JK**
Nakita ko si Crystal na nagfofloating. Gosh! Ang sexy nya. Ang hot pa. Ano daw?! Erase. Erase. Para mainis sya, tumalon ako sa pool na dahilan para mapaahon sya.
"Oy babae, bumalik ka dito." Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun pero yun nga. Gusto ko lang sya kasama.
"I don't want to." Sagot nya. Seryoso sya ha.
"Tch. Isa!" Bilang ko.
Aba. Inirapan lang ako. Nahiga sya sa mahabang upuan don, nagshades nagsoundtrip habang nakain. Aba. Ayaw nya talaga ha. Umahon din ako.
Tumabi ako sa isang upuan. Tumayo naman sya at nagswimming ulit. Eh baliw pala talaga tong babaeng to eh. Sinundan ko sya sa pool.
"Are you following me?" Tanong nya. Nako, nalabas na naman ang pagkataray.
"Hoy babae. Pool ko to no. Akin to." Sabi ko. Nakikipagtigasan ka pa ha.
"K." Tapos lumangoy sya pabalik sa hagdan at umalis ng pool. Ngayon ko lang nakita yung katawan nya yung nakatayo. Ang hot. hala. Wala. Wala akong sinabi. Mali. Mali.
Parang aahon na to ah. Ano bang ginawa ko? Parang nakakaguilty. Hays. Bakit naman ako magiguilty? Tch.
Jamie**
Bwiset. Leshe. Saan kaya ako pede pumunta na wala sya. Nakakainis na eh.
"Babae, bumalik ka dito. Wag mokong inisin." Aba. Sya pa galit ha. Manigas ka dyan.
Hindi ko na sya pinansin at nagbathrobe na ako at umakyat sa kwarto ko. Maliligo nako. Wala nakong gana magswimming.
**
Lalabas nako ng kwarto. Ano ba?! Ang sama talaga ng panahon. Pano ba naman kasabay ko sya lumabas ng kwarto. Dumiretso na lang ako at bumaba ng hagdan. Lunch na pala."Mam, Ser, kain na po kayo." Sabi ni yaya. Wala akong gana.
"Ate, hindi po ako kakain. Nabusog na din naman po ako kanina pa wala po akong gana." Sabi ko sa katulong at sure ako na rinig ni JK yun kase medyo malakas ko yung sinabi.
"Crystal." Tawag ako ni JK. Hala seryoso. Bat ba ko kinakabahan? Ano ba yan. Inhale. Exhale.
"Why?" Sabi ko.
"Kumain ka. Please?" Aba. Nagplease ang loko. Bakit kaya?
"Bakit gusto mokong kumain?" Tanong ko. Eh bakit ba. Curious ako eh.
"Eh kase sakin ka hinabilin ni Tito. Baka mamayat ka." Sabi nya. Ayun naman pala. Kala ko pa naman concern talaga sya.
"Wala naman si Daddy dito. Hindi mo na ko kailangang alagaan pa. Simula ngayon, kalimutan mo na yung sinabi sayo ni Daddy." Sabi ko sabay punta sa salas at upo sa sofa.
Daddy calling...
Hala. Tumatawag si Daddy. Bat kaya?
"Hi dad." Bati ko.
"Hi baby. Hindi ka daw nakain sabi ni JK?"
"Daddy... uhmmm... kase... ano.."
"Haha. Baby sige na kumain ka na."
"Daddy naman kas-"
"Please?"
"Fine."
"Good girl. Sige na. Hung up na ko. Bye."
"Bye."
Tapos binaba ko na.
"Ano, kain na tayo?" Sabi ni JK. Aba.nagsumbong pa kay Daddy. Hmp!
BINABASA MO ANG
Unexpected LOVE (A Juan Karlos Labajo Fanfiction)
FanficARRANGED MARRIAGE. Kaya mo bang magmahal ng lalaking hindi mo naman kilala? Pano kung basta ka na lang mahulog dito? Papayag ka ba? basahin ng malaman.