Naglalakad ako sa hallway ng National High School nang makita ko na tinitignan ako ng mga student dito.
Naka Civilian Outfit pa ako ngayon dahil kaka-enrol ko pa lang dito.Nakahawak ako sa white backpack ko ng pumasok ako sa classroom. Kumatok muna ako bago pumasok doon tsaka binuksan ko. Bumungad kaagad sa akin ang teacher at ang mga student, nakita ko na papalapit na sa akin ang magiging adviser ko."Ma'am, excuse ko lang po, may new student po tayo."saad ng magiging adviser ko.
Maputi, makisig, at gwapo ang bago kong guro. Tumango ang teacher na nasa harapan."Iha, you may come in and introduced yourself to the class."sabi sa akin ng teacher, Maputi, nakasalamin, medyo may katandaan na, at satingin ko ay Math teacher siya dahil sa mga nakasulat sa board.
"H-hi, My name is Aries Gonzales, I am 16 years old, I'm from Nueva Ecija."sabi ko ng dahan-dahan sa teacher at sa mga magiging kaklase ko. Napukaw ng aking pansin ang lalaking malapit sa bintana, halos makuha na siya ng liwanag. Nakatitig lang ang lalaki sa bintana at nakahawak sa baba nito. Maputi, Makisig, Gwapo, matangos ang ilong, mapupulang mga labi, at magagandang mga mata.
Narinig kong sinabi na ng adviser kung saan ako uupo."Doon ka na lang umupo sa tapat ni Mr. Enriquez."saad ng adviser sa akin. Ang Mr. Enriquez na tinutukoy niya ay ang lalaking kanina ko lang tinitingnan.
Ang mga upuan ay hinati sa Limang Row, kada row ay may dalawang upuan na magkatabi, duon ako napunta sa pinakadulo kung nasaan ang bintana.
Recess time na ngayon, 2:30PM. Marami na akong naging kaibigan sa room, tulad ni Zyre Marquez, Chloe Bautista at Claire Fernandez. Pumunta kami sa Canteen at sabay nagrecess. Nakita ko ulit ang lalaki sa bintana, may kasama siyang dalawang lalaki may dala dala silang tray kung saan nakalagay ang kanilang foods.
Kumakain ako ng sandwich, Salad at umiinom ako ng Juice. Ako lang ang naka Civilian Suit dito. Nang matapos kami sa pagkain namin ay nagyaya ang isa kong kaibigan na si Zyre na pumunta ng library. Tumingin muna ako sa relo ko at nakita ko na 2:50PM na, sinabi sa akin ni Chloe ang tapos ng recess namin."Mamayang 3:00PM pa naman yung tapos ng recess, punta muna tayo sa library."sabi niya sa akin. Tumango nalang ako at sumunod sa kanilang paglakad papunta sa library.
Habang naglalakad kami papunta sa library ay may nakasalubong kaming dalawang babae na may dalang bulaklak, narinig ko ang bulungan nila."Ibibigay ko ito kay Mateo."saad ng isang babae."Sa akin ay kay Jake"saad naman ng pangalawang babae. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating na kaming mag kakaibigan sa library.
"Aries, kuha muna ako ng isang libro doon banda."pagpapaalam sa akin ni Zyre tsaka pumunta kung nasaan ang kukuhain niyang libro, Kumuha rin si Chloe at Claire ng mga libro. Napatingin ako sa kabilang shelf malapit sa kukuhaan ni Zyre. Dahan dahan akong lumapit doon, pagkalapit ko roon ay nakita ko ang isang notebook na may nakaipit na blue bookmark.
Na-curious ako kaya binuksan ko ang notebook kung saan naroon ang bookmark. Binuksan ko iyon at laking gulat ko ng makita ang Silver Bracelet na nakalagay ang aking pangalan doon sa pinaka disenyo nito. Napatingin ako sa aking arm kung nasaan ang Silver Bracelet ko kamukhang kamukha nito ang nasa loob ng notebook, iba lang ang nakalagay sa mismong disenyo nito. Ang nakalagay sa Silver Bracelet ko ay letter M at nabura na ang iba pang letrang nakalagay dito.
Ang naaalala ko ay meron akong matalik na kaibigan noon, isa siyang lalaki na nakalimutan ko na ang pangalan dahil 6 years old pa lang ako, nagsisimula ang kanyang pangalan sa letter M.
Narinig ko na nag ring na ang bell ibig sabihin ay tapos na ang break time. Nakita ko si Claire, Chloe, at Zyre na nagmamadali, tumakbo ako papalapit sa kanila at biglang hinawakan ni Zyre ang aking kamay at hinila ako papalabas ng library. Naramdaman ko na may humawak sa kabilang arm ko kaya nahulog ang Silver Bracelet ko, hindi ko na ito nabalikan dahil sa paghila ni Zyre sa akin papunta sa room.
Napalingon ako sa nahulugan ng bracelet, nakita ko na may isang lalaking pumulot non, hindi ko maaninag ang mukha niya dahil malayo na kami doon.
ESP subject na, kanina pa akong napapatingin sa notebook na nakita ko, iniisip ko na baka nandito din nag-aaral ang dati kong matalik na kaibigan. "Yes? Mr. Enriquez?"saad ni Sir Falton.
"Sir, hindi po ako magtatanong about sa lesson natin, ask ko lang sir kung saan po pwede akong lumapit dahil po nawawala yung mahalagang gamit ko po?"tanong ni Mr. Enriquez.
Dahil sa sinabi niya ay lumabas ang pagiging overthinker ko, siya kaya ang dati kong matalik na kaibigan? "Pwede naman sa mga teachers na katulad ko, pero tutulungan kita sa paghahanap ng gamit mo. Maaari kanang umupo."saad ni Sir Falton kay Enriquez. Nakita kong tumango si Enriquez kay Sir tsaka umupo ng dahan-dahan.
Saktong nag-ring na ang bell, lumabas na ako ng room para pumila, marami-rami rin ang mga student dito tulad ng school ko noon.
4:00PM na nang makauwi ako galing school."Kumusta ang school, Anak?"tanong ni Mama sa akin habang naghihiwa ng sibuyas para sa lulutuin niyang ulam."Masaya naman po kahit papaano, marami-rami rin po ang gustong makipag-kaibigan sa akin."sabi ko kay mama na may halong ngiti, Tumango si Mama sa sinabi ko.
Agad akong pumunta sa kuwarto ko para magbihis ng pambahay na damit. Inayos ko rin at sinagutan ang mga assignments na ipinapagawa sa akin. Nakita kong muli ang notebook ng kaibigan ko noon, kinuha ko ito at muling tiningnan ang Silver Bracelet na nakaipit sa notebook. Napansin ko na hindi ko pa nababasa ang mga nakasulat sa notebook na iyon, kaya agad kong binubuklat ang mga pahina hanggang sa makita ko na may sulat na ang isang pahina ng notebook.
Habang binabasa ko ang pinaka-una na bahagi, ay masasabi kong isa itong liham.
Dear Aries,
Patawarin mo ako kung nawala ako sa tabi mo, patawad sa biglaang paglisan ko, sana makaya mo ang mga problemang kinahaharap mo ngayon ng wala ako sa tabi mo. Hinding hindi ko malilimutan ang ating pagiging matalik na kaibigan. Kung sakaling mabasa mo itong liham na ito, hanapin mo na lang ako sa Cadford National High School, doon ako magka-collage. Muli Patawarin mo ako.
Ang iyong matalik na kaibigan
Mateo
BINABASA MO ANG
Silent Lost
RomanceThis story is fictional, all characters are made of author's imagination. Hope you will enjoy this story about Mateo and Aries. Salamat!