Chapter 002.

5 2 0
                                    


"Bakit ka umiiyak!? Inaway ka nanaman ba ni papa?" napatigil ako sa pagiyak nang makita ko si Sol na halos umusok na ang ilong sa galit ng makita ako nitong umiiyak

"Sabi nya aalis ka Sol.. Iiwan mo na ako" nagmamaktol na sabi ko dito habang malakas na umiiyak

"Huwag kang maniwala don kay papa nagjojoke lang yun!"

"Ibig sabihin hindi ka aalis?"

Mabilis syang umiling kayat agad na rin akong tumahan sa pagiyak

Pinagtripan nanaman ako ni papa

"Promise mo hindi ka aalis!" sumisinghot na sabi ko bago itaas ang pinakamaliit na daliri sa kamay ko

"Promise"

"Pinky promise.. Ayan na wala nang iwanan ha! Forever na tayong magsasama Sol"

“SISTER FOREVER, WALANG IWANAN malakas na sigaw  namin ng sabay bago tuluyang tumakbo kay Papa para gumanti

With that we made our first ever promise, saksi ang buwang nagbabadya ng magpakita at papalubog na araw sa pangako namin sa isa't isa

At ako ang sumira non

Ako ang nangiwan, iniwan ko sya

I'm sorry kung hindi ko nagawa ang ipinangako ko Sol

Hindi lang isa o dalawang oras akong umiiyak habang taimtim na nagsusumamo sa diyos na sana ay mapatawad ako ni Sol sa ginawa kong pagiwan sa kanya, naipit lang din ako sa sitwasyon

Wala akong choice

Mula sa duyan na kinauupuan ko ngayon ay kitang kita kung paano unti unting nagsasama ang liwanag ng araw at ang dilim ng paparating na gabi.

Hindi ko alam kong nasan ako o kung anong oras na, ang alam ko lang
nang kumalma ako kanina ay nasa harapan na ako ng isang abandonadong parke

“Ganitong ganito ang itsura ng langit nong araw na yun,. Bakit ba kasi ang unfair ni tadhana saming magkapatid, I'm sorry Sol,. Fuck it ang sakit”

“Luna!?” nabuhayan ang loob ko ng marinig ang papalapit na boses ng kung sino, pamilyar ito at baretono

“Kanina pa kita hinahanap, nagaalala na si Lola sayo, bakit ba kasi hindi mo ako tinawa— UMIIYAK KA BA?” hindi ko sya pinansin, tumayo ako sa duyan na inuupuan ko at agad syang nilampasan

Ayokong makita niya akong mahina dahil hindi ako ganon

Hindi ako mahina

“Okay ka lang ba Luna?” nagaalalang bungad sa akin ni Mara pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ni Granny, ito ang naging bahay ko matapos akong ipadala dito sa Australia ni Papa

Tinugunan ko lang ito ng isang simpleng tango at tsaka tuluyan nang nilampasan

Ayoko munang makipag-interact dahil natatakot ako na makita nilang nahihirapan at nasasaktan ako sa sitwasyon ko ngayon

“Kanina ka pa po hinihintay ni Madame, Señorita” right, panigurado nagalala talaga sya

“Where is she?” blankong tanong ko kay Nanay Rita matapos ako nitong batiin

Ewan ko ba pero nawalan ako ng gana sa lahat ngayon, siguro dahil narin sa nangyare kanina

“Nasa opisina po”

Concurrence - Contract Between Me And My FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon