Anak?

22 4 1
                                    

Caution: This story may contain sensitive material. Reader discretion is advised.

This story is entirely fictional and crafted solely from the author's IMAGINATION. Kindly note that there may be potential errors in the story, as it was written years ago.


--------------------


Isa sa mga pinaka-ayaw ko ay ang makita si mama na naghihirap. Agad akong nagmadali sa paga-ayos sa sarili ko at lumabas ng kwarto, pagka-baba ko ay nakita ko si mama sa kusina...kasama ang pinsan ko.



Siya si Mariel, kakamatay palang ni Tita sa aksidente kaya pinatira siya ni mama dito, habang si Tito naman ay may bago ng pamilya sa ibang bansa. Tinrato siya ni mama na parang anak niya kaya inisip ko nalang na kapatid ko siya dahil ako lang naman ang anak ni mama. Pero di nagtagal ay nawawalan na ng interes sa'kin si mama. Halos buong araw ay nakatuon ang pansin niya sa pinsan ko. Grade 12 palang si Mariel habang ako naman ay 4th year college student sa Business Management.



"Ma alis na ako." Paalam ko kay mama, pero 'di siya kumipot at patuloy lang sa pakikipag-usap sa pinsan ko. Maya-maya ay agad akong tinawag ng pinsan ko kaya lumingon ako.



"Bye ate Amirah!" aniya sabay kaway sa'kin. Tumingin ako kay mama pero di s'ya tumitingin sa'kin. Pilit akong ngumiti at umalis na ng bahay.



"Ami kamusta part time job mo?" Agad bumungad ang kaibigan kong si Lhian.


"Ok lang naman, bakit?"


"Wala lang, oo nga pala, pwede ba daw malamnn ng kapatid ko yung facebook ng pinsan mo?" tanong niya, agad kumunot ang ulo ko. Ibibigay ko ba o hindi?

Hinihingi ng kapatid niya facebook ni Mariel?


Gusto ba ni nicolas si Mariel? Pero gusto ko s'ya ...



"N-nakalimutan ko na yung pangalan niya eh, pabago-bago kase siya." Aniko



"Ay...sige salamat."aniya sabay alis. Na-iwan ako na mag-isa, naka-tulala lang, nang marinig ko ang bell ay agad na akong nagmadali papunta sa room.



10 oclock na ng gabi at umalis na ako sa campus, pag-ganitong oras ay di pa ako nauwi ng bahay, lagi akong pumupunta sa cafe na pinagta-trabahuan ko. Isang libo sa isang buwan lang ang sweldo ko, para sa iba ay mababang sweldo na 'yon pero para sa'kin hindi.


"Andito ka na pala Amirah."Bati ng manager sa cafe sa'kin. "I have bad news hija."


"A-ano po 'yon?"


"yung sweldo mo ay maibibigay ko pa sayo sa susunod pa na buwan, pasensya na ha." Aniya



"O-ok lang po." Aniko.



Pagkatapos kong magtrabaho ay agad na akong umuwi sa bahay. Pagpasok ko ay puno ng kalat sa buong sala, maraming papel ang nakakalat, balat ng biskwit at kahit pop-vorn, agad akong lumingon sa pinsan kong natutulog lang sa sofa. Hinayaan ko nalang dahil kalat naman niya 'yon hindi sa'kin.


Nagpunta ako sa kusina para maghanap ng makakain. Pagbukas ko sa ref ay may nakita akong nakatakip na ulam.



Panis na pagkain lang pala...Ba't kase di na nila tinatapon 'to?



Wala akong nagawa kundi kumuha ng kanin sa kaldero na panis na at nilagyan ito ng toyo. Sanay na din naman ako na eto yung iniiwan nila sa'kin pag-uwi ko. Kalat at pagkain na panis. Kahit ang lababo ay uu-uwin na dahil sa mga hugasin.



Anak (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon