Napagpasyahan ng kaibigan ko na isama ako sa park na malapit na sa amin. Pinilit lang naman nya ako kesa naman daw na tumunganga ako sa kwarto ko at tumingin na lang sa kisame. Wala daw akong mapapala dun kaya inaya nya akong lumabas para makalanghap ng sariwang hangin. Di ba nya alam na quality time ko iyon mag-isa. Walang istorbo.
Hindi maipinta ang itsura ko ng lumabas kami ng bahay. Ang init naman. Anong oras na ba? 4:36!. Ang init talaga!
" Ano ba talaga ang gagawin natin?" tanong ko sa kanya na nakasimangot.
"Wala." simple nyang sagot sabay tingin sa akin. "Aysh! Ano ka ba! wag ka ngang sumimangot dyan. Nakakahawa. Ang pangit mo" dugtong nya pa.
"Wag kang magmaganda dyan" iritable kong sagot sa kanya. Inungusan lang naman nya ako. Hay naku!
Nakakainis talaga. Ayoko talaga lumabas mas gugustuhin ko pang magkulong sa bahay maghapon kesa makita ng ibang tao. Mas kumportable akong gawin ang bagay na mag-isa. Di ko nga alam kong bakit dikit ng dikit sa akin tong si Abbygail. Kahit naman ganito ako ay nagpapasalamat pa rin ako na may bestfriend akong tulad nya. Iniisip ko pa lang na paano kung hindi ko si Abby nakilala ay baka nabaliw na ako at magaya kay Cinderella na kinakausap ang mga daga. Tsaka ayos na din to kahit papaano ay hindi ko maramdamang nag-iisa ako kahit na mas pipiliin ko pang mag-isa. Ang gulo!Basta thankful ako na nandiyan sya.
Nakarating na din kami. Straight lang akong tumingin na para bang walang pakialam sa mundo. Oo, ganito ako. Iniisip ko lang na ang mga tao sa paligid ay di ko nakikita.
"Amor doon tayo maupo" kalabit sa akin ni abby na nakapagpabalik sa akin sa kamalayan.
" huh?"
" Sabi ko dun tayo" turo nya pa sa bench na nasisilungan ng puno.
Buti naman ang napili nito ay yung lugar na wala masyadong tao. Sumunod naman ako sa kanya na sayang-sayang naglalakad. Napapangiti na lang ako sa loob-loob ko. Kung iisipin magkabaligtad ang ugali naman. Tahimik ako na sya namang daldal nya. Loner at active. Hay!
"Ano na namang iniisip mo?" tanong nya sa akin. "Siguro di ka pa rin makamove-on sa pinanood natin kagabi sa laptop mo, noh? Hay! Pwe! Pati ako napapagaya na rin sayo sa pagbubuntong-hininga" pag- aakusa nya sa akin.
Tahimik pa rin ako habang nakatingala sa langit.Pinagmamasdan ko ang kagandahan ng kalangitan. Napatingin na lang ako sakanya.
"Sabagay. Nakakainis naman talaga yung ending eh. Di ko ini-expect na mamatay yung lalaking bida sa huli. Nakakaawa tuloy yung girl. Love na Love nya yung lalaki kasi gusto na rin nyang mamatay makasama lang yung lalaki. Ikaw ba Amor pagnamatay yung superlove mo, susunod ka sa kanya?" tanong nya sa akin. Naguluhan ako sa mga pinagsasabi nito.
"Ewan ko. Di ko pa naman nahahanap yung para sa akin. Pero di ako magpapakamatay ng dahil lang sa kanya. " kahit na loner ako di ko ninais na magpakamatay. Ayoko magkasala kay Jesus.
" Ang hard mo talaga!" nguso nya sa akin. Pacute pa tong babaeng to. Sabagay cute naman talaga sya. Hay naku! bahala na nga sya. Napasimagot na lang ako.
"Pero kung ako yun susunod siguro ako.Windstruck." banggit nya sa movie na pinanood namin. Ngiti-Ngiti pa sya dyan." Pero ang cute talaga nung pinky promise. HAHAHAHA. Biruin mo habang naghahanap ng mapapangasawa yung prinsesa, nagdirty finger yung isang manliligaw. hahaha." tawa nya pa. Natawa na rin ako ng tahimik nung ginaya nya yung mga gesture ng limang manliligaw.
"Sana makahanap din ako ng lalaking mahal na mahal ako tapos kami sa huli. Walang mamatay at walang mang-iiwan.Poreber" tas niyakap nya pa ang sarili habang kinikilig. Ibang klase talaga tong babaeng to.
" Ikain mo na lang yan Abby" sagot ko sa kanya na medyo iritable. Nahampas ko pa yung hita ko sa hindi pagpayag sa mga pinagsasabi nya. "Walang Forever. Lilipas Din yan"
Napalakas siguro ang sigaw ko kasi napatingin sa akin yung lalaki na may kasama. Gf nya ata kasi super makadikit sila magkaupo. Ako lang ba o talagang napalingon sya sakin. Pero di ko pinahalata na nasabi ko yun. Patay malisya. Di ko na lang sya pinansin at tumingin na lang kay Abby ng seryoso.
"Ang highblood mo tehhhh!" saad nya sakin with her weird face. baliw talaga.
Di ko na lang sya pinansin pero wish ko na sana hindi magalit sa akin ang magsyotang 'yon. Lalo na yung lalaki na ang sama ng tingin sa akin kanina. Sana rin di napansin ng baliw kong kaibigan ang pagiging attentive ko sa kanya. Baka magtanong kung bakit ako tutok na tutok sa kanya. Baka magdiwang yan kapag nalaman na may sense ang mga pinagsasabi nya.
Talking 'bout love. Wala naman talagang permanente sa mundo eh. Bitter na kung bitter pero nagiging praktikal lang ako. Hindi lang naman love ang kinakaharap na problema ng mga kabataan ngayon. Eh ang COC nga di ko alam laruin. Eh Love pa kaya. Teka, Laro ba yun?
"Red tide ka ba ngayon? Ang init ng ulo mo. Ok sige na nga. Wag na natin pag-usapan yang windstru-" pinutol ko na sya sa mga antics nya. Gusto ko nang umuwi.
"Uwi na ako. Magdidilim na . Ma-rape pa ako. Sige" pagmamadali ko kasi nararamdaman ko pa rin ang sama ng tingin sa akin nung lalaki kahit na nakatalikod ako. bakit ba di na lang nya pansinin ang syota nya? Tumayo na ako at nagsimulang maglakad.
"Tek-. Wahahahahahah"
letse! tawanan pa ako. Nakatapak lang ng tae ng aso. Bakit ba ang daming nakakalat na aso dito? bwiset! Naririnig ko pa rin ang tawa ng baliw kong kaibigan habang ako tinatanggal pa rin ang pupo ng aso sa tsinelas ko. Bwiset!
~~~
Thanks for reading.
Sorry sa word na syota. hehehe..
BINABASA MO ANG
A lost stars
Teen FictionAn introvert girl meets an extraordinary people, (she thought they are) makes her life in chaos. In just a simple phrases her world become alienated. What word did she utter that makes her life crazy and obnoxious for her? Who are they to make her...