ko kaya nga itinigil ninyo ang paghahanap at pag-iimbestiga tungkol sa red dormitory dahil wala kang ebidensiya,tama ba ako?"tanong ng presidente.
"Tama po kayo maam pero bakit hanggang ngayon kalmado pa rin kayo"sagot ng hepe ngunit napansin niya ang pagiging kalmado ng presidente.
"Kung iisipin mo ang isang bagay papaano mo makukuha o malulutas ang problema kung ikaw mismo ay nagpapadala ka sa init ng ulo o iniistress mo ang inyong sarili para na ring ikaw ay sumuko na andiyan pala sa tabi ang hinahanap mo,sa palagay mo kaya makukuha mo basta basta't ang isang bagay o tao kapag hindi mo nakita na hindi mo alam nasa tabi mo pala ang hinahanap mo.Ganyan ang sitwasyon ni Miss Zapanta nananatili pa ring positibo at kalmado na may determinasyong mahanap ang sagot sa mga tanong sa isip niya.Isa pa,yun ang dahilan kung bakit kalmado ako kasi alam ko at alam niya kung saan niya mahahanap ang sagot sa katotohanan.Hindi niya iniisip ang matakot o mangamba basta't nakakafocus siya sa kanyang paghahanap ngunit hindi inaalintana ang panganib na dadaanan niya"paliwanag na sagot ng presidente.
"Ang mahalaga ay magtiwala na lang tayo kay Donna sa magagawa niya"dugtong ng presidente
"Papaano ninyo po nalaman?"pagtatakang tanong ni Chief Catakutan.
"Baka nakakalimutan mo isa rin akong psychiatrist at alam ko kung ano ang nakikita ko sa mga mata ng dalagang si Donna kaya't hindi ka puwedeng magtaka pa"sagot ng presidente.
"I'm so sorry,Mrs President,panalangin natin po na makauwi siya ng ligtas at makalabas siya ng buhay kapag nakapasok siya sa loob ng misteryosong pulang dormitoryo"sambit ni Chief Catakutan na aalis sana ng opisina ng hepe nang siya ay tumigil at sinabi tila'y may naaalala.
"Mr.Catakutan,kapag nasolve ni Miss Zapanta ay kailangan mong sunugin ang hawak mong report manual ni Mr.Daniel Zapanta para matapos ang kaso ng misteryosong pulang dormitoryo"paalala ng presidente.
"I will Mrs.President"sagot ng hepe habang tinitingnan niya ang hawak niyang report manual ni Daniel na ang titulong "MYSTERY OF THE RED DORMITORY"at bumalik sa upuan at umupo.
Muling nagbalita si Donna sa harap ng kamera habang tinututok sa isa pang bangkay sa gilid ng dorm.Nang matapos ang pagbabalita niya agad silang pumasok sa news patrol vehicle.Napatigil siya ng makita niya ang isang babaing grasa na may diperensiya sa pag-iisip tila'y kasing edad lamang niya at nagsasayaw at nagkakanta kahit walang tugtog,nagsasalita na walang kausap.Dumating naman ang isang lalaking malapit sa kanya ,agad niyang itinanong ang lalaki.
"Kuya,puwede po bang magtanong?eh sino po ba iyung babaing pulubi na iyan?tanong ni Donna sabay ituro ang babaing pulubi habang nagsasalita na walang kausap.
"Ha,si Aning yun,araw araw gumagala sa aming baranggay madalas gumagala din sa palengke para magpalimos at pasaway ang batang yan.Kapag may kinuha siya nakikipagpatintero muna bago isauli ang kinuha niya pero huwag kang mag-alala,Miss,hindi siya nanakit kundi ang manakot kaya't kung tatakutin ka sakyan mo na lang kasi alam mo naman baliw yan kaya't kailangn mo ng baong mahabang pasensiya kasi dito sa amin ay sanay na kami sa baliw na iyan"paliwanag na sagot ng isang lalaking may edad.
"Isa pa pong tanong,Kuya,kasi alam ko pong tagarito kayo gusto ko pong malaman kung bakit may natatagpuang patay sa malapit sa red dormitory.May kaugnayan po ba ang dormitoryo sa nagaganap na krimen diyan?"tanong uli ni Donna habang hawak niya ang notebook at ballpen hinihintay ang magiging sagot ng pinagtanungan niya.
"A,Miss,pasensiya ka na kailangan ko nang umuwi pasensiya ka na"sambit ng isang lalaki. Imbes na sagutin ang tanong ni Donna ay nagmamadaling umalis ang nakausap ni Donna habang nakatingin sa dorm at tuluy tuloy lumayo tila'y may kinakatakutan sa loob ng dorm.
"Sandali lang Kuya"sambit ni Donna na halong pagtataka at tiningnan ang dorm.
CHAPTER 5
Pumasok kaagad si Donna at kinausap ni Jhong nang makita niya ang reaksiyon ng lalaki.
"Anong nagyari sa lalaking kausap mo,Miss Zapanta,nagmamadali siyang umalis parang bang may iniiwasan?"pagtatakang tanong ni Jhong.
"Tinatanong ko ko siyasa ikalawang tanong ko tungkol sa dormitoryo bigla siya umalis pagkatapos nanghingi ng dispensiya sa akin"sagot ni Donna.
"Sa palagay mo kayo,Miss Zapanta,may alam ba ang mga residente tungkol sa dormitoryo?"tanong ni Jhong
"Hindi ko sigurado kasi iisang tao lamang ang umiwas sa tanong ko.Kaya't hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang mga kasagutan tungkol sa misteryosong pagkawala ng kapatid ko at ang pagkamatay ng mga umuupa sa dormitoryong iyan"determinadong sagot ni Donna.
"Pareho kayo ni Boss Daniel hindi madaling sumuko,Miss Zapanta<maaari ba kitang tawaging Ma'am"tanong ni Jhong.
"Sige ok lang"sagot ni Donna.
"Kailan ba nating sisimulang magtanong sa mga residente?"tanong ni Jhong.
"Right now,Jhong,i will answer your lunch,snacks,and dinner and your family"sagot ni Donna.
"Right away,Maam"maikling sagot ni Jhong na siyang pag-iling sa tuwa si Donna dahil sa pagkain.
Sinimulan na nina Donna at Jhong ang magsiyasat at nagtanong-tanong sa bawat bahay ng mga residente.Sa kanilang pagsisikap para malaman ang kasagutan ay nabigo siya dahil wala miske isa kanila ang napagtanungan nila ay walang makasagot,lahat sila ay umiiwas sa tanong ng dalawang dayong tagamedia para bang may kinakatakutan ang mga residente na sagutin ang katanungan tungkol sa misteryosong pagkamatay ng mga boarder at pagkawala ng kapatid ni Donna.
Sa bawat pagtitiyaga nilang mahanap ang sagot tila'y pinagkait sa kanila.Ang iba ay tinatakwil sila kahit ibanggit ang kanilang pangalan o ipakita ang kanilang ID na sila ay taga media ay sadyang walang sali-salitang pinagsasarhan sila ng pinto at binata ng padabog.Ang iaba naman ay nagagalit kaya't pinagtatabunan sila at pinapalayas sa kanilang baranggay.
Nang magtatanghalian na napagod sila kaya't umupo sila sa upuang may lamesa ng canteen.
"Napagod tayo sa pagtatanong sa mga residente pero wala isa sa kanila ang hindi makasagot sa tanong natin.Lahat sila iwas pusoy,anong gagawin natin?Ma'am"tanong ni Jhong.
Napansin ni Jhong tila'y hindi naririnig ni Donna ang pagsasalita niya para bang malayo ang iniisip ng dalaga kay't pinitik ng tunog dalairi na siyang ikinagulat ni Donna.
"Ma'am are you all right?"tanong ni Jhong.
"Ha,i'm fine,Jhong"gulat na sagot ni Donna ng pitikin siya ng tunog daliri.
"Ok lang ba talaga kayo kasi napapansin ko sa inyo na palaging malayo ang iniisip mo"pag-aalalang sambit ni Jhong.
"Don't worry,Jhong,i'll be fine mabuti pa't umoorder ka na para makakain na tayo"sagot at utos ni Donna.
Tumayo si Jhong at pumunta ng istanteng puno ng pagkain at umoorder ng kanilang kakainin habang naghihintay si Donna ay pinagmamasdan niya sa malayo ang pulang dormitoryo.Nang lumingon siya biglang may nagsalita ng "BULAGA"sa kanyang harapan halos dumikit ang kanilang mukha nila ng babaing pulubi na siyang ikinagulat ni Donna at pagsigaw niya kasabay ng paglaglag sa kinauupuan niya.Nagulat din si Jhong kasama ang mga kumakain.Nagalit ang tindera sabay pinagtabuyan ang babaing pulubi palabas ng canteen.Nagmadali naman lumapit si Jhong upang alalayan ang dalaga sa paglaglag niya sa upuan at siya inupo sa upuan.
"Ma'am,nasaktan ka ba?"pag-aalalang sambit ni Jhong.
"Ayos lang ako,Jhong,hindi ako nasaktan nagulat ako sa pagsulpot ng babaing pulubi"sagot ni Donna.
"Sige kumain na tayo"dugtong ni Donna.
CHAPTER 6
Tiningnan ni Donna ang babaing pulubi sa labas ng canteen habang dinidilaan at sumesenyas siya na para bang inaanyayahan siya kay Donna at itinuturo ang Red Dormitory na ang ipinapahiwatig ng senyas ng babaing pulubi sa pangungusap na "KUNG GUSTO MONG MALAMAN ANG SAGOT AY NASA LOOB NG PULANG DORMITORYO TIYAK MAKIKITA MO ANG SAGOT AT PAGHAHANAP MO ANG IYONG KAPATID SA RED DORMITORY"tila'y bang nababatid ito ni Donna subalit hindi niya pinansin dahil kailangan nilang kumain at alam niya na isang baliw ang bumulaga sa kanya.
Nang makatapos silang kumain ay tinatawag ni Donna ang serbador para maiabot ang bayad nanag tanggapin ng serbador ang bayad ng dalawa,tumayo ang dalawa upang lumabas ng canteen at sumakay patungong maynila.Habang nagmamaneho si Jhong,nagsalaita na siya.
"Ma'am,namimiss ko na si Boss Daniel kasi siya lamang ang tumulong sa akin ng mawalan ako ng trabaho dati namumulot lang ako ng kalakal sa mg abasura para maipakain ako sa pamilya k.Nanag malaman niya na isa akong media cameraman dahilo sa mga asal talangkang sumira sa akin kaya't nasibak ako sa trabaho.Dahil kay Boss Daniel ibinbalik niya ako sa trabaho bilang cameraman kundi dahil marahil hindi ko maipagtapos ang pag-aaral ang dalawang anak ko kaya't kisidido akong samahan ka kahit saan at kahit kailan kung ibig mo kahit panganib kasi iyun ang habilin sa akin ng kuya mo bago siya pumasok sa dorm.Kung gaano ako naging tapat sa kapatid mo gayundin ang katapatan ko sa inyo dahil napalaki ang utang na loob ko sa kapatid mo"paliwanag ni Jhong.
"Salamat,Jhong,pero hindi lahat ng bagay ay puwede mo akong samahan kung ang ibig ko kasi maliliit pa ang mga anak ang mahalaga ay ituloy mo yun kahit wala si kuya,Ok"paalalang sambit ni Donna.
"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin pero susundin ko ang hiling ko"sambit ni Jhong.
Nang inabot sila ng gabi sa knilang pagbiyahe ay dumaan muna sila sa parking lot area ng media network at doon ibinaba ni Jhong si Donna.
"Ma'am,pasensiya ka na hindi muna kita maihahatid kasi may kailangan kong icheck ang kamera at saka ma'am maraming salamat sa pasalubong para sa mg anak ko"Sambit ni Jhong.
"Ok lang,Jhong,may sasakyan naman ako sa basement,thak you,Jhong,pakisabi mo sa mga anak mo kinukumusta ko sila lala na ang asawa mo"tugon ni Donna.
"Makakarating ang inyong pasabi ma'am"sambit ni Jhong at umalis ng news patrol vehicle na minamaneho niya.
Nilakad lamang ni Donna papasok ng basement habang tumutunog ang mataas at matulis natakong ng kanyang sandal shoes sa bawat mahinhin niyang lakad.Pinindot niya nag knayang warning device ng susi ng kanyang kotse at tumunog ang kotse niya hanggang sa makasakay ng sarili niyang kotse at pinaandar palabas ng basement.
Nang maigarahe niya ang kanyang kotse sa garage area ng kanyang bahay ay lumabas ng kotse ang dalaga sabay umakyat ng hagdanan na may tunog ng mataas at matulis na takong ng kanyang sandal shoes at pumasok sa loob ng bahay ay may sumalubong sa kanya ng pagbati.
"Good evening,babe,"pabating sambit ni Gerard,ang boyfriend ni Donna.
Lumapit si Donna na may kasamang tunog ng kanyang sandal shoes sa kanyang boyfriend sa kusina sabay haliks sa labi ng binatang si Gerard.
"Kanina ka pa ba dito?babe"gulat na tanong ni Donna.
"Hindi naman babe siguro mga in a minute bago ka umuwi,kumain ka muna"sagot ni Gerard na may kasamang alok.
"Ha ganoon ba pasensiya ka na akumain na kami ng cameraman ko sa Tagaytay may kailangang gawin sa report koatsaka pasensiya ka na rin kasi kailanga ko muna magpahinga.Ikaw na lang ang kumain,I'm sorry,babe"tugon ni Donnasabay umakyat sa hagdanan na may tunog ng kanyang sandal shoes hanggang sa makapasok sa solong kuwarto niya.
Sa kanyang pagtulog dahil sa pagod,nagkaroon siya ng isang panaginip.
{Sa kanyang panaginip,nakasuot siya ng isang puting blusa na may maikling manggas sna bulaklakin hanggang leeg.Tumatakbpo siya na para bang may humahabol sa kanya.Ilang saglit lang mat naririnig siyang may kumakalukos sa mga damuhan dahil sa takot kaagad siyang tumakbo subalit agad siyang ginapos ng buhay na halaman g ugat hanggang sa pinupulutan at siya siya ay sumigaw sa ilang}
Ginigising siya ng kanyang boyfriend hanggang siya ay magising at bumangon na pawis ang magndang mukha niya at kinapa ang sarili niyang katawan na inaakalang siya ay gingapos ng buhay na halamang ugat at siya ay nagbugtung hininga sabay hawak sa ulo.
"Mabuti na lang hindi pa ako nakakauwi ng marinig kong sumisigaw sa kuwarto kaya't pinukuha ko kay manang ang duplicate key ng kuwarto mo"pag-aalalang sambit ni Gerard.
Dumatingt ang katulong na may dalang isang basong tubig kaagad itong kinuha ni Gerard at pinainom sa dalaga.
"Heto uminom ka muna"sambit ni Gerard habang inaalalayan siya.
Kaagad ininom ni Donna ang isang basong tubig.
"Salamat babe"pasalamat ni Donna.
"Masyado mong sineseryoso sa paghahanap mo sa kapatid mo kaya ka binabangungot,mabuti pa magrelax tayo at mamasyal kung saan ang ibig mo"pag-aalalang sambit ni Jhong.
"I think i need to relaxation ang enjoy myself with you,babe"tugon ni Donna.
Kinabukasan,namasyal ang magkasintahan saisang mall,naglaro sa playstore,nagsikain,at pagkatapos ay sila ay nagrelax sa spa massage hanggang sa umabot sila ng gabi sa kanilang pamamasyal kahit saang ibig nila gamit ang single motorsiklo ni Gerard.Tumigil sila sa harap ng gate na siyang pagbaba ni Donna sa likod ng ng motor.
"Babe,salamat,nasiyahan ako sa pamamasyal natin"pasalamat ni Donna
"Wala yun,babe,basta't ikaw malakas ka sa akin,o sige,uuwi na ako basta't makita ko ang magandang ngiti mo na ibig sabihin ay "OK FINE WHATEVER"sambit ni Gerard.
Hindi na nagsalita si Donna bagkus sinagot niya ang kanyang maganda at matamis na ngiti na ibig sabihin "ok lang ako"sabay kumaway habang papaalis na si Gerard.Binuksan naman ni Donna ang gate sabay pumasok sa kanyang bahay para makapagpahinga at matulog.
CHAPTER 7
Kinabukasan ng umaga,muli naman pumunta si Donna ng mag-isa sa Tagaytay para mag-imbestiga dala ang kanyang kamera.Huminto ang kotse niya sa tapat ng dormitoryo at lumabas siya ng kanyang kotse habang tinitingnan ang pulang dormitoryo,Napansin niya tila'y walang katao-tao ang loob kahit wala siya sa loob ng dorm ngunit nakikita niya sa loob.Sa bawat nito ay may mga barbwire na nagsisilbing bakod sa paligid ng dormitoryo na may karatulang"NO TRESPASSING,PRIVATE PROPERTY".Sa loob nito ay punung puno ng nagtataasang damo na lampas-tao halos hindi na makita ang dormitoryo bagamat matatanaw ang itaas ng dorm dahil hanggang ikaapat ang palapag ang taas ng dorm.Mayroon rin gateway ang dorm na sementado ang daan patungo sa pinto.Kapansin pansin din na matagal na ito nakatayo dahil sa mumog na nakadikit sa mga pader kapag pinagmasdan ang daanan na matatanaw ang pinto kasabay ng pagkuha ng larawan na lumalabas ang flash sa lente ng hawak niyang kamera binibigyan ni Donna ang tamang anggulo ng dormitoryo sa pinto,itaas,sa gilid,sa likod,at sa mga bahagi ng dormitoryo habang nagpapaflash ang lente ng digital camera niya.
Nang kukuhanan niya uli ng larawan ang dorm ay napansin niya na may isang babaing may edad na lumalakad tila'y nagmamadaling lumakad para makalampas lang ng kinakatakutan nilang dorm.Agad lumapit si Donna upang tanungin ang babaing may edad na ngunit hindi pa siya nagtatanong ay nagbigay kaagad ng babala ang babaing may edad na.
"Iha,kung anuman ang binabalak mo para pumasok sa loob ng dorm o kaya umupa,huwag mong ituloy dahil manganganib lang ang buhay mo at hindi ka makakalabas ng buhay sa loob ng pulang dormitoryo na iyan"babalang sambit ng babaing may edad sabay umalis.
Hindi makapagsalita si Donna sa babala ng babaing may edad datapwat imbes na matakot siya sa babala ng babaing may edad bagkus hindi niya maiintindihan ang sinasabi ng babaing nagbigay ng babala sa kanya.Ang tanging pumapasok sa isip ni Donna ay ang hanapin ang sagot tungkol sa bumabalot na hiwaga ng pulang dormitoryo kaya't mas lalo siyang nagkainteres na alamin ang hiwaga ng dormitoryong tinatanaw nila dahil sa babala ng babaing may edad.
Kinagabihan,sa bahay niya ay nasa loob ng kuwarto si Donna habang tinitingnan niya ang mga larawang kinukuhanan niya sa dormitoryo,nakafocus sa bawat detalye ng mga larawan animo'y letrang pinaduktong duktong na salita hanggang sa makabuo ng isang pangungusap sa kanyang laptop at itinatayp niya sa journal column niya.Naputol ang pokus niya sa mga larawan at pagtatayp sa laptop nang marinig niya ang katok sa pinto ng kuwarto niya at nagsalita siya.
"Come in"tugon ni Donna.
Binuksan ang pinto at ang pumasok sa kanyang kuwarto ay ang boyfriend niyang si Gerard na may dalang isang basong gatas at ipinatong sa gilid ng lamesa kung saan may laptop na gingamit ni Donna.
"Babe,nasaan si manang ?eh nakakahiya sa iyo ikaw pa ang nag-abalang magdala ng inumin ko"sambit ni Donna.
"Ok lang,babe,balak sanang dalhin ang madalas iniinom mong gatsa sa tuwing matutulog ka kaya ako na lang ang nagdala para makapagpahinga si manang alam mo naman na may senior na si manang kailangan nila ng pahinga"sagot ni Gerard.
"Sabagay tama ka,thank you,babe"pasalamat ni Donna.
"Masyado kang nakatutok sa trabaho mo,babe,hindi ka pa ba magpapahinga halos madaling araw na"pag-aalalang tugon ni Gerard.
"Its ok,babe,Nakapagrelax ako nanag ipasyal mo ako sa mall at kahiot saang ibig natin kaya't ayos lang ako"sagot ni Donna para mawala ang pag-aalala ng kanyang nobyo.
"Babe,nag-aalala lang ako baka anong mangyari sa iyo,noong isang gabi binagungot ka,ngayon baka magkasakit ka na iyan"pag-aalalang sambit ni Gerard.
Tumayo si Donna sa kinauupuangniya at humarap sa nobyo niya sabay hinawakan ng dalawang palad niya sa magkabilang pisngi ng binata at sinabi.
"Thank you for concern me,babe,but i know you understand my situation that's why i did it to this for my brother's sake,you know my situation,right,babe"palambing na sambit ni Donna.
"I understand, babe, and I know why you entered the media as a journalist dahil sa kagustuhan mong hanapin ang kasagutan tungkol sa misteryosong pagkawala ng kapatid mo pero may magagawa ba ako para pigilan ka.Ang akin lang,babe,baka mapapaano ka lalo na't hindi natin alam kung totoo ang kuwento kuwento tungkol sa red dormitory"sambit ni Gerard.
"Isa pa hindi mo makikita ang kapatid kong pababayaan mo ang sarili baka maospital ka mas lalo kang mahihirap na hanapin ang kapatid mo"dugtong ni Gerard.
"Tama ka,babe.masyadong pressure ang paghahanap ko sa kapatid don't worry kapag natapos ko na ito magpapahinga na ako atsaka aaminin ko ayokong maniwala tungkol sa misteryoso ng red dormitory.Ang pinagtataka ko lang sa dami-dami ng namamatay o pinapatay ay iisang lugar ang crime scene pero naiiba ang istilo ng pagpatay,brutal pa tulad nang magbalita ako sa TV noong nakaraan ay but't balat ang natrira walang mga mata pati ulo parang pinigang damit na basa at nakagapos sa buong katawan ay para rin pinigang damait na basa tapos ang pinigapusan ay halamang naglalakihang ugat na may mga dahon.Ang masama doon ay may mga residenteng malapit sa red dormitory na pinagtanungan namin ni Jhong ay umiiwas sa mga tanong naminpara bang may alam sila"tugon ni Donna
"So lahat ng pinatay na boarder ay may kaugnayan sa red dormitory?"tanong ni Gerard.
"Hindi ko sigurado pero kailangan kong alalmin kung may kaugnayan ang mga nagaganap na patayan sa red dormitory"alanganing sagot ni Donna.
"Sa tingi ko,babe, hindi pagrereport ang ginagawa mo kundi larong detective ang ginagawa.Hay,naku!!!look,walang kinalaman ang dorm sa mga pinatay na boarder.Maaaring kagagawan ito ng mga kriminal para iligaw ang mga imbestigador.At tungkol naman sa misteryo ng pulang dormitoryo ay isa lamang alamat para sumikat ang gumagawa ng kuwento na iyun,babe,mabuti pa't magpahinga ka na kasi madaling araw na"tugon ni Gerard.
"Sige matutulog na ako pero maaari ka bang lumabas ng kuwarto kapag matutulog na ako"sambit ni Donna.
Sinunod ni Donna ang kanyang boyfriend ngunit pinalabas siya ng kanyang kuwarto at sinarhan dahil alan niyang malaboldstar ang kanynag kaseksihan at isa siyang seksing birhen kahit may tiwala siya sa kanyang boyfriend ay maingat siya dahil tao lamang si Gerard at matutukso sa kaseksihan lalo na't seksi ang suot niya.subalit hindi para paniwalaan ang sinasabi ni Gerard na isang alamat ang red dormitory kundi nararamdaman niya na maaaring may kaugnayan ang red dormitory sa misteryosong pagkamatay ng mg boarder at pagkawala ng kapatid niya.
CHAPTER 8
Kinabukasan ng umaga ay pumunta si Donna sa NBI autopsy lab sa tagaytay upang alamin nag nangyari sa isang bangkay .Nagpakilala siya bilang reporter sabay ipinakita ang ang kanyang ID sa isang espesyalista subalit sinabi ng espesyalistang doctor na si Dr. Dimayuga.
"Hindi mo na kailangan ipakita ang ID mo sa akin o ang banggitin ang inyong pangalan sapagkat matagal na kita kilala,Miss Donna Zapanta"sambit ng isang espesyalistang doctor na Dr.Alfred Dimayuga.
"Marahil palagi mo ako pinapanood sa TV"tugon ni Donna na walang halong pagtataka dahil marami ang nakakapanood sa kanya sa Mystery TV news.
"Tama ka,Miss Zapanta,at alam kong kaya ka naparito para malaman mo kung ano ang totoong ikinamatay ng boarder galing sa red dormitory.Mahirap paniwalaan pero totoo,come with me in my lab"sambit ni Dr.Dimayuga.
Kaagad sumunod si Donna habang sinsamahan ng isang espesyalistang doctor.Naglakad sila sa hallway na may tunog ng mataas at matulis na takong ng kanyang botang gray sa bawat hakbang ng mahinhin niyang lakad hanggang sa makarating sila sa autopsy room kung ang bangkay.Nang makita ang bangkay ay nanlumo siya at hindi makatingin ng diretso si Donna sa kanyang nasaksihan.
"Inaasahan ko na yan,Miss Zapanta,kahit ako nanlumo sa aking nakita ngunit tinpangan ko na lang ang sikmutra dahil hindi lang ito kauna-unahang beses na dumating ang ganitong brutal na bangkay,maraming beses na"sambit ni Dr.Dimayuga na siyang ikinagulat ni Donna.
"A-anong ibig mong sabihin?"gulat na tanong ni Donna.
"Unang beses ko nakitaang ganitong kaso na buto't balat ang natira sa bangkay at heto pa rin ang sumunod na bangkay na kapareho lamang ng unang nakita ko.Talagang nakakapanglumo halos masuka ako dahil sa loob ng dalawampu't dalalwang taon ako naninilbihan bilang NBI specialist doctor ay ngayon lang ako na napasuka nang makita ko ang unang biktima dahil sunod-sunod na dumarating sa amin ang ganitong bangkay na nasanay na ako at masusi ko inalam ang bangkay na ito hanggang sa malaman ko ang kagimbal-gimbal na pagkamatay nito ay wala nanag organ sa loob ng katawan ng biktima maging utak,puso,atay o kahit bituka ay walang natira,simot lahat para bang hinugot ang lamang loob ng tao.Bukod doon, pawang mga foreigner o half foreigner na kagaya mo ang biktima"paliwanag na sagot ni Dr.Dimayuga sabay kinuhanan ni Donna ang picture ang bangkay kahit nanlumo siya halos hindi na siya makatingin sa bangkay.
"Bakit mga foreigner o half foreigner ang biktima sa anong kadahilanan?"tanong ni Donna.
"Hindi ko maisasagot iyan.Miss Zapanta,pero iisa lang ang alam ko mahirap paniwalaan na hindi tao ang gumagawa nito kundi isang nilalang na gumagawa ng brutal na pagpatay kasi wala akong nakitang hiwa o butas na sa katawan maliban sa bibig ng tao tila'y may ipinasok sa bibig nila at parang vacuum cleaner na hinigop ang lahat ng lamang loob ng tao"paliwanag ni Dr Dimayuga.
"Iisang nilalang na nanggagaling sa dorm,anong nilalang iyun?"tanong uli ni Donna.
"Tama ka,Miss Zapanta ang nilalang ay talagang nanggagaling sa red dormitory pewro hindi masasagot kung anong nilalang ang gumawa nito sa bangkay posibleng isang urban legend ang nagkatotoo sa mga kuwento ng mga matatanda"sagot ni Dr.Dimayuga.
Ilang saglit lang sa kanyang pakikinig ni Donna sa paliwanag ni Dr.Dimayuga ay hindi inaasahang may tatawag sa CP niya at nagbigay siya ng excuses sa doctor at lumabas ng laba upang sagutin ang tawag.
"Hello,Jhong,napatawag ka may kailangan ka ba?"tanong ni Donna habang nakalapad ang CP sa kanyang tainga.
"Saan?ok,i'm on the way"sagot ni Donna.
Agad siyang nagpaalam sa specialist para puntahan si Jhong.Nang makarating si Donna sa restaurant.Nakita niya na naghihintay si Jhong sa kanya kaya't pumasok siya sa loob ng restaurant malapit sa picnic grove at umupo sa upuang kaharap ni Jhong.
"O,Jhong,may sasabihin ka ba?"tanong ni Donna.
"Wala akong sasabihin,Ma'am,kundi may ipapakita ako sa iyo"sagot ni Jhong.
Binuksan ni Jhong ang kanyang laptop at pinindot ang bawat letra ng motheboard sabay inenter.Pagkatapos,pinaharap niya kay Donna,laking gulat ni Donna sa nakita niyang lumabas ang mga larawan mula sa nakaraan at ngayon ay pawang mga biktima rin kaparehong kasong ibinalaita ni Donna sa TV.
"Jhong,saang website mo ito nakuha?"gulat na tanong ni Donna.
"Hindi ko alam,Ma'am,inaayos ko ang kamera sa bahay nanag may napansin ako sa laptop ang message post.Akala konga galing sa inyo.Pagbukas ko ng message post ay nagulat ako sa nakita ko kasi hindi lang ang sampu ang inaasahan natin kundi halos hindi mabilang ang mga biktima atsak pawang foreigner at half foreigner na kagay mo,Ma'am"sagot ni Jhong.
"Kaninong galing ang email na ito?"tanong uli ni Donna.
"Hindi ko alam,Ma'am,sa account name niya ay unknown"sagot ni Jhong.
CHAPTER 9
Itinayp ni Donna ang pangalan ng kanyang nakatatandang kapatid niya na si Daniel subalit walang lumitaw na larawan ng kapatid niya.
"Wala akong nakitang pangalan at larawan ng kapatid ko"sambit ni Donna.
"Kung ganoon,Ma'am,posibleng buhay at hindi siya foreigner o half foreigner"tugon ni Jhong.
"Oo,tama ka dahil iisa ang ama namin pero magkaiba ang ina namin kasi ang mommy ko ay isang pure taiwanese"sambit ni Donna.
"Ma'am ang ibig sabihin iyan ay kayo mga foreigner o half foreigner ang pinapatay ng sinumang salarin na iyan pero sa anong kadahilanan para patayin ang may dugong dayuhan o purong dayuhan dito sa bansa natin?"tanong ni Jhong.
"Yun ang tanong ko kay Dr.Dimayuga nang pumunta pumunta ako sa NBI para sa autopsy report kahit si Dr.Dimayuga ay hindi alam ang sagot sa tanong ko pero iisa ang hinala niya kundi isang nilalang ang gumawa nito at hindi siya tao"sagot ni Donna.
"Anong nilalang?Ma'am"tanong ni Jhong
"I don't know if the legend is a true but I need proof if it is true that there is a strange creature in the red dormitory and this is true or just a legend"sagot ni Donna.
Muling ginalaw ang laptop nanag may napansin siyang isang lumang diyaryo na may date na Aviv 25,1521 at izinoom niya ang laptop,nakita rin niya ang isang larawan ng isang batang babae tila'y may pagkakapareho sa nakita ni Donna sa isang babaing pulubi.Pumasok sa isipan niya ang nakaraan na siyang gumuguhit na imahe tila'y nirerewind ang bawat imahe ng nakaraan mulapang unang nagbalita si Donna sa TV ay andiyan ang babaing pulubi,maging sa kalsada ay andiyan siya at nang pagsulpot sa harap ni Donna na ikinagulat at ikinasigaw niya sa canteen kung saan sila kumain ni Jhong.
"Ma'am,ok lang ba kayo?"pag-aalalang tanong ni Jhong.
"Ok lang ako,Jhong"sagot ni Donna.
"Jhong,naaalala mo ba noong biglang sumulpot ang babaing pulubi nang nasa canteen tayo malapit residenteng pinagtanungan natin?"sagot ni Donna na may kasamang tanong.
"Oo,naaalala ko pa noon nagulat pa nga ako ng sumigaw ka,bakit mo naitanong?Ma'am"sagot ni Jhong na ibinalik ang tanong kay Donna.
"Kasi parang pamilyar sa akin ang mukha ng nasa lumang diyaryo nito"sagot ni Donna.
"Sinasabi ninyo bang ang nakita natin si Aning sa batang nasa lumang diyaryo diyan ay iisa."tugon ni Jhong.
"Oo tama ka,Jhong,ipapakita ko sa iyo pero hindi mauunawaan ang calligraph"sagot ni Donna
Ipinakita ni Donna ang nadiskubreng niyang lumang diyaryo sa laptop ni Jhong at iniurong niya ng paharap kay Jhong,tiningnan naman ito at sinabi bagamat hindi ito naiintindihan dahil baybayin calligraph ang gamit na sulat kamay at heto ay nakaukit sa copperplate at katabi nito ay isang iginuhit na mukha ng isang batang babae na tila'y isang bangkay na.Heto ang copperplate na sinaunang diyaryo noong pre-colonial pa ang bansang Ophir bagamat kasabay nito ng pananakop ng pinagsamang puwersa ng kastila at romano kaya't naging Pilipinas na kinuha sa pangalan ni King Philip II ang hari ng Spain.Nagulat si Jhong sa nakita dahil hindi niya naiintindihan ang baybayin calligraph ng sinaunang pilipino o Ophirian.
"Eh ma'am pasensiya ka na hindi ko kasi nauunawaan ang salita nito"sambit ni Jhong bagamat nakita niya ang iginuhat na mukha ng isang batang babae tila'y kamukha ni Aning.
"Ang copperplate na nakita mo ay isang sinaunang diyaryo ng bansang Ophir noong pre-colonial pa ang bansa natin.Iyan ang ginagamit ng mga ninuno natin sa pagbabalita o pagsusulat at ang nakasulat na date na Aviv 25,1521 ang ibig sabihin ng Aviv ay sa pagitan ng Abril at Marso na iniukit sa copperplate tabloid at ang iginuhit na mukha ng batang namatay ay iginuhit mismo sa nakita nilang taong pinatay o namatay pagkatapos sakupin ng pinagsamang puwersa ng mga kastila at romano.Sa kasalukuyan ay gamit natin ang kamera at laptop ang pagkuha ng mga larawan kasi sa panahon na iyun ay mano mano ang pagkagawa wala pang typewriter o printer"paliwanag ni Donna.
"Ha,e papaano mo nalaman ang ang sulat baybayin?"tanong ni Jhong.
"Nagraduate ako sa Baybayin School sa FEU bago ako pumasok sa Journalist course kaya't naiintindihan ko ang sulat baybayin natin kahit pinanganak ako sa Taiwan"sagot ni Donna.
"Wow astig itong sinauna nating sulat baybayin pero ang nakadrowing dito ay napakabata pa sa frontpage ng sinaunang diyaryo samantalang kasing edad mo lang ang nanakot sa iyo atsaka maaaring kamukha lang niya ang nanakot sa inyo o kaya lola niya sa talampakan?"pamanghang tugon ni Jhong na kasamang tanong.
"Kung totoong lola sa talampakan ng baliw na pulubi.Bakit sinasabi sa copperplate tabloid diyan sa internet ay 8 years old siya namatay pagkatapos sakupin ng mga kastila at romano ang bansa natin?tugon ni Donna na may kasamang tanong.
"Bukod doon,502 years na ang nakalipas ay nakatayo na ang dormitoryo bago dumating ang mga kastilang mananakop"dugtong ni Donna.
"So ang ibig sabihin iyan na si Aning at batang nasa copperplate tabloid ay iisa"sambit ni Jhong.
"That's right,Jhong,iisa sila"sagot ni Donna.
"Imposible ata ang sinasabi mo.Ma'am,na 8 taong gulang na batang namatay at si Aning ay iisa.Ano yun muling nabuhay ang patay parang zombie.Pero papaano ninyo nasasabi iyan"sambit ni Jhong.
"Kung zombie si Aning e di zombie na rin tayo kapag kinagat tayo di ba pero sa tanong mo iyan yun ang gusto kong malaman,Jhong"sambit ni Donna.
"Eh,Ma'am,anong plano mo hanapin ang pulubi na iyun para malaman mo tungkol sa misteryosong pulang dormitoryo?"curious na tanong ni Jhong
"Wala akong balak hanapin si Aning kundi ang pasukin ang loob ng dormitoryo na iyan"mapusok na sagot ni Donna.
Nagulat si Jhong sa kapusukan ni Donna at sinabi.
"Ha,seryoso ba kayo na papasukin mo ang dormitoryong iyan,Ma'am,delikado ang binabalak mo iyan lalo na't alam natin na may namamatay sa loob at labas ng dormitoryong iyan baka hindi ka makalabas ng buhay doon"pag-aalalang tugon ni Jhong.
"Alam ko,Jhong,pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nahahanap ang kasagutan tungkol sa pagkawala ng kapatid ko at kung may kaugnayan ang dormitoryong iyan sa mga brutal na pagpatay ng mga boarders."samabit ni Donna.
"Ma'am puwede naman natin gawan ng paraan para malaman kung ano ang misteryoso sa dorm puwede nating ulitin na kausapin ang mga residente"kumbinsing sambit ni Jhong.
"Ginawa na natin iyan pero wala miske isa ayaw sagutin tayo halos pagtabuyan tayo palabas ng baranggay atsaka ilang beses ko napapanaginip ang kapatid ko para bang nanghihingi siya ng tulong sa akin kaya't hanggang ngayon hindi ako matahimik hangga't hindi ko pinapasok ang dorm yan"matigas na sambit ni Donna.
"Kung ganoon,Ma'am,sasamahan kita sa loob"tugon ni Jhong.
"Huwag na,Jhong ako na lang ang papasok ng mag-isa lalo na't may maliliit kang mga anak kasi ayokong lumaki ang mga anak mo hindi nila nakita ka kasi maliliit pa kami na mamatay ang tatay at nanay namin kaya't ako na ang magsosolong pumasok doon"tugon ni Donna.
Walang nagawa si Jhong kundi ang suportahan ang dalaga at alam niya kung ano ang sasapitin niJhong kapag sumama siya sa kanyang mapanganib na lakad na gagawin ng dalagang reporter.
"Sige,kailangan mong mag-ingat at panalangin ko ko na makauwi ka ng ligtas kasama si Boss Daniel"sambit ni Jhong.
"Salamat,Jhong"pasalamat ni Donna.
Pagkatapos ng pag-uusap nina Donna at Jhong ay itinuloy nila ang kanilang mga gawain sa news TV
CHAPTER 10
Nang magtatanghalian na ay umuwi si Donna sa kanyang bahay ay tumutunog ang mataas at matulis na takong ng kanyang bota sa bawat hakbang ng mahinhin niyang lakad sa tiles na sahig.Tinawag niya ang kanyang katulong kasabay ng pagbaba ng handle bag sa sofa nang may bumati sa kanya ang nobyo niyang si Gerard na suot ang apron at dala niya ang huling isang platitong ulam.
"Good afternoon,babe,ready to lunch"pabati ni Gerard na may kasamang alok.
Nagulat si Donna na si Gerard ang tao nasa loob ng kanyang bahay.Nilapitan niya ang binata na may kasamang tunog ng mataas at matulis ng kanyang bota sabay humalik sa labi ng kanyang nobyo.
"O,babe,nasaan si manang?bakit ka nagluluto ng tanghalian natin baka mahuli ka sa trabaho mo?"gulat na tanong ni Donna.
"Huwag kang mag-alala,babe,gabi naman ang schedule ko atsaka may tumawag kay manang kasi naospital ang anak niyang bunso,mabuti na lang napadaan ako dito at hayaan mo na lang ako pagsilbihan ang mahal ko kaya't umupo ka na at mag-enjoy sa pananghalian natin"sambit ni Gerard sabay inurong ang upuan para sa kasintahan niya at umupo naman si Donna.
"Thank you,babe,are you sure na nandito ka?"tanong uli ni Donna.
"Hay naku,babe,hindi ka nasanay sa akin alam mo naman ginagawa ko ito araw araw atsaka nakakainip yata sa apartment ko.Mabuti pa't kumain na tayo masarap ang niluto ko"sagot ni Gerard habang pinagsisilbihan niya ang kanyang nobya.
"Babe,puwede ba ako magtanong sa iyo?"tanong ni Donna.
"Sure,babe,go ahead"sagot ni Gerard.
"Di ba isa ka sa mga residente na malapit sa pulang dormitoryo?"tanong uli ni Donna.
"Dati,babe,simula nanag paalis kami ng nanay ko sa baranggay na malapit sa pulang dormitoryo.
"Bakit kayo pinaalis ng nanay mo?"curious na tanong ni Donna.
"Dahil akala ng mga taga residente na kami ang nagsimula ng kamalasan at patayan sa loob ng pulang dormitorynoong sampung taon gulang pa lang ako"sagot ni Gerard.
"Pero ang totoo ayoko sanang maniwala tungkol sa nagaganap na misteryosong kamatayan ng mga umupa sa dorm.Subalit ako ang naging saksi sa kababalagahan sa isinumpang dormitoryo"dugtong na sagot ni Gerard.
Ikinuwento ni Gerard ang pangyayari sa nakaraan ng gumuhit sa isipan niya ang imahe tila'y bumalik siya sa nakaraan kung saan naganap ang brutal na pagpatay ng mga pinsan niyang half foreigner
{Nang umaga iyun,naglalakad ang tatlong bata na si Gerard kasma ang dalawang magkapatid na pinsan nahalf foreigner sa tapat ng pulang dormitoryo.Namangha ang is asa mga pinsan ng batang si Gerard na isang german na si Harvey bagamat hindi siya marunong magtagalog ngunit nagsasalita siya ng wikang ingles.
"Nice view,Gerard,can we play inside the dorm?"tanong ni Harvey na first time nanamangha sa ganda ng pulang dormitoryo.
"Sure,Harvey"sagot ni Gerard.
Bagamat nila alam namapanganib ang pinasok nila ay agad silang pumasok sa pintuang kahaoy at sila ay naglakad sa gilid ng dorm.Masayang masaya silang naglalaro sa bakuran ng pulang dormitoryo habang nagkaksayahan sila ay naputol ang kasyahan ng mga bata nang marinig nila ang ingay animo'y kaluskos na nanggagaling sa damuhan na siyang siyang pagtigil ang paglalaro na wala ang saya sa kanilang ngiti na napalitan ng takot nang sila ay tumigil animo'y gustong manakot sa kanila sa kanila.
"Was-was für ein Geräusch?(wha-what sound?)"tanong ng isa sa mga pinsan ni Gerard na kapatid ni Harvey si Sandra na may takot.
"Ich kenne Schwester nicht(i don't know sister)"sagot ni Harvey na nakakaramdam din ng takot.
Maging ang batang si Gerard ay nakaramdam din ng takot kaya't nagdesiyon silang umuwi ng bahay.
"Lets go home,i have a bad feeling inside of this dormitory"sambit ni Gerard na hindi naaalis ang takot dahil sa naririnig nila.
Nagmadali silang umalis subalit bagay makalabas ng pintuang kahoy ay biglang pinulupot ang isang paa ni Sandra napadapa siya kasabay ng pagsigaw at hinila ngunit nasalo kaagad ni Gerad ang braso ni Sandra tumulong na rin si Harvey.Subalit talagang malakas ang puwersa ng paghila sa kanya ni Sandra at tuluyang nawala sa madilim na bahagi ng madamong bakuran.Walang nagawa si Gerard at Harvey kundi tumakbo.Nauna na si Harvey at nadapa naman si Gerard,nakita niya ang paglapit ng ugat-puno na may mga dahon dahil sa takot ay napapikit siya na inaakala niya siya ang isusunod pero si Harvey ang binalingan at pinuluputan na siyang pagsigaw ng tulong.Mabilis tumayo si Gerard para tulungan si Harvey,inaalis niya ang pagkakapulupot sa katawan ni Harvey ngunit hindi niya maalis-alis ang mga naglalakihang ugat-puno.Napaupo si Gerard na nakita niya na may halong panlulumo sa nasaksihan niya nang pigain ang katawan ng parang basahan ang katawan ni Harvey at hinigop ang lamang loob ng katawan at siya ay namatay}
Bumalik sa reyalidad na itinuloy pa rin ang pagkukuwento ni Gerard.
"Nang malaman ng mga residente tungkol sa nangyari ay pinalayas kami ni nanay sa lugar na yun.Dahil sa nangyari ay inatake sa puso ko ang nanay ko at namatay.Simula noon namuhay ako ng mag-isaat kinalimutan ko na ang sinapit ng dalawang pinsan ko at ang tiyahin ko ay idinivorce ng german husband niya sabay nagpakamatay.Nasira ang buhay dahil sa pulang dormitoryo kaya't tinanim sa utak ko na isang lamang alamat ang red dormitory para makalimutan ang nangyari pero ang totoo sinisisi ko ang aking sarili kundi dahil sa akin marahil buhay pa ang pinsan at nanay ko"paglalahad na kuwento ni Gerard.
"I'm sorry,babe,kung nagsinungaling ako na isa lamang alamat ang red dormitory dahil ayokong balikan ang nangyari sa mga pinsan kong may dugong dayuhan"dugtong na may dispensiya ni Gerad.
"Ok lang,babe,and sorry kung nagtanong ako sa iyo"dispensiya ni Donna.
"Isa bagay lang ang hinihingi ko kung anumanang binabalak mong pasukin ang dorm na iyan ay huwag mo na lang ituloy dahil ayokong mawala ka saakin"pag-aalalang sambit ni Gerard
"Don't worry i will take care myself at hindi ako mawawala saiyo pero kailanga kong gawin ito para mahanap ko ang kapatid ko at hindi ako matatahimik hangga't hindi ko mahanap ang kasagutan"tugon ni Donna.
"Babe,listen to me,hindi mo alam ang pinapasok mo at hindi natin alamkung buhay o patay ang kapatid mo.Papaano kung hindi ka makalabas ng buhay ng buhaysaloob ng dorm?papaano ako at ang mga pangarap natin?pag-aalalang tugon ni Gerard.
"Kailangan ba nating pagtalunan tungkol sa bagay na iyan akala ko ba susuportahan mo ako at nagtitiwala ka sa akin.Parang napapansin ko saiyo nagiging makasarili ka na.Oo,alam ko ang nagnyari sa iyo at sa mga pinsan mo maging sa inyong ina.Hindi lang ikaw ang biktima sa dorm na yun kundi marami sa atin hahayaan ko ba basta't basta magsasawalang kibo habang sunud sunod ana may namamatay na mga boarders na mismo sa loob at malapit sa red dormitory na hindi kung talaga ang killer"inis na paliwanag ni Donna.
"Pero,babe"sambit ni Gerard.
"Kung may tiwala ka sa akin ay susuportahan mo ako.I'm sorry,babe,this is my final decision i will going to the red dormitory if what happen to me.Mabuti pa,babe,pakihugasan mo ang mga pinagkainan natin at pagkatapos puwede ka na umuwi sa apartment mo para makapagpahinga ka na dahil may nightshift ka pa.Thanks to your cooking for our lunch"tugon ni Donna.
Tumayo at umalis siya ngunit siya huninto nang siya lumingon na may gustong sabihin.
"I forgot,babe,sa tingin mo kaya matutuwa ang mga pinsan at nanay mo na ikaw ay tumakas para iligtas ang inyong sarili dahil sa takot marahil hindi siya matutuwa kasi iniwan mo sila sa ere dahil sa takot"dugtong ni Donna.
Napatahimik si Gerard nang magsalita si Donna na ang totoo ay natakot siya kaya't hindi niya binigyan ng katarungan ang pagkamatay ng dalawang pinsan niya.Bagamat walang nagawa si Gerard sa matapang na desisyon ng kanyang nobya maging siya ay naduwag dahil hindi niya nagawang iligtas ang kanyang dalawang pinsan.
CHAPTER 11
Isang umaga ay bumangon si Donna para mag workout na madalas niya ito ginagawa araw araw kaya't napakaseksi niya lalo na't sa suot niyang leggings.Pagkatapos ng ilang minutong pagpapahinga niya ay inihanda na niya ang denim pants, white sleeveless u neck shirt, denim long sleeves short-waisted jacket,at black leather overknees high heels boots.Maging ang kanyang digital camera at flashlight ay inihanda na niya na nailapag sa kama at siya ay pumasok sa shower room para maligo.Nang matapos na siyang maligo ay lumabas siya ng shower room habang pinupunasan ng kanyang towel ang kanyang mahabang buhok bagamat suot niya ang bath suit sa buong katawan niya.Pagkatapos patuyuin ang buhok ay kinuha ang kanyang pantalon at shirt at pumasok na siya sa dressing room,ilang saglit lang suot na niya ang kinuha niyang pantalon at t-shirt sa paglabas ng dressing room niya.
Subalit kapansin-pansin sa kanya ang pagkahapit ng suot niya kaya't lumitaw ang kaseksihan niya.Pagkatapos ay umupo siya sa kama at kinuha ang bota at isinuot,tumayo siya sa kama kasabay ng pagtunog ng mataas at matulis na takong ng kanyang isinuot na bota ng mahinhin niyang hakbang para lumapit sa salamin na oblong habang pinagmamasdan niya nag kanyang sarili sabay itinali ang kanyang mahabang buhok na may lumitaw na mga bangs sa makabilang tainga hanggang baba.Lumapit siya sa kama at kinuha ang jacket sabay isinuot.Maging ang handle bag ay ibigkis sa balikat,kinuha ang digital camera para isuot sa leeg na parang kuwintas at flashlight ay ipinasok sa bag niya at iba pang kailangan niya sa biyahe.Tapos lumabas na siya ng kanyang kuwarto.
Habang naghahanda si Manang para sa almusal ng amo niya.Narinig niya ang tunog ng mataas at matulis ng takong ng kanyang among dalaga na nakasanayan niya dahil sanay at mahilig masuot ng matataas na takong ng mga paa niya.Nang makalapit na si Donna sa dining table para mag-almusal sabay bati sa katulong niya.
"Magandang umaga po,Manang"pagbating sambit ni Donna.
"Magandang umaga naman iha"sagot ni Manang.
"Siyanga pala,Manang,kumusta na po ba ang bunso ninyo"tanong ni Donna.
"Sa ngayon,iha,maayos ang kalagayan ng bunso kaya lang nasa ospital pa siya nagpapahinga"sagfot ni Manang.
Kinuha ni Donna sa bag niya ang checkbook,ibinuklat at isinulat ang halaga na may kasamang pirma,pinilas niya at ibinigay kay Manang.Nagulat naman si Manang nang makita niya ang halaga sa tseke ni Donna.
"Iha,napakalaki ng halaga nito"gulat na tugon ni Manang.
"Hay,naku,manang,kung tutuusin po pa nga maliit na halaga lang para sa akin kumpara sa ilang dekadang paninilbihan po ninyo sa amin simula nang nabubuhay pa si tatay at nanay hanggang mamatay sila ay hindi ninyo kami iniwan ni Kuya at kahit nawawala si Kuya eh hindi po ninyo a rin ako iniwan kaya't tanggapin ninyo na iyan"sambit ni Donna.
"Wala iyun,iha,para ko rin kayong mga anak at pamilya kung ganoon ko kamahal ang mga anak ko ay gayundin ang pagmamahal ko sa inyo magkakapatid kasi walang halaga para sa akin ang pera o ginto kasi kayo ang pinakamahalagang ginto sa buhay ko pero maraming salamat kahit nakakahiya kasi gagawin ko ito para madischarge ko ang aking bunso sa ospital"tugon ni Manang.
Nang marinig niya ang mensahe ni Manang ay tumayo siya at nilalapitan si Manang para yakapin sabay umiyak na itinuturing nilang higit pa sa katulong,Agad siyang bumitaw at pinunasan ang luha niya at sinabi.
"Pasensiya na po kayo,Manang"lumuluhang sambit ni Donna.
"Natural lang sa ating mga tao ang maging emosyonal lalo na't nakakaramdam ka ng takot na hindi mo alam kung kailan ka mananatiling buhay dahil alam ko mahaharap ka sa isang mapanganib na sitwasyon ako naman ipapanalangin kita na makalabas ka ng buhay para sa mga tao lalo na't sa inyong kapatid at isa pa isa kang mabuting tao na may busilak na puso ang pinakamalakas na sandata ang dapat mong panghawakan ay nakakatuon ka sa dakilang elohim na buhay at huwag kang bibitaw sapagkat iyun ay hindi kayang higitan kahit anuman mas malakas na kapangyarihan kaya't humayo ka,iha,at makauwi ng buhay kasama ang inyong kapatid"basbas na sambit ni Manang.
Umalis si Donna ng buhay at sumakay ng kanyang kotse at bumiyahe na siya patungong Tagaytay.Tatlong oras na ang nakalipas ay dumating si Gerard gamit ang single motor at may dalang bulaklak,bumaba ng kanyang motor at pinagbuksan siya ng isa pang katulong at bumati.
"Magandang umaga po,Manang"pabati ni Gerard.
"Magandang umaga naman,iho,hmmm,may bulaklak kang dala huwag mong sabihin na may tampuhan na naman kayo ni Donna,Tama ba ako?"pabating sambit ni Manang na napansin niya na may hawak na bulaklak ang binata.
"Opo,Manang,kaunting tampuhan lang po kami ni Donna tiyak maaayos po namin ito kaya't gusto ko po makausap siya"sagot ni Gerard.
"Naiiintindihan ko,iho,kaya lang ang kakausapin mo ay kanina pang alas sais ng umaga siyang umalis"tugon ni Manang.
"Eh saan po siya pupumunta?"tanong ni Gerard.
"Hindi ko alam kasi wala siyang binanggit sa akin kung saan siya pupunta pero kung gusto mo puntahan mo siya sa opisina baka maabutan mo siya"sagot ni Manang.
"Sige po,Manang,maraming salamat po"pasalamat ni Gerard.
Lumabas si Gerard ng bahay at gate sabay sumakay ng kanyang single at dumiretso na siyapatungong opisina ni Donna.Sa pagdating niya sa News Building ay nadatnan niya si Jhong tila'y nagmamadaling ipasok ang kanyang kamera sa compartment ng knayang news patrol vehicle.Agad lumapit si Gerard at nagtanong.
"Jhong,nasaan si Donna?"tanong ni Gerard.
"Jhong,hindi ko alam kanina ko pa siya tinatawagan pero unreachable ang CP niya kaya nagmadali akong ilagay ang kamera ko kasi pakiramdam ko eh itinuloy niya ang binabalak niyang pasukin ang red dormitory sa Tagaytay"sagot ni Jhong.
"Kung ganoon kailangan nating puntahan ang red dormitory"sambit ni Gerard.
Agad silang sumakay ng kanilang news patrol vehicle para puntahan si Donna sa Tagaytay at umalis ng news department.
CHAPTER 12
Kinagabihan,dumating si Donna sa tapat ng red dormitory tumigil sa tabi at nagbukas ng side door ng driver's seat,lumabas ang isang paang may suot na high heels boots na kumikinang sa lupa kasama ang buong katawan ni Donna sabay sinarhan ang pinto ng driver's seat.Pinagmasdan niya ang kabuuan ng dormitoryo sa gitna ng naglalakihang damo sa loob ng iron net na bakod na lampas tao ang iron net.Dahil si Donna ang naglalakas-loob na pasukin ang dorm ay naghahanap siya ng isang kahoy na pinto na puwede niyang pasukin.Sa paglalakad niya ay agad niyang binuhay ang kanyang lente dahil malapit na siya sa lugar na walang street light.Itinutok niya ang hawak niyang lente sa daanan para makita ang dinadaanan kahit sementado ang daanan.
Habang naglalakad si Donna sa eskinitang daan ay ginagala niya ang hawak niyang lente sa paligid ng eskinita na may tumatamang liwanag na nanggagaling sa hawak niyang lente.Sa paghahanap ng kanyang dinadaanan niya para makapasok sa oob ng dorm.Patuloy pa rin siyang naglalakad habang natunog ang mataas at matulis na takong ng kanyang bota sa bawat hakbang sa mahinhin niyang lakad ay nasa kalagitnaan na siya sa paglalakad halos hindi niya nakikita ang kanyang kotse ay napansin niya ang tarangkahan kaya't itinutok na niya ang hawak niyang lente.Agad siyang lumapit sa tarangkahan na kinumpuning matigas na tabla walang kadena ni siladora o kung tawagin ay padlock subalit nakabukas.
Iniisip niya na maaaring may nakaunang pumasok kaya't madali niyang naitulak ang tarangkahang gawa sa tabla at siya pumasok kasabay ng pagtutok ng liwanag ng kanyang lente o flashlight.Nakita niya ang daan patungong pangunahing pasukan ng dorm.Nang makarating siya sa pinto ng dorm ay hindi mabuksan tila'y nakapadlock sa loob kaya't naisipan mahanap uli subalit kapansin pansin ang maga pader na punung puno ng mumog na tinutubuan na ng mga dahon sa bawat pader hanggang itaas ang buong dormitoryo.Sa paghahanap niya ng papasukin niya ay hinawak niya ang mga bintana ngunit sadyang naksara at kinakalawang pa ang mga bintanang bakal.
Itunuloy pa rin niya ang paghahanap ng mapapasukan na may napansin siya sa kalayuan ang liwanag animo'y may streetlight kaya't pinuntahan niya kaagad ang nakita niyang liwanag subalit sa paglapit niya sa liwanag laking gulat niya na may lumitaw na malaking bilog na ng buwan na tumatama ang liwanag sa dorm animo'y umaga,Lumigon siya sa dinaanan niya ay madilim kaya't napaisip siya.
"Ang weird naman dito sa dorm ngayon lang ako nakakita ng nasisinagan ng buwan dito sa kabilang gilid pero sa kabilang gilid ay madilim"pagtatakang tugon ni Donna sa isip niya.
Sa pagkakataon nito hindi na siya gumamit ng lente dahil maliwanag ang tinatapakang daan kaya't itinuloy pa rin niya paghahanap ng mapapasukan hanggang sa makita niya ang emergency exit na spiral ang hagdanan agad siyang lumapit sa spiral stairway na may kasamang tunog ng mataas at matulis na takong ng kanyang mga bota sa bawat pag-akyat niya sa hagdanan patungong ikalimang palapag.Nanag nasa pintuan na siya ng ikalimang pintuan ay hinawak niya ang doorknob sabay ipinihit ang doorknob ay bumukas ito at itinulak bagamat madilim ang papasukan niya kaya't binuhay niya ang liwanag sa hawak niyang flashlight at pumasok.Umalingawngaw pa rin ang tunog ng mataas at matulis na takong ng kanyang bota kahit dahan dahan sa paglalakad ng mahinhin sa bawat hakbang ng sahig na makinis na sahig kasabay ng pagtutok ng hawak niyang lente na tumatama sa bawat sahig at paligid ng hallways para makita ang dadaanan niya.
Itinuloy pa rin niya ang paglalakad sa hallways sa kabila ng sunud sunod na pagkakaroon ng tunog ng mataas at matulis na takong ng kanyang bota sa sunud sunod na hakbang ng mahinhin niyang lakad sa hallways.Sa paglalakad niya tila'y walang panganib at tahimik ang loob ng dorm bagamat kapansin pansin sa paglalakad ni Donna ay ang pagkukurap ng mga fliorescent sa kisame,ang iba naman ay kumikislap.Punung puno ng mga agiw ang bawat dinadaanan sa paligid ng dorm kaya't hinahawi niya ng kamay kapag nadadaanan niya.Kapansin-pansin ang nagkalat na mga gamit,papel,basag na salamin,maging ang locker ng mga tenant ay bukas ang iba ay hindi animo'y dinaanan ng bagyo ang loob ng dorm kaya't makikita ang kaguluhan sa hallways at makalat at punung puno ng mga alikabok sa bawat nilalakaran ni Donna.
Patuloy pa rin naglalakad si Donna sa loob ng dormitoryo sa kabila ng sunud sunod na tunog ng mataas at matulis na takong ng kanyang mga bota upang magsiyasat at mag-imbestiga para bang namamasyal sa Luneta Park kasabay ng pagkuha ng litrato sa hawak niyang digital camera na kasamang pagrerecord ng bidyo sa kanyang digital camera simula ng pumasok siya dito sa loob ng dorm.
CHAPTER 13
Habang naglalakad si Donna sa hallways,nakita niya sa bintana ng hallways ang baryo kung saang pinatabuyan sila ni Jhong nang magtanong sila sa kababalagahan ng pulang dormitoryo at siya ay lumapit sa bintana bagamat may halong pagtataka sa kanyang nakita ay walang tumatamang liwanag ng buwan sa baryo ngunit sa lokod ng dorm ay may tumatamang liwanag ng buwan kung saan siya dumaan.
"Bakit walang tinatamaan na liwanag ng buwan ang harap ng dorm pero tinatamaan ng liwanag ng buwan sa likod nito?"pagtatakang tanong sa isip ni Donna.
Sa kabila ng tanong sa isip niya ay mas lalo siya naging agresibong alamin at tuklasin ang hiwaga nito kaya;t itinuloy pa rin niya ang pagmamasid sa buong dormitoryo habang patuloy pa rin ang pagkakaroon ng tunog na nanggaling sa mataas at matulis na takong ng kanynag mga bota kasabay ng pagpindot ng hawak niyang kamera animo'y kisap liwanag ang lumabas ng kanyang kamera sa bawat kuha ng litrato.
Sa paglalakad niya,nakita niya na bukas ang pinto ng kuwarto agad nitong nilapitan at pumasok sa loob habang itinututok niya ng liwanag ang hawak niyang lente at iginala niya sa buong paligid ng kuwarto na may mga agiw sa pagpasok kaya't hinahawi niya,Kapansin-pansin ang sirang dalawang double bed sa kabilaan.may sirang mga unan,kurtina sa bintana na nakalaylay at punit pa na may pahid ng dugo ng tao.Sa pagmamasid niya ay itinutok niyaang hawak niyang lente sa maliit na drawer na may nakapatong na flower vase na ang laman ay tuyong bulaklak na pawang tangkay na at nasa ng bintana na tumatama ang liwanag ng buwan galing sa likod ng dorm.Lumuhod siya saby hinila ang drawer nakita niya ang picture frame na gawa sa kahoy na pinintahan ng langis para hindi anayin na punung puno ng makapal na alikabok na parang buhangin sa kapal sa salamin na natatakpan ang litrato na luma.Pinunasan niya ng kanyang kamay ang picture frame sabay hinihipan niya para makita ang nasa picture frame hanggang sa lumitaw ang imahe ng tao sa picture frame bagamat makaluma ang ang kanilang suot at tila'y iginuhit lamang papel ang imahe na mga panahon iyun ay hindi pa uso ang kamera o kahit digital camera na hawak niya kaya't kinuhanan niya ng litrato na muling kumislap ang lente ng kamera na tumama sa kahoy na picture frame na biglang may narinig si Donna na may halong pagkagulat na siyang paglingon niya tila'y may tumatakbo sa labas ng kuwartong pinasok niya kaagad ipinaok ang kahoy na picture frame sa loob ng drawer at isinara tapos tumayo siya at lumabas ng kuwarto upang makita ang narinig niyang tumatakbong tao at nagsalita.
"Who's there?"gulat na tanong ni Donna sabay itinutok ang hawak niyang lente sa ilang metro ang layo sa kanya para makita kung sino ang tumatakbong tao.
Bagamat alam niyang walang ibang tao maliban sa kanya tila'y may nakauna na sa kanya bago siya makapasok sa loob ng dormitoryo.Patuloy niyang itinututok ang hawak niyang lente sa harap ng hallways habang naglalakad na may kasamang tunog ng mataas at matulis na takong ng kanyang mga bota sa bawat mahinhin niyang hakbang sa makinis na sahig ng hallways hanggang sa may narinig siyang tila'y bumagsak sa likuran kasabay ng paglingon niya na may tutok ng hawak niyang nagliliwanag na lente sa itaas hanggang ibaba ng locker na isa palang pusang puti.
"Hay,naku,isa palang pusang puti"sambit sa sarili ni Donna sabay dugtong hininga.
Itinuloy pa rin ang paglalakad sa kabila ng patuloy pa ring tumutunog ang mataas at matulis na takong ng kanyang bota ni Donna hanggang sa makarating sa hagdanang pababa sinabay niyang inilawan ang hawak niyang lente sa ibaba ng hagdanan na biglang nakita niya ang babaing pulubi na nakakita sa kanya sa sabay bumaba uli ng hagdanan ng ikaapat na palapag tila'y sinadyang magpakita kay Donna para magpahabol.
"Aning"sambit ni Donna dahil kilala niya ang babaing pulubi.
Agad bumaba si Donna sa hagdanan upang habulin ang babaing pulubi sa pababang hagdanan.Sa pagbaba niya sa ikaapat na palapag si Donna ay muli niyang nakita ang babaing pulubi na tumatakbo sa pababa ng ikatlong palapag at patuloy parin niyang hinahabol hanggang sa makita niyang liliko sa kanan at nagsalita.
"Sandali lang Aning"tugon ni Donna.
Kaagad niyang sinundan ang pulubi kung saan siyang lumiko,Nang lumiko siya ay eksaktong nakita niya na binuksan ang pinto ng emergency exit door at siya pumasok kasabay ng pagsara ng pinto na siyang pagsunod ni Donna hanggang sa makalapit siya sa pinto pagkatapos binuksan ang pinto na laking gulat niya ay walang hagdanan ng palabas kasabay ng pag-atras ng isang hakbang dahil sa takot na ikinamuntik niyang ikinalaglag ngunit mas lalo siyang nagulat at natakot ng masagi niya sa likod niya ang taong tila'y may sumusunod sa kanya.Dahan dahan siyang lumingon hanggang sa makaharap niya ang hinahabol niyang babaing pulubi subalit walang sali-salitang itinulak siya ng babaing pulubi na siyang ikinahulog niya sa makapal at napakaraming tuyong dahon sa labas ng dorm.
CHAPTER 14
Sa pagmulat ng mga mata ni Donna ay nagkakalinaw ang mga mata ng pagmasdan ang batang babae hanggang siya ay nagising tila'y bagong gising na natutulog sa damuhan habang ang batang babae ay tila'y naghihintay sa paggising ng dalagang reporter.Nakasuot siya ng damit ng sinaunang kasuotan ng mga Ophirian maihhintulad sa etnikong supt tulad ng Indonesia at muslim bago pa sakupin ang mananakop na dayuhan na Kastila at Romano at hindi pa napapalitan ng pangalang Pilipinas o Kingdom of Maharlika,ang kasuotan ng batang babae ay maihihintulad sa kasuotan ng mga Menashe Tribe sa bansang Nepal,Malinis ang mukha animo'y alaga ng mga magulang na siyang pinagtataka niya kaya't nagsalita siya.
"Si-sino ka?bata at nasaan ako?"malumanay na tanong ni Donna tila'y bagong gising.
Nang tingnan ang batang babae sabay lumingon sa nakikita ng kanyang mga mata na ang gabi ay naging magandang sikat ng araw sa umaga animo'y lumipas ang gabi.
"Anong nangyari sa akin?patay na ba ako?"tanong uli ni Donna.
Imbes na sagutin ng batang babae ang tanong ng dalagang reporter ay tumayo ang batang babae sabay hinawakan ang kamay ni Donna at hinihila siya para itayo tila'y nagmamadali
"Kaya mo bang tumayo Binibini,Halika,kailangan mong tumayo may pupuntahan tayo"nagmamadaling tugon ng batang babae habang hinihila niya ang dalaga na siyang pagtayo niya.
"Sandali lang bata,huwag mo akong hilahin baka madapa ako"sambit ni Donna.
Bagamat nadadala si Donna sa paghila sa kanya ng isang batang babae para bang may pambihira siyang lakas kahit isa lamang musmos na bata para dalhin si Donna kung saan dadalhin ng bata na siyang pagtayo niya sabay hakbang habang hinhila siya.
"Bata,saan ba tayo pupunta?"pagtatakang tanong ni Donna.
"Huwag ka nang magtanong basta't sumama ka na sa akin"atubiling sambit ng batang babae.
Walang nagawa si Donna kundi ang sumunod sa batang babae habang patuloy siyang hinihila ng batang babae kahit hindi alam ni Donna kung saan siya dadalhin ng basta't magtiwala siya sa isang batang may etnikong kasuotan kahit ngayon lang niya ito nakita.Hindi binibitawan ng batang babae ang pagkahawak niya sa kamay ng isang dalagang reporter hanggang sa makarating sila sa isang lugar na ngayon lang niya nakita sa buong buhay.Nang tumigil ang dalawa ay binitawan ng batang babae ang kamay ni Donna at naramdaman ng dalagang reporter na naghahabol ng hininga habang nakasandal sa dalawang kamay niya sa magkabilang tuhod niya dahil sa sobrang pagmamadaling hilahin siya ng bata.
"Bata,nasaan na ba tayo?bakit kailangang nating magmadali,ha?"tanong uli ni Donna
"Nandito na tayo,Binibini,grabe na naman kayo,miss, lapit lapit lang napagod ka kaagad"sambit ng batang babae.
Anong Binibini,mas matanda ako ng maraming taon,bata,hindi mo ba akong tatawaging a......"angal ni Donna na maputol ang reklamo niya siya tumungo at nakita niya ang makalumang lugar na maihihintulad sa sinaunang Vigan,ang historical heritage city ng Ilocos Sur para bang bumalik siya sa panahong pre-colonial country pa ang bansang Pilipinas na tinatawag ng Ophir o Kingdom of Maharlika.
"A-anong lugar ito?bata"pagtatakang tanong ni Donna habang ginagala ng kanyang paningin sa paligid ng makalumang lugar bago pang ipangalan na Pilipinas o Kingdom of Maharlika ang Republic of Ophir.
"Kahit kailan kayo mga batang milenyo ang dami ninyong tanong.Mabuti pa't sumunod ka na sa akin para pumunta sa aking bahay"tugon ng batang babae.
"Grabe,ang batang ito akala mo napakatanda mo na sa akin teka muna papaano mo nalaman na millenial ako?"angal at tanong uli ni Donna.
Hindi sinagot ng batang babae ang makulit na tanong ni Donna bagkus sinabi niya.
"Kapag pumunta tayo sa aking bahay ay lahat ng inyong tanong ay masasagot"sambit ng batang babae.
Kapansin pansin sa pananalita ng batang babae ay tila'y malalim na salita para bang ang wika nila ay kapareho ng malayo-polinesyo ngunit ang pagbigkas niya ay malalim na tagalog na walang halong ibang wika tulad ng ingles o chavakano.Hindi na nagtanong o nagsalita si Donna tila'y nakukulitan ang batang babae at patuloy pa rin naglalakad ang dalawa sa gilid ng kalsada na may tunog ng mataasa at matulis na takong ng kanyang mga bota sa bawat mahinhin niyang lakad sa daan.Habang naglalakad sila napapansin niya sa kanyang paggagala ng paningin ang mga sulat na baybayin calligraphy maging sa mga karatula ng mga tindahan wala siyang nakitang letra por letra ang mababasa sa nakikita niya sa paligid ng pinuntahan kundi baybayin calligraph at ang mga wika niya o pagbigkas niya ay sadyang malalim na tagalog kahit saan madadaanan niya ay talagang walang sulat letra kundi baybayin calligraph bagamat alam niya nasa sinaunang pilipinas ang pinuntahan nila ngunit hindi niya alam kung anong bansa ito hanggang sa makarating sila sa bahay ng batang babae.
Pumasok ang batang babae sa pintuan ng mahabang tarangkahan na lampas tao ang taas na sumunod si Donna sa loob.Nang makapasok siya sa loob ng bakuran ay namangha siya sa nakitang malawak na bakuran na matatanaw ang sinaunang bahay ng batang babae animo'y antigong mansyon sa laki sadyang talagang napakayaman ang nasa loob habang naglalakad hanggang sa umakyat siya sa hagdanan na gawa sa marmol kasabay ng tunog ng mataas at matulis na takong ng kanyang bota sa bawat hakbang ng pag-akyat niya sa loob ng sinauna at antigong mansiyon
Nang makapasok na si Donna sa loob ng antigong mansiyon ay mas lalo siyang namangha sa nakikita niya sa loob ng mansiyon,simple lang,at natural ang ganda ng loob kahit makaluma at maaliwalas sa paningin pati ang mga gamit ay pawang may sentimental value.Ngayon lang nakita ni Donna ang kagandahan ng mansiyon kumpara sa bahay ng modernong bahay.Ang sahig naman ay sadyang makintab na gawa sa batong marmon na wala pang tiles ng mga panahon na iyun halos magsalamin sila sa sobrang kintab.Ang kanilang ilaw ay gamit lang ng gasera walang fluorescent lamp kahit chandelier ay wala.Patuloy pa rin nagalaang paningin ni Donna sa magagandang gamit kahit antigo ay hindi nakaukupas ang kulay maganda sa paningin.Ilang minuto ang paggala ni Donna kasabay ng tunog ng mataas at matulis na takong ng kanyang bota ay biglang may narinig siyang may nagbuksan ng pinto sa loob ng bahay.
Tuwang tuwang lumapit ang batang babae na alam niyang parating na ang kanyang ama.Sa pagpasok ng ama ay nagmano ang batang babae sa ama at kinuha ang maliit na headcup sa ulo.
"Mano po,itay"sambit ng batang babae.
"Pagpalain ka nawa ng dakilang lumikha"basbas na sambit ng ama
Nakita ng kanyang ama ang dalagang pinagdalhan ng kanynag anak.
"Nagdala ka naman ng tao"sermon ng ama sa batang babae.
"Ipagpaumanhin po,itay"dispensiya ng anak.
Kinuha ng anak ang maleta at maging barong tagalog ay kinuha sabay isinabit ng batang babae sa maayos sa wooden coat track na may mga sanga.
"Ma-magandang gabi po sa inyo"pautal na sambit ni donna na hindi sinasadyang bumati siya ng gabi kahit maaliwalas ang sikat ng araw sa labas ng bahay.
CHAPTER 15
"Hindi na ako magtataka kung bakit mo ako binati ng magandang gabi gayon maaliwals ang sikat ng araw.marahil galing ka sa mundo ng na may gabi na kaparehong oras,araw,at buwan dito sa amin at sa inyo.Mabuti't sinundan mo ang aking anak at walang alinlangan na sumama ka dito sa amin sa mundo na nasisikatan ng araw,iha"sambit ng ama.
"A-ano pong ibig sabihin na parehong oras,araw,buwan at taon sa mundo ko at sa mundo ninyo at sinong anak na sinusundan ko eh hindi ko po kayo maiintindihan ang sinasabi ninyo"gulat na tanong ni Donna sa espreksyon ng magandang mukha ay tila'y naguguluhan siya sa sinabi ng ama ng batang babae.
"Hindi ko inaasahan ang magiging reaksiyon mo,magandang binibini,dahil alam kong naguguluhan ka sa sinabi pero bago ko ipaliwanag ang magiging sagot ko sa iyo ay umupo ka muna"tugon ng ama.
Agad silang nagsiupo sa antigong silya at sa gitna ay may lamesang gawa sa puno ng narra na pinakintab at sinimulan ng ama ng batang babae at siya ay nagpakilala.
"Ngayon magpapakilala ako sa iyo,ako si Manoy at ang aking anak na babae ay si Ananea.Ikaw,magandang binibini,ano ang inyong pangalan?"nagpakilalang tugon ni Manoy kasama ang kanyang anak at nagtanong siya kay Donna.
"Ako po si Donna Zapanta,isa po akong journalist reporter"sagot ni Donna.
"Hmmm,kakaiba ang inyong salita na journalist reporter ngayon lang narinig ang salita na iyan marahil sa mundo ninyo ay naiimpluwensiya ng ibang dayuhan tulad ng mundong galing sa kanluran na nagmula sa lahi ni Japhet pero ang propesyon ay isang mamamahayag at manunulat tama ba ako?iha"sambit ni Manoy.
"Opo isa po akong manunulat at mamamahayag sa mundo namin na isa ng moderno tulad ng mga sasakyan at matataas na uri ng teknolohiya at agham kaya't madali po sa amin ang magkaroon ng komunikasyon sa pagpapagaan sa araw araw namin buhay tulad itong hawak kong camera at flashlight"sambit ni Donna
"Oo,tama ka iha,malayo na nararating ng bansang Ophir ngunit binago nila ang pangalan ang pangalan ng ating ninuno kundi Pilipinas na pinangalan sa masamang hari ng makakanlurang mundo at ang inyong kasuotan ay kakaiba dahil isa kang mamamahayag marahil determinado kang alamin at magsiyasat tungkol sa pulang dormitoryo at agresibo kang mahanap ang nawawalang mahalagang tao sa buhay mo,binibini"sambit uli ni Manoy
"Papaano po ninyo nalaman tungkol sa hangarin ko,Mang Manoy?"pagtatakang tanong ni Donna.
"Sapagkat nakikita ko sa mga mata ang hangarin mo matatagpuan ang isang taong napakahalaga sa buhay pero sa pagkakataong ito sasagutin ko ang agam agam sa isipan mo,Ang ibig sabihin ng parehong araw,buwan,at oras sa mundo namin at sa mundo ay totoong iisa kahit magkaiba ang taon at araw dahil gabi sa inyo dito sa amin ay araw sapagakat nasa ibang dimensyon ka.Alam kong pinapairal ang kapusukan mo kahit magbigay ako ng mga larawan sa modernong teknolohiya ninyo sa mundo biglang babala ngunit hindi ka pa rin natitinag kaya't naisipan kang pasundan mo ang aking anak para dalhin ka dito sa mundo namin na may araw dahil isa kang dugong dayuhan at naaamoy ng makapangyarihang halimaw ang dugo mo kaya't sapilitan kang hatakin ka papunta dito sa mundo namin sapagkat isa kang dugong dayuhan kahit ang kalahati nito ay dugong ophirian dahil nagsisilbi kayong pagkain para sa halimaw na iyun"paliwanag ni Manoy.
"Ang ibig sabihin po nito ay lahat ng may dugong dayuhan o puro ay kinakain ng iisang halimaw pero papaano po kayo nabuhay at ang babaing pulubi na si Aning na sinundan ko at ang anak ninyo ay iisa at anong halimaw po ang pumapatay ng mga purong dayuhan at dugong dayuhan?"sunud na sunod na tanong ni Donna.
"Oo,tama ka si Aning at ang aking anak ay iisa dahil mahilig maggala ang anak ko kahit saan ay naisipan kong dalhin ko siya sa mundo ninyo upang magbigay na babala sa inyo bagamat hndi siya naaamoy ng isang halimaw dahil ang kanyang dugo ay puro wala halong ibang dayuhan na kagaya mo at tungkol sa pagkabuhay namin ay hindi naming gusto ito pero may bumuhay sa amin kasabay ng pagkabuhay ng isang nilalang kaya't nahati ang mundo na may araw at ang mundo na may gabi kung anong oras dito sa amin ay pareho ng oras sa inyong mundo kahit lumubog ang araw at lumitaw ang buwan ngunit ang taon ay magkaiba dahil kami ay mga lahi ni Ophir na isa sa mga anak ni Yoktan,anak si Eber at anak naman ni Shem na isa sa mga panganay na anak ni Noah subalit binago ito simula na patayin kami ng dayuhang Kastila at Romano"paliwanag na sagot ni Manoy.
"Papaano po nabuhay ang halimaw at saan siya nanggaling at bakit niya pinapatay ang mga kagaya namin may dugong dayuhan at purong dayuhan?at lahat po bang nagaganap na patayan sa dormitoryo ay may kaugnayan sa kababalagahn ng pulang dormitoryo?"tanong ni Donna.
Nagsitinginan ang mag-ama sabay nagyukuan tila'y nagkasundo na sagutin ang katanungan ni Donna at sinimulan itong sagutin ni Mang Manoy.
"Alam natin mahirap paniwalaan tungkol sa kababalagahan ngunit sadyang nangyari na ito dahil ang alam namin kaya kami nabuhay at ang mundo namin dahil sa poot ng paghihiganti ng isang ina ng napatay ng mga dayuhang kastila ang nag-iisang at minamahal niyang anak"sagot ni Manoy.
Ikinuwento ni Mang Manoy tungol sa misteryo ng pagkawala ng kanyang kapatid at ang pagkamatay ng tenant sa pulang dormitoryo sa simula palang ng kuweto ay gumuhit ang imahe animo'y bumabalik sa nakaraan habang sinasalaysay ni Mang Manoy.
{Bago dumating ang dalawang puwersang mananakop na kastila at romano katoliko ng bansang Italya,ang pulang dormitoryo ay dating dormitoryo na kulay-puti.Marami sa mga mag-aaral ang naupa sa dormitoryo galing sa iba't ibang lugar dito sa bansang Ophir sa mundo ninyo ay tinawag ng bansang Pilipinas.Alam mo bang sa dormitoryong na iyun ay pawang mahihirap na isolar ng bayan tulad ng isang dalagang nangangalang Matilde,ang nag-iisang anak na babae ng isang mabuting ina na si Sisa,isang babaylan ng tribu namin ngunit naitigil ng ina ang panggagamot dahil sa pakiusap ng kanynag anak na si Matilde.
Noong mga panahon na iyun,ang dormitoryo ay saksi sa magagandang ngiti ng mga umupa noon,may kanya-kanyang libangan,ang iba ay seryoso sa kanilang pag-aaral ,wala kang maririnig kundi masasaya,kaligayahan,at araw-araw na namumuhay sila ng wala halong balisa at takot na may punung puno ng kapayapaan at katiwasayang pamumuhay sa araw-araw.Sa araw ng pagsamba tulad ng tradisyon ng mga hebreo ay ginagampanan namin dahil hindi lang ako mamamahayag kundi isa rin akong pari na mamahala sa tunay na pagsamba alinsunod sa Torah.
Subalit dumating ang dalawang puwersang mananakop ay sinakop nila ang bawat bayan sa buong bansang Ophir o Pilipinas kasama dito ang dormitoryo.Ang dating dormitoryo na punung puno ng mga pangarap at masayang ngiti ay napahiran ng pagdanak ng dugo ng mga inosenteng ophirian.Ang masayang ngiti ng mga mag-aaral ay napalitan ng hinagpis,hiyaw ng nangagngailangan ng tulong ngunit walang nakakarinig at ang tanging naririnig ay alulong ng mga halimaw na hyena na nanggagaling sa bansang makakanluran,maging ang tradisyon na kinagisnan natin ay napapalitan ng mga imaheng pagsamba ng mga hentil kaya't marami sa atin ay naging hentil kahit hindi,maging hindi karapat dapat ay itinuturo sa atin kaya'y naging masama ang tao at nagkaroon ng iba't ibang relihiyon sa mundo ninyo.
Nagagalak at natutuwa ang mga dayuhang ulupong na gahasain at pinatay ang mga dalagang Ophirian at ang mga kalalakihan ay kanila na rin nila ginahasa at pinatay sa loob ng dormitoryo.Pinagpapatay ang lahat ng mag-aaral sa dormitoryo walang itinira ,maging ang mga dalagang ophirian maharlikan na nagtatago ay hindi pinalampas ay ginahasa at pinatay di.Dahil sa patayan sa loob ng dormitoryo ay napahiran ng dugo ng mga inosenteng mag-aaral sa bawat pader sa loob at labas ng dormitoryo.
Naging pipi at binging saksi ang dormitoryo sa lahat ng lapastangan at kasamaan ng mga mananakop na kastila at romano katolikong taga bansang Italya.May mga bihag na mga natitirang buhay na mga mag-aaral sa ilalim ng dormitoryo ay nagsisilbing lugar ng parausan o palipas-oras ang mga dalaga,ginahasa,at pinatay.Ang iba ay ginahasa ngunit hindi pinatay bagkus isinilang ang susunod na lahi na may dugong dayuhan tapos pinatay ang ina kasama si Matilde sa ginahasa at pinatay din.
Nang malaman ni Sisa ang sinapit ng kanyang mabuting anak ,ang kabutihan ng puso ay nilamon ng poot at paghihiganti.Nang matapos ilibing ang kanyang anak sa isang lupain na hindi pa nasasakop ng dayuhang ulupong ay hindi isa ang nailibing kundi marami ang nailibing ng palihim ay pumasok siya sa kuwarto ng kanyang anak sa dormitoryo dala ang hawak niyang libritang itim dahil siya ay isang babalyan ng tribu namin ay sinimulan na niyang gumamit ng makapangyarihan at pinagbabawal na itim na mahika o kahit puting mahika kasi bawal sa tribu namin subalit hindi namin inaaakalang may itinago siyang libritang itim na may isang guhit-nilalang animo'y demonyo hanggang sa sinimulan niya ang orasyon at nagbigkas sa wikang aramaiko at nagbitiw sa ng isang sumpang lilipon sa mga dayuhang lumapastangan sa kanyang anak at sa kababayang inosente.
"Sinusumpa ko ang lahat ng mga dayuhan na walang awang lumpastangan sa aking anak ay ipapalasalap ko sa inyong mg anak ang malupit na paghihiganti at poot ko sa mga dugong dayuhan o maging puro dayuhan o kalahating dugong dayuhan na dumadaloy sa ugat ng mga anak ninyo hanggang sa inaapo ng salinlahi ninyo kung anuman ang kalupitan ang ginawa ninyo sa aking anak at sa mga inosenteng maharlikan na naupa sa loob ng dormitoryo na siyang sasapitin ng mga anak ninyo mula ngayon hanggang sa hinaharap sapagkat kung sinumang dugong dayuhan o purong dayuhan maging sa pagpasok sa loob at labas ng dormitoryo ay mamamatay sa napangingilabot at kasuklam-suklam na pamamaraan.
O,Manglag,ikaw ang aking ilalabas mula sa libritang itim na nagsisilbing kulungan at papalayain kita upang ipaghiganti mo ako sa mga anak at inaapo ng dayuhan ngayon hanggang sa susunod na salinlahi,kalahati man o puro dayuhan.Ngayon ang kalayaan mo ay magsisimula naaaaaaaaa"ritwal na sigaw ni Sisa sa harap ng dambanang itim kasabay ng dagundong ng kidlat at kulog.
Kinuha ni Sisa ang dagger at nilaslas niya ang kanyang sariling leeg na siyang ikinamatay niya atdumaloy ang kanyang dugo ng poot at paghihiganti sa bukas na libritang itim sa paligid ng guhit-nilalang na dumadaloy na parang ilog sa bawat madadaang linya hanggang sa makabuo ang guhit-nilalang na Manglag na parang buhay na guhit at heto umusok hanggang sa kumalat sa buong dormitoryo sa labas o loob hanggang sa naging pula sa kabuuan ng mga pader na dating puti}
Bumabalik sa kasalukuyang pagkukuwento ni Mang Manoy animo'y time machine na nagbalik sa kalukuyan at itinuloy pa rin niya ang kuwento.
"Simula noon, sa bawat mag-aaral na naupa sa pulang dormitoryo na may dugong dayuhan o purong dayuhan ay misteryosong namamatay na ang natira ay buo't balat at wala ng mga mata.Kung makalabas man ng buahy ay siguradong hindi siya makakalabas ng tarangkahang pinto dahil pupuluputan ang buong katawan ng biktima,pipigain,at hihigupin ang lahat ng lamang loob ng tao at karamihan sa kanila ay bihag pa kapag naglakas-loob na pumasok sa dormitoryo at hindi makakaligtas sa kalupitan ni Manglag.Pagsapit ng ikatlong kabilugan ng buwan ay kakain na siya ng buhay kahit hindi siya dugong dayuhan o purong dayuhan.Kaya't tikom ang mga bibig ng mga residente baka sila ay pagbalingan ng halimaw na Manglag"lahad na kuwento ni Mang Manoy.
CHAPTER 16
Hindi makapagsalita si Donna na may halong hilakbot na kanyang nararamdaman sa bawat nilalahad na kuwento ni Mang Manoy tila'y pakiramdam niya ay hindi siya makakalabas ng buhay sa dorm kasama ang kanyang nakakatandang kapatid niya kaya't muli siyang nagtanong kay Mang manoy.
"E,ano po ba ang nangyari sa biglang paghati ng mundo natin?"tanong uli ni Donna.
"Kung mapapansin mo nang pumasok ka sa loob ng tarangkahan sa bakuran ng dormitoryong pinasok mo ay nahahati ang liwanag at dilim sa lupang tinatapakan mo dahil na rin sa kapangyarihan ng ritwal ni Sisa ay nagsanib ang araw at buwan,ang liwanag at ang dilim na siyang paglaya ng Manglag sa libritang itim at nagkaroon ng kulay pula ang puting pader ng dormitoryo sa labas at loob na tinawag ng pulang dormitoryo"sagot ni Mang Manoy.
"Kung ganoon nasa panganib ang kapatid ko po pero papaano ko po siya matatalo at saan ko po siya matatagpuan?"tanong ni Donna na may halong pangamba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Red DotmitoryWhere stories live. Discover now