Stationary Set
by PrincessDianaB
Dedicated kay Mami!!~ ^___^ HAI Lululu!!~ o/
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ako si Lindsay Morales. High school student sa St. Matthews College. 14 years old. Ay mali. 15 na pala. Birthday ko pala kahapon. Haha. Kanina pa kami nadismis ni ma'am. At ngayon, nakaupo ako sa bench ng school garden. Masarap tumambay dito. Malakas ang hangin, at higit sa lahat, kitang-kita dito ang private basketball track na tambayan ng tropa nina Kyle. Tinitingnan ko siya mula dito. Ang galing niya mag basketball.
Sino siya? Siya si Kyle Mercado. Varsity ng basketball team. Gwapo, matalino, basketball varsity at sikat. San ka pa? At oo, may gusto ako sa kanya. Actually matagal na. Nung 1st year pa ako. Pero di naman niya ako napapansin eh. Ni hindi ko nga alam kung may naaalala pa siya tunkol sa akin.
Palagi lang akong nakatingin sa kanya mula sa malayo.
Hanggang nakaw-tingin lang ang kaya kong gawin.
"Eh bakit kasi ayaw mo lapitan?"
"Ay palaka!!!!!"
Eh kasi naman! Biglang nalang nilapit ni Cherie ang mukha niya sa mukha ko!! kakagulat kaya! >.<
"Cherie naman eh!"
By the way, siya pala si Cherie. Siya ang bestfriend ko since 1st year. At siya lang din ang nakakaalam tunkol sa feelings ko kay Kyle. Bestfriend ko eh.
"Ano ka ba. Hinding-hindi ko gagawin yun noh! Hindi kaya niya ako kilala. Baka masabihan pa akong FC. " sabi ko habang umuusog sa kanan para maka upo si Cherie.
"Hmm... malay mo kilala ka niya."
"Ako? Tcchh! Oh please. Wag mo nga akong itulad sa mga ibang babae jan na umaasa sa isang imposibleng pangarap. I can accept facts and reality."
"Edi maghanap ka ng lovelife. Dami mo manliligaw jan."
"Damn you! Di ko magagawa yun noh! Ayoko sa kanila. Tsaka, umiwas sila sa akin eh. Kung ano yung dahilan? Ewan. "
Tama yun. May mga manliligaw nga ako. Medyo maganda naman din kasi ako! :P (Humble ako kaya MEDYO lang!) Tsaka ano bah! Hindi ko ikakaila yun noh! Gift yun, Exuse me! Pero ewan, hindi na nga sila halos nagpapakita at nagpaparamdam sakin eh. Wala naman siguro akong ginawa?
"Ewan ko sayo! "
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ma andito na po ako!" Sabay kiss kay mama sa cheeks nung pagdating ko. Nasa bahay na nga pala ako ngayon. Nagluluto si mama ng Bicol Expreeeeeess!!!!!! Yum!
"Oh Lindsay anak how's school" tanong niya habang naghahalo ng gata.
"Okey naman po."
"May pink na box dun sa table. Padala mo ng tita Amy mo para sayo."
"Huh? Para san daw? Eh kakapadala lang niya nung birthday ko kahapon ah. Album pa nga yun ni Selena Gomez eh."
"Ewan. Basta ang sabi ng tita mo eh nakalimutan daw niya yan ipadala kahapon."
BINABASA MO ANG
Stationary Set ( one-shot story)
Teen FictionPaano kung binigyan ka ng stationary set ng tita mo? Siguro itatago mo lang ito sa kwarto diba? o gagawin mong decoration... pero paano kung ang simpleng bagay na ito ay magiging daan sa pagbabago ng buhay mo? Hindi mo pa rin ba ito papahalagahan? ...