"Are you okay? Kanina ka pa tahimik d'yan?"
Napatingin ako bigla kay Sammy na kinalabit ako. Nasa klase ako ngayon at puno pa rin ang utak ko dahil sa sinabi ni Oliver noong isang gabi. It bugged me. Why would I hate him if he leaves again? Kung magpapaalam naman siya ng ayos, I won't get mad. But if he leaves without any goodbyes, of course I would be so mad at him again.
"Ha? Wala." Umiling ako. "May iniisip lang ako."
"Hindi mo yata kasama boyfriend mo?" paghahanap niya kay Oliver. "LQ?"
Natawa ako ng mahina. "Hindi kami LQ. At hindi ko pa boyfriend 'yon, 'no? Nasa ligawan stage pa lang kami. Masyado kang advance, Sammy."
"Ligawan pero may pa-hug sa hallway? Sige nalang, Naya." She shrugged her shoulders and continued what she was doing earlier.
After ng klase ko ay sinamahan ko naman mag-lunch si Clara. Hindi ko kasi kasama ngayon si Oliver dahil may emergency daw sa kanila. Naglalakad ako papunta sa canteen nang biglang may guard na lumapit sa akin.
"Maam Xanaya nga po, 'di ba?" he asked me.
I nodded. "Good morning po. Ah, yes po. Bakit po?"
Kinuha niya 'yong bouquet ng paper flowers na nasa bench. Binigay niya iyon sa akin kasunod ng isang maliit na letter. "Pinapabigay daw po nung kasama niyo dito noong isang araw."
My lips automatically formed a smile. "Sige po, Kuya. Thank you po."
Dala-dala ko 'yong bouquet hanggang canteen. Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero hindi ko na sila pinakialman pa. Nang mahanap ko si Clara ay agad naman niya ako binigyan ng sarkastikong masamang tingin.
"Okay po," she gave me a fake smile and moved her bag so I could sit beside her. "Hindi mo yata kasama bebe mo?"
"May emergency daw, eh," sagot ko. "Pero look, he gave me a bouquet of paper flowers! Noong isang araw niya pa ata inaaral kung paano gawin 'to." I showed Clara the boquet Oliver made for me.
Inopen ko 'yong letter at binasa iyon.
Hai, my idol!
Sorry di me makakasama sayo ngayon :( May emergency po kasi huhuhu :( Pero here muna pang-bawi ko heheheh i love you pooo
-honeybunchsugarplum mo
Agad naman ako napangiti nang mabasa iyon. I took my phone and took a selfie with the paper flowers. Sinend ko iyon kay Oliver.
To: Oliver my idol ^^
Thank you sa flowers, my honeybunchsugarplum !!
Pagkasend ko n'on ay kumain na ako. Nagkwentuhan pa kami ni Clara dahil may oras pa naman bago magstart ang sunod na klase.
YOU ARE READING
Going Back To Yesterday
RomansaEver since she was a kid, Xanaya Eloise always dremt of being a writer. Then one day, a big opportunity came in her way. She was asked to write a story about love. She didn't know what to write about it not until she thought of writing about her own...