Chapter 004.

5 3 0
                                    


Para akong naestatwa hindi ako makagalaw, pakiramdam ko ay binuhusan ako ng tubig na binabaran ng mahigit isang libong yelo

“TANGINANG BUHAY TO! BAKIT SYA PA AHHHHHHH” gusto kong mawala ang sakit kaya paulit ulit akong sumigaw dahil baka sa paraan na ito mabawasan ang sakit na nararamdaman ko, walang humpay akong sumigaw ng sumigaw habang patuloy ang pagbagsak ng mga taksil kong luha

Sol!

Yung pahinga ko!

Nanlalamig ang mga kamay kong inabot ang litrato namin ni Sol na nakalagay sa gilid ng study table ko

Anong nangyare sayo Sol?

Tangina!

“ARGHHHHHHHHHHHHHHHHH” malakas na sigaw ko bago ihagis ang lahat ng bagay na nahahagip ng mga kamay ko, hindi ko na marinig ang boses ko at paniguradong pagtahan ko ay mapapaos ako pero wala akong pake nasasaktan ako para sa kapatid ko

Ang sakit sakit

Kasalanan ko to, kung sana hindi ko sya iniwan baka hindi sakanya nangyare to

Ako ang may kasalanan, I'm sorry Sol

“Señorita buksan nyo na po ang pinto kakain na po, Señorita!”

“AYOKO KUMAIN HINDI KO KAILANGAN YAN, JUST FUCKING LEAVE ME ALONE”

“Señorita hindi ka pwedeng magpalipas ng pagkain!”

“HINDI AKO MAMAMATAY SA GUTOM KAYA PWEDE BA UMALIS KANA!” alam kong masama at bastos ang dating ng mga sinasabi ko kay nanay Rita pero hindi ko alam kong pano kokontrolin ang halo halong emosyong nararamdaman ko

Ayoko ng kausap, ayokong marinig sila,. Ayoko

Ipinagpasalamat ko ng mapagtantong tumahimik na si Nanay at tumigil na sa pagkatok sa pinto ng study room ko, mukhang napagod na kakatawag sakin

“Luna! Open the door for me please!” mahinahon ngunit may diing sabi ng kung sino sa labas ng kwartong kinaroroonan ko

Dumating sya?

Mabilis ang naging kilos ko at agad na tumakbo sa pinto para salubongin sya

Nang tuluyan ko ng mabuksan ang kabuuan ng pintoan ay ang balisa at nagaalalang mukha nya agad ang bumungad sa akin

Gustong gusto ko ng ihampas sa pader ang ulo ko matapos bigla nalang magsibagsakan ang mga luha ko pagkakita ko sa kanya, sabi ko hindi ako iiyak sa harap nya,. Ano na Luna

“Hey”

“C—Clint”

Kitang kita ko ang pagkataranta sa mukha nya ng makita akong lalong umiyak pero agad din iyong napalitan ng inis at pagkaasar

“Pinaiyak ka nanaman nya”

C..Clint

Hindi ko alam kong paanong nakaupo na ako sa sofa basta natagpuan ko nalang ang sarili kong umiiyak habang mahigpit na nakayakap sa bewang ni Clint

“Everything will gonna be okay Luns, you'll be fine, Huss now,. I'm always here for you” that statement makes me cry more, lagi syang nasa tabi ko when I needed someone to hold on

Sya lang ang bukod tanging taong hinayaan kong makita akong ganito kahina, sya ang laging nagpapahid ng luha at nagpapatahan sa akin, sya ang naging sandalan ko sa magulong mundong to matapos akong mahiwalay sa kakambal ko at sobrang ipinagpapasalamat ko yun sa kanya, sya lang ang nagiisang lalaking pinagkatiwalaan ko ng buong buhay ko!

Clint Andrew Jutamares my one and only guy best friend and my protective body guard kuno





Concurrence - Contract Between Me And My FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon