*Chapter Nineteen

5 0 0
                                    

Chapter Nineteen


Lumipat muna si Jeff sa room nila nang magsabi ako na gusto ko ng magpalit ng damit at magbihis. Mag-aayos na din daw siya.

"Matutulog ka na ba?" Tinawagan ako ni Jeff kahit nasa kabilang room lang siya. Ayaw niya daw kasing pumunta dito sa room dahil baka pag-isipan daw kami ng masama.

"I can't sleep."

"You want me to join you?"

"Akala ko ba, ayaw mo?"

"Wala naman tayong ibang gagawin."

"Hmm, sige. Bubuksan ko lang yung ilaw."

Saktong pagbukas ko ng ilaw ay kumatok siya. May dala siyang jacket dahil daw baka nilalamig ako.

"Mag-netflix marathon na lang tayo."

"KDrama?"

"Nope... Action movies..."

"Ayaw!"

"How about... Thriller? Horror?"

"No way!"

"Yes way!"

Tumawa siya at tumabi sa akin sa couch.

"Malapit na din ang 18th birthday mo. You should be planning by now."

"I don't have plans."

"Minsan lang yun."

"Simple lang naman ang gusto ko, ayoko ng masyadong engrande."

"Meaning?"

"Private lang. Kahit mag-beach lang then bonfire."

"Hindi naman summer yung birthday mo eh." Natatawang sabi niya sa akin.

"Eh, wala. Yun ang trip ko eh."

"Isu-surprise din ba kita?"

"No need." Tipid akong ngumiti at humilig sa kanya. Hinawakan niya naman ang kamay ko.

"You did scare me. Mas nakakatakot pa yun sa lahat ng horror movies na pinanood ko."

Alam ko kung ano yung tinutukoy niya.

"Grabe ka magselos!" Natatawang sabi niya.

"Hindi ako nagselos. Nainis lang talaga ako kay Raine."

"Pero nagalit ka sa akin. You're that mad para hindi makinig sa pakiusap ko."

"Eh kasi nga, sinaktan mo ako. It felt like parang dine-defend mo pa yung ginawa ni Raine. Mali ba na maging protective ako sa mga taong mahal ko?"

"That's not being protective."

"Kahit na!" Mataray kong sagot. Lumayo ako sa kanya pero lumapit pa rin siya at umakbay sa akin.

"She doesn't know na girlfriend na kita. That's why I said na uunti-untiin ko ang pag-amin sa kanya."

"Because of her excuse? Na depressed siya?"

"Uminom sya ng sleeping pills the night after my birthday."

Natigilan ako.

"Hindi ko naisip na gagawin niya yun. She's a strong woman. That would be her last choice."

Napatingin ako sa kanya.

"She's okay now. Nasa US na siya. Doon na siya mag-aaral."

"I didn't know."

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon