Chapter 52

959 20 1
                                    

"Your friends are so talkative." Naiiling na sabi ni Sam habang nagmamaneho ng sasakyan. Pauwi na kami ngayon sa hotel dahil may aasikasuhin pa raw'ng pasyente and doktor naming kaibigan.

"You should be used to it from now on. Kapag may mga tanong sila kailangan mo talaga silang sagutin dahil hindi ka rin naman nila titigilan."

"Yeah, yeah I've witnessed it earlier. Pero masaya silang kasama huh. You're lucky to have them." Nangingiting lumingon siya sa akin.

"Am I?" Wala sa sarili kong sagot.

"Yes. Yes, you are."

I just grinned and looked outside the window.

Of course I'm lucky with them.

Sobrang swerte ko dahil sa kabila ng lahat ng nagawa ko, sa hindi ko pagtiwala sa kanila, sa pagpili kong iwan sila, nandiyan parin sila para sa akin. It's been six long years and yet our friendship is still the same. Na para bang walang nangyari sa amin. Sa tingin ko nga ay mas lalo pang tumatag ang pagkakaibigang mayroon kami.

Masyadong lumilipad ang isip ko kung saan saan nang bigla na lamang tumigil ang sasakyan. Masyadong malakas ang pagprenong nagawa ni Samuel na naging dahilan iyon para maalog ng kaunti ang ulo ko.

Nahilo ako bigla habang nakahawak sa ulo ko.

"W-what was that?" I still managed to ask a question despite our situation.

"May bigla kasing humarang sa daan." Samuel answered me while removing his seatbelt.

Mabilis siyang bumaba ng sasakyan para tingnan ang unahan. Ilang segundo pa bago humupa ang pagkahilo ko, kaya naman ay agad na rin akong sumunod sa pagbaba.

"Who the hell is—" I wasn't able to finish my sentence. Dahan-dahang lumingon ang babae sa akin.

"S-shan?"

Tumigil yata ang mundo ko habang nakatingin sa babaeng ngayon ay nakaupo sa kalsada ngayon. Her eyes looked at me with surprise and guilt. Ang inosente niyang mukha ay nakatingin sa akin. That fucking innocent face which I thought would never hurt me at all.

But hell.

Destiny? Why are you damn playing with me?!

"Shalana..."

"You know her, Shan?" Samuel asked.

"Obviously yes." Malamig kong sagot.

Mabilis na nakatayo si Shalana sa kalsada para lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "S-shan, p-please help me... I need to get out of this place... Please, tulungan mo akong makalayo rito, please..."

Her cold hands gripped mine. Kaya naman ay napatingin ako roon at napangiti ng mapait. "And why would I do that?"

Natigilan siya, pero saglit lang iyon dahil muli na naman niyang binanggit ng paulit-ulit iyong salitang 'please'.

Sa unang pagkakataon, I was able to look at her face intently, at bigla na lamang akong napasinghap nang makitang may sugat siya sa gilid ng kaniyang tainga.

"What the hell happened to you?" Hindi ko alam kung bakit naging tunog nag-aalala iyong pagbanggit ko sa mga salitang iyon.

"S-someone's trying to hurt me...may humahabol sa akin kaya please, tulungan mo akong makatakas..."

Wala akong nagawa.

Marami pa siyang atraso sa aking kailangan niyang pagbayaran. At kapag pinabayaan ko siya rito, baka mamatay siya at hindi na niya mababayaran iyon.

That's way too unfair for me.

Dapat magbayad ang mga taong nanakit sa akin, triple times.

"Pumasok ka. Sam, let's go."

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now