"Sir, iuwi mo na kasi ako! May trabaho pa ako bukas! Waltas din na isang libo sa sahod ko kung hindi ako papasok bukas!" Sinusundan ko si Zeke na naglalakad papuntang kwarto namin, hindi niya naman ako sinagot at patuloy lang sa paglakad 'tungo sa k'warto niya.
"Sir!" Sinigaw ko na ang pangalan niya dahil halatang wala s'yang balak na sagutin ako, biglaan siyang lumingon sa akin at walang reaksiyon akong tiningnan.
"I can pay your two months sweldo if you want, kung ayaw mo naman-" Huminga lang ako ng malalim at hindi siya sinagot.
Tingin niya ba ay makukuha nya ako sa pera? Bakit ang baba ng tingin nya sa akin?
"Ano ba talaga ang gusto mo, Sir?" nawawalan na pasensyang saad ko at huminto sa harapan niya, "Hindi ako kasing yaman mo sir. Kailangan ko pang mag-trabaho ng mag-trabaho para sa kakailanganin ng pamilya ko."
Habang sinasabi ko iyon ay umunta siya sa bag niya at may kinuha doon, isa iyong envelope na halatang may laman na pera. Inilagay niya ito sa harapan ng mukha ko na senyales naman na binibigay niya sa akin, pero hindi ko iyon kinuha.
"Ayoko. Ibalik mo na ako sa lugar namin at kailangan ko nang magtrabaho. Walang kasama si Mama doon at kailangan pa naming dalawin si Papa." Naiinis na saad ko.
"Your mother knows, I sent my people there to stay with your mother, sa papa mo naman, sinabi ko din sa kanila na padalawin nila ang Mama mo sa Papa mo."
Bwiset!
"Bwisit ka!"
"I know." Nakangisi niyang saad, iniharap niya uli ang envelope sa mukha ko, "Take it kailangan mo right?" walang ekspresiyon na saad niya at ikinuha ang palad ko upang ipatong iyon sa mga kamay ko, agad ko din naman itong iwinaksi at inilapag sa gilid ng kama ko.
"Oo, pera, pero hindi galing sa'yo. Ayokong magkautang na loob sa'yo sir at hindi ko kailangan iyan, ayokong pera na galing sa ibang tao sir. Sana naintindihan mo ako. Gusto ko na pinaghihirapan ko iyon dahil iyon ang biling ni Mama, 'wag kong hahayaan na magkaroon ako ng utang na loob sa iba."
"This is not 'utang na loob' Danielle, that's the help i've wanted to give you last month ago, and.. your pay that you did not take when i.... come on and take it." tuloy tuloy na saad niya na para bang wala lang sakaniya ang pinagsasabi niya, binigyan ko siya ng ekspresiyon na nakakadiri.
Putanginamo Zeke!
"Bakit sumobra 'to?" Nagtataka kong tanong sa kaniya nang mabilang ko ang ibinigay niya, hindi siya sumagot at nagkibit balikat lang.
"Tangin- tang juice." Bulong ko at itinabi na lang ang envelope niya na binigay sa akin, pagkatapos non ay humiga na ako sa kama para magpahinga.
Mga ilang oras din ata kaming nasa labas kanina at ngayon ay mahigit 10:00 o'clock na ng gabi at gising pa kaming dalawa, hindi ko alam kung makakatulog pa ako ngayon dahil naka-tulog naman na ako kaninang hapon, ewan ko lang si Zeke dahil naka-harap lang naman ito sa laptop at cellphone niya.
"Are you not sleeping yet?" biglaang tanong nito sa kagitnaan ng katahimikan ng room namin, hindi ko siya tiningnan at umiling na lang upang maging sagot sa kaniya, wala siyang kwentang kausap kaya pipiliin ko na lang tumahimik kesa makipag-usap sa kaniya na wala naman 'atang kwenta ang lahat ng sinasabi.
"Why are you not looking at me? are you tired? do you want coffee?" sunod sunod na tanong niya kaya napangiwi ako, ano ba kasi ang nakain nito ngayon at ganito katanong sa akin? parang wala na akong kilalang Zeke dati dahil sa ginagawa niya na'to.
"Tinatamad ako tumingin sa'yo, oo pagod ako, ayoko ng kape. Lalo akong hindi makakatulog." tuloy tuloy na saad ko at tinakpan ng kumot ang buong katawan at mukha ko, "Ikaw ba? hindi ka pa ba matutulog?"
"Not yet, i'm still re-scheduling my meetings, mahigit dalawang linggo tayo dito kaya madami akong mamimissed na meetings, but i'm glad they're busy too so they're also free at my free days."
Alam kong nakatingin pa din siya sa laptop niya habang sinasabi ang mga iyon dahil kilala ko na siya. Kumunot ang noo ko nang madinig ko ang una niyang sinabi.
"Diba dapat secretary mo ang gumagawa n'yan?"
Itinanggal ko ang kumot sa mukha ko at tumingin sa kaniya. Sakto din naman itong tumungin sa gawi ko, mga higit ilang segundo pa 'ata kami nagkatitigan nang ako na ang umiwas sa titigan namin, napahinga na lang ako ng malalim.
"My secretary is not her duty right now, binigyan ko siya ng isang linggo na break." pag-k'kwento niya pa kaya napairap na lang ako, samantala noong sekretarya niya ako ay hindi niya man lang naisipan na gawin sa akin 'yon!
"You're frowning your eyebrows again."
Nginitian ko ito para hindi na siya magtanong pa, naiinis lang ako kasi noong nag sekretarya ako sa kaniya hindi niya man lang ako pinag-break ng ganoon katagal! halos isa o dalawang araw lang ang break ko, minsan ay kinukuha niya pa kasi nang-iinit nanaman siy-
Anong nang-iinit, Danielle, ha?!
"Hm.. Sir, kung dalawang linggo tayo dito, paano na ang trabaho ko? kailangan ko talaga umuwi, please lang."
"Like i have said to you earlier, gusto kong makasama ka." agad uminit ang harapan ng ilong ko, nanggagago lang ata 'to?!
"Huwag mo nga akong niloloko! kilala ko ugali mo, ayaw mo sa mga lalaki, at lalong lalo na sa mga tulad ko. Ginagamit mo lang naman ang mga lalaki para sa init ng katawan mo, tsk tsk!"
Kumunot ang noo nito at tiningnan ako ng kuryosong tingin, "What? kailan ko sinabi 'yan? i didn't even told you i'm straight. You're not even sure." inirapan ako nito at umupo sa kama na katabi lang din ng kama na inuupuan ko.
"Otherwise, I don't use men for that, I won't let anyone hurt just because of me. I don't even know if I've hurt anyone." Lumapit ito sa akin, "Why? have i ever hurt you?"
Yung pananalita mo sa akin noong sekretarya mo pa ako? oo, nasasaktan mo ako no'n. Yung hindi mo sa akin pag-pansin tuwing nand'yan ako sa paligid mo, nasaktan mo din ako no'n. Tao ka pa ba? Manhid mo!
"Kahit anong sabihin mo, iyon ang tingin ko sa'yo, Sir... kulang na nga lang mamatay na ako sa mga sinasabi mo sa'kin e'. Hindi mo inaalala ang nararamdaman ng mga taong 'asa paligid mo lang ni kahit isang linggo mo akong pagalit-pagalitan ay wala lang naman sa'yo 'yon. Tinanggal mo pa ako sa trabaho nang wala naman akong maisip na dahilan, now tell me, wala ka pa bang nasasaktan na tao?"
Inirapan ko siya nang sabihin ko ang lahat nang iyon, nakatingin lang ito sa akin at ako naman ay humiga lang sa kama.
Hindi ko na inalala pa ang trabaho at sila Mama at Papa dahil kahit papaano ay nagpapasalamat din naman ako sa taong kasama ko ngayon dahil naisipan niyang bantayan si Mama at Papa. Kahit doon lang ay naging matino naman siyang lalaki. Mabuti na lang.
"Matulog ka na, may pupuntahan tayo bukas." Iyon ang huling nadinig ko mula sa kaniya bago ko ipinikit ang mga mata ko, hinihiling na sana ay maging masaya naman ako bukas. Kahit bukas lang.
-
12:00 AM na pero gising pa din ako! hindi ako makatulog kaya naisipan kong mag ud na lang dito HAHAHAAHHAHA! sana 'di kayo mabored sa chap. na'to dahil ako hindi ko din maintindihan kung san na'to patungo 😭😭 'yon lang, bye. Goodnight.
BINABASA MO ANG
It All Started With You || [BOYXBOY]
Fanfiction[MPREG] [BXB] Danielle is s secretary of Zeke; but one day Zeke fired Danielle without even told Danielle the real reasons. Pero ang hindi lang alam ni Danielle ay ang pagbibigay ni Zeke ng iba't ibang motibo sa kaniya.