Takot at pangamba yan ang araw araw kong nakikita sa mata ng mga nagiging biktima ng kagaspangan ng ugali ng alaga kong si LunaIsa sya sa kinatatakutan at iniiwasan sa eskwelahan nya dahil bukod sa mapanglait ito ay dinaig pa nya ang siga sa tondo sa hilig nyang makipag basag-ulo
Hindi nawawala ang pangalan nya sa listahan ng may kasalanan sa loob at labas ng paaralan, halos gawin na rin nyang silid bakasyonan ang opisina ni Madame Luca sa dalas nyang ipatawag sa guidance office
Pero kahit na sya ang tinaguriang bully sa eskwelahan, isa sya sa hinahangaan at ipinagmamalaki ng Greenland Srutch University dahil bukod sa may angking ganda to nasobrahan din sya sa talino
Kaya nga crus—
“Den yohoo..Den..bwesit— HAYDEN ANO NA TULALA KA NANAMAN SHUTA KA!” halos malaglag ako sa kinauupuan kong silya matapos marinig ang nakaririnding tili ni Mara
“What the hell is your problem, di ba uso sayo ang kulbit at kailangan pang sumigaw ka” inis na saad ko matapos makitang nagpipigil ito ng tawa sa harapan ko
Matae ka sana bosit
“Boba ka tingin mo sisigawan kita kong tinablan ka ng kulbit ha!” masungit ako nitong tinitigan bago ako malakas na binatukan
“ANO BA SISIKUHIN KITA DYAN EH”
“Edi sikuhin mo, Wala.Akong.Pake” nangaasar na sabi ni Mara bago ako belatan
Pasalamat ka talaga babae ka kasi kung hindi nasiko na kita sa mata, pero dahil hindi ako pinalaking mabait at gentleman ng nanay kong reklamador gagantihan kitang siopao ka, may araw ka din sa kin
For now maghahanap muna ako ng tyempo at magiisip na din ng technique para wala na syang magagawa
Natatawa akong napailing dahil sa mga kalokuhang naiisip ko
Hayst nababaliw na ko
Nasan na ba kasi ang alaga ko at si Mara ang kasama ko rito
Anyways ako si Hayden Baldoira pinsan a.k.a. gwapong assistant ni Luna
Yung walangyang siopao naman na sumigaw kanina ay si Zamara Guillermo, ang ultimate kaaway ko
At si Luna...
Heraya Selene Rancio ang pangalan nya at kung hinahanap nyo sya...
Ewan ko din kung nasaang lupalop nayun ng mundo o baka nakikipag-rambulan nanaman
Pasaway
BINABASA MO ANG
Concurrence - Contract Between Me And My Father
Novela JuvenilPara saiyo ano ang ibig sabihin ng PAMILYA? Kadugo o Karamay Kaanak o Kaibigan Kakampi o Kalaban Para sa iba ang Pamilya ang pondasyon ng lakas at saya pero para sa kambal na Celestine at Selene ito ay isang uri ng salita na binubuo ng pitong letra...