RICHIE'S PAINTING

954 104 4
                                    

BECKY POV
3 YEARS AGO

Pareho kaming tahimik ni Freen sa byahe. Bigla akong nahiya sa kanya, lalo na't kasama ko ang kapatid kong si Richie. Panigurado akong aasarin niya ako kapag nakita niyang nakikipag-usap ako nang maayos kay Freen.

"Anyway, sis and Freen? Let's head straight home para makapag-dinner na tayo kasama si Freeya."

Ngumiti lang si Freen kay Richie at tumingin sa akin.

"Dito ka ba titira sa bahay ng kuya mo, Becky?"

"Ahhh- huh?"

"Ahhh- Hindi, hindi siya titira sa bahay ko, Freen. May sariling bahay siya na pinagawa ni Mama dito sa Pilipinas, kaya hindi na siya kailangang tumira sa akin."

Sinamaan ko ng tingin si Richie nang sabihin niya 'yon. Ang nakakainis! Bakit ayaw niyang tumira ako sa bahay niya?

"Wow! Secured ka na pala, Becky. May sariling bahay kana."

Pinilit kong ngumiti kay Freen, at napansin kong nakangisi sa akin si Richie na parang tanga.

"Pwede naman akong tumira sa bahay mo ng ilang araw, 'di ba, Richie?"

"No! May sariling bahay ka, diba?"

"Ano ba ang problema?"

"Ano pa ba ang silbi ng sariling bahay mo kung titira ka pa rin sa akin?"

Tama naman siya, siyempre. Pero gusto ko pa ring mag-stay ng ilang araw sa bahay niya kasama si Freen.

"Pero, Freen, pwede kang tumira sa bahay ko kahit kailan mo gusto."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Richie. Bakit okay lang kay Freen na tumira sa bahay niya pero hindi sa akin?

"Talaga, Richie? Pero mas maganda kung pwede ring tumira si Becky sa bahay mo."

Hindi ko maiwasang ngumiti sa sinabi ni Freen. Gusto niya akong tumira kasama niya? Uhmmmm...

"Ahmmmf! Pwede ka naman tumira sa kanya sa bahay niya kung gusto mo?"

Sabi ng kapatid ko, kumindat pa siya sa akin. Para talagang baliw, grabe.

"Tama, sis? Okay lang sa 'yo kung tumira si Freen sa bahay mo?"

Tumingin ako kay Freen at ngumiti.

"Kung okay lang sa kanya, bakit hindi? Ang tanong, okay lang ba kay Freen na tumira sa bahay ko?"

Agad siyang tumango, kaya palihim akong ngumisi habang nakatitig lang sa akin ang kapatid ko na parang tanga sa rearview mirror ng sasakyan.

Pagkatapos ng byahe, sa wakas ay nakarating kami sa bahay ng kapatid ko. Mabuti na lang at pagod ako sa byahe at kailangan ko ng pahinga.

Nang lumabas ako ng sasakyan, inalok ko ang braso ko para tulungan si Freen na bumaba.

"Salamat, Becky."

Ngumiti ako sa kanya at kinuha ko na rin ang bag niya dahil nasa kay Richie ang bag ko.

"Okay ka lang ba?"

"Uhmmm, okay lang ako."

Bago pa kami makapasok sa gate, isang babaeng kamukha ni Freen ang lumapit sa amin. Ang kakambal niya. Sinulyapan ko si Freen at saka ang kapatid niya.

Pareho ang mga mukha nila, ang hugis ng katawan, at pati na ang kulay ng balat at buhok.

Nakakatakot dahil baka malito Ang kapatid ko at si Freen ang Mapagkamalan niyang si Freeya.

Paano naman ako diba?

Agad siyang lumapit sa amin at hinalikan si Freen sa labi.

"How's your flight? Are you okay?"

" FORGET ME NOT  "(TAGLISH VERSION)Where stories live. Discover now