[Ngiting-ngiti ka, ah? Anong meron?]
Pinigilan ko ang sarili ko na ngumiti nang maalala ko na kausap ko nga pala si Kuya. Sabado ngayon at wala na naman si Oliver dahil may important daw silang gagawin ng mom niya. Family time siya kaya tinawagan ko si Kuya para family time rin.
"Wala lang, masama bang ngumiti?" tanong ko.
Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Kuya. [Alam kong iba na ibig sabihin ng ngiting 'yan, Naya. May dapat ba akong malaman?]
Kinabahan ako bigla. I was double-thinking if sasabihin ko na 'yong sa amin ni Oliver or huwag muna. Alam kong hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ni Kuya kay Oliver. But at least give him a chance? Nakaya kong bigyan pa siya ng isang pagkakataon dahil alam kong valid ang reasons niya kaya siguro, makakaya rin ni Kuya na patawarin si Oliver.
"Uhm, ano..." I looked away, still thinking. "Actually--"
Napatigil ako nang biglang may kumatok. Tumayo ako para tingnan kung sino ang nasa pinto at agad akong nagpanic nang makitang si Oliver 'yon. Hindi ba umalis siya?! Anong ginagawa niya dito?! Shuta, malalagot ako kay Kuya neto!
I opened the door and Oliver was about to hug me when I stopped him. "Shh," I gestured for him to keep silent. Bumalik ako para kuhanin ang phone ko. "Ah, Kuya... Lobat na po ako. Sa isang araw na lang po! Bye!"
At inend ko na ang call. Lumapit na ako kay Oliver at hinayaan na siyang yakapin ako. We were hugging for minutes when I broke our hug when I spoke.
"Hindi ba kasama mo mom mo?" tanong ko.
"Tapos na po. Sinamahan lang ako ni Mom-- Ay baliktad. Sinamahan ko si Mom na magpacheck-up." Sagot niya.
I got worried. "Kamusta mom mo?"
"She's doing fine. You know what, she wanted to meet you. Pero ang sabi ko, I should ask you first if gusto mo ba makilala Mom ko. So, do you want to meet my Mom?" He asked.
Shet! Meet the mother stage na ako?! Teka, hindi ko pa nga siya sinasagot!
"Oo naman," I nodded. Even though I felt nervous, I just agreed. "Kailan ba?" tanong ko.
"Now,"
Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?! Ngayon?! As in, now na?!" I panicked.
He laughed at my reaction. "If you want. Babalik na kasi sina Mom sa US sa isang araw. And exams mo na next week kaya I'm sure you would get busy."
"Teka lang. I'll just get dressed!" Nagtatakbo ako sa kwarto ko para maghanap ng damit. Nahalungkat ko na ata ang damitan ko pero wala akong mahanap na damit. "Pota!" Napamura nalang ako.
"Are you okay there, Xanaya?" I heard Oliver asking me from the outside.
YOU ARE READING
Going Back To Yesterday
RomanceEver since she was a kid, Xanaya Eloise always dremt of being a writer. Then one day, a big opportunity came in her way. She was asked to write a story about love. She didn't know what to write about it not until she thought of writing about her own...