Lily's POV
"Sana ikaw na lang ang namatay.."
Hindi na ako nabigla sa sinabi ni Mama , tiningnan ko na lamang sya habang pinagtitirik niya ng kandila sa altar ang yumao kong kapatid na si Lianne.
"Kasalanan mo to eh. Kung hindi ka ba naman tanga , duwag , boba! Ano ba Lily ?! Nung una ang tatay mo , ngayon yung kapatid mo naman?! Ano kelan ka magiging matapang ha?! Kapag namatay na ko?! Ganun Ba?"
Wala pa rin akong imik.
"Alam mo kung gaano kasakit sakin na mamatay ang kapatid mo .. Lalo pa't walang hustisya sa pagkamatay nya. "
Tiningnan ko si Mama , pinagmamasdan pa rin nya ang litrato ni Lianne.
"Ang mabuti pa, hanapin mo ang pumatay sa kapatid mo . "
"Pero ma . "
"Hindi ka dapat tumigil hanggat di mo nakikita kung sino mang Poncio Pilato yun"
"Ma..."
"Buhay ang kinuha , buhay rin ang kabayaran "
"Ma.."
"Sa ayaw at sa gusto mo , umayos ayos ka . Magbago ka "
Agad tumayo si Mama at pinunasan ang mga luha nya gamit ang kanang kamay nya. Bago pa nya ko iwan ay tiningnan nya ko ng masamang tingin.
Sino nga kaya yung pumatay sa kapatid ko? Hindi ko kayang maghiganti o ano . ..