SOPHIE'S POVNandito kami ngayon sa school at naghahanda para sa pageant mamayang 1pm. Busy ang lahat lalo na ang student council kaya wala ngayon dito si Erin.
Naghahanda na din sina Eros at Sam. Una kasi ang talent portion e.
1hour na lang at mag sisimula na. Inaayusan na nina Tricia at Courtney si Sam. Yung iba kong kaklase nireready na yung ibang susuotin nina Sam at Eros mamaya. Habang ang iba busy sa paminigay ng pompoms at paghahanda ng banners. Astig! Todo support ang buong section! Nandito din si Mrs. Perez at tumutulong din.
Nakita ko si Eros na nakadungaw sa may bintana. Mag isa lang siya kaya nilapitan ko siya.
"Kinakabahan ka no?" Tanong ko sa kanya. Mukha kasi siyang hindi mapatae e. Hahaha.
"Hindi no. Basta ba ichecheer mo ko e siguradong mananalo ako." Sagot naman niya sa akin at nginitian niya ako.
"Oo naman! Tsaka kahit hindi naman kita icheer mananalo ka pa din e." Sabi ko naman sa kanya.
"Sorry. Sobrang gwapo ko na ba?" Sabi naman niya kaya napatawa ako. Binatukan ko nga.
"Gago! Ang hangin m talaga kahit kailan e no? Magready ka na nga dun maya maya magsisimula na. Lapitan mo na si Sam." Tinulak tulak ko pa siya. Haha. Ang cute talaga' <3
"If I know nagseselos ka." He chuckled. Nag init naman ang mukha ko at agad na nag iwas ng tingin sa kanya. Ako? Magseselos? Haha.
Pano niya nalaman?
JOKE!
"Hindi no. Yuck! Chura mo. Dun ka na nga." Umalis na ako habang siya tumatawa pa din. Hmp! Bahala nga siya. Di ko siya ichecheer!
Maya maya pa pinapunta na kami ni Mrs. Perez sa gym. 10 minutes na lang at magsisimula na! Pati naman ako kinakabahan e. Haha. Hindi naman ako kasali. Taga cheer lang ako pero ewan, baka kasi dahil kasali si Eros.
Lahat kaming Juniors section 1 nakasuot ng green shirt. Meron ding yellow na marka sa mga pisngi namin. Bonakid lang ang peg. Nakatali din lahat ng buhok ng mga babae gamit ang yellow na ribbon tapos lahat kami may tig dadalawang hawak na yellow and green pompoms. Ang cute! Pati si Mrs. Perez meron din!
Hawak hawak naman ng mga kaklase kong lalaki ang dalawang malalaking banners. Dun sa isa may nakasulat na GO EROS & SAM. WE LOVE YOU! Tapos dun naman sa isa, may malaking picture ni Sam at Eros tapos may nakalagay na JUNIORS STAR SECTION.
Nakita ko si Erin sa may gilid ng stage. Emcee nga pala siya kasama yung SC President na si Harold. Tumingin siya sa direksyon ko kaya naman nginitian ko siya at ngumiti naman siya sa akin pabalik.
Kanina pang nasa back stage sina Eros at Sam. Nandito na din lahat ng mga estudyante at mga teachers.
"GOOD AFTERNOON KINGSTON HIGH!!!"
Buong siglang bati nina Harold at Erin. Nagsigawan lahat ng estudyante. Hindi ko na din maiwasang hindi mapatili. Halo halong excitement at kaba tong nararamdaman ko!Maya maya pa lumabas na ang mga candidates at isa isang nagpakilala.
20 pairs lahat ng kasali. Buong high school department kasi e tig lilimang sections kada year.
Bawat pair na lumalabas, todo cheer naman ang section na kinabibilangan nila.
Sina Eros at Sam na ang sunod!!
Nung lumabas sila, nagsigawan naman kaming lahat! May pumupukpok din ng bass drum. Grabe nalakabingi ang sigawan! Ang galing nila pareho maglakad. Kitang kita ang kasexyhan ni Sam sa suot niyan white tube na kita ang pusod, denim jacket na bukas ang butones, fitted black jeans at high heeled boots! Kulot ang dulo ng mahaba niyang buhok. Ang ganda din ng pagkakamake up sa kanya!
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Novela JuvenilNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.