Strella's POV
Hello, ako si Strella Morne. Kasama ko si Chad dito sa sinehan. Si Chad Tanglen ang boyfriend ko. Nanononood kami ng " A Moment In Time " request ko to e. Lahat ng gusto ko sinusunod niya. Malapit na kasi... Ah wala wala.
Patapos na yung movie.
" Chad, tara na. Gusto ko pumunta sa tambayan natin. " Tumango naman siya at tinulak na yung wheelchair ko palabas ng mall. Nagtataka kayo kung ba't ako naka-wheelchair? Meron akong lung cancer. Nanghihina na kasi yung katawan ko.
Malapit lang yung tambayan namin dito kaya naman nilakad nalang namin. Nilakad lang pala niya. Naka-wheelchair ako diba? Pano ko maglalakad? XD HAHAHAHA.
"Andito na tayo. " Ngumiti naman sakin si Chad.
"Tulungan mo naman ako baby. Higa tayo sa damo. " Sabi ko. Isa itong bakanteng lote. Kahit bakanteng lote lang to, maganda. Mapayapa dito. May isang malaking puno, puro damo at maraming paru-paro. Tago kasi itong lugar na to. Hindi masyadong nadadaanan ng mga sasakyan, saktong sakto dito kasi kita ang paglubog ng araw.
Inalalayan ako ni Chad at ihiniga niya ako sa kanyang dibdib habang magkayakap kaming dalawa.
Bigla namang nagsalita si Chad... " Baby, wag kang susuko ah? Lumaban ka para sakin." Hinaplos niya lang yung buhok ko.
" Mahal na mahal kita baby. Tandaan mo yan kahit anong mangyari ha? " Yun nalang ang nasabi ko at lalo ko siyang niyakap ng mahigpit. Naiiyak nanaman kasi ako, ayokong makita niya akong umiiyak e.
" Mahal din kita. Ay baby, isang oras nalang sunset na oh. " Masigla niyang sabi. Isang oras nalang sunset na... Isang oras nalang... wala na. Tumingin ako sa mga ulap.
" Baby, wag mo kong iiwan ha? " Sabi niya. His voice broke. Umiiyak na siya... Hindi niya naman alam na isang oras nalang..
Chad's POV
Naiyak nalang ako. Alam ko kasi na isang oras nalang... Wala na. Alam ko namang imposible na hindi niya ako iwan. Tinakpan ko lang yung mata ko gamit ang braso ko.
" Hindi ako aalis baby, lagi lang ako sa tabi mo. " Basang basa na yung dibdib ko sa mga luha niya.
Hindi na kami kumibo na dalawa. Hinalikan ko lang yung noo nya.
" Baby? " sabi niya.
" Hmm? " tanong ko.
" Tutulog muna ako ha? Napagod kasi ako sa date natin. " Tutulog na siya...
" Sure baby. " sabi ko.
" Goodnight Chad, i love you. " Hinigpitan ko yung yakap ko sakanya. I don't want to let her go.
" Goodnight Strella, i love you so much. " She closed her eyes. I kissed her tears away and gave her a peck on the lips.
Lumulubog na yung araw. At sa bawat paglubog, ang mahigpit na yakap ni Strella ay lumuluwag.
" Strella.... " Tinignan ko siya, ang ganda ganda talaga ng girlfriend ko! Ma-picturan nga.
Kinuha ko yung phone ko pero parang may nakapa akong papel, kinuha ko iyon at binasa.
"Dear Chad,
Malamang tinatanong mo kung paano nagkaroon ng letter sa bulsa mo. Pasimple kong nilagay to nung magkayakap tayo. Malamang mababasa mo to pag.... Wala na ako. Sorry kung di ako nakalaban ah? Sorry, hindi ko na kasi kaya yung sakit baby. Pero wag ka mag-alala, i'll stay by your side forever. :') Salamat nga pala sa lahat ng masasayang alaala! May baon tuloy ako papunta dun sa itaas! ;) Salamat kasi lagi kang andyan para sakin, kahit nag-aaway tayo minsan, di mo parin ako pinapabayaan. Iniintindi mo ako. SALAMAT SA LAHAT BABY. Hm, pasensya na nga pala kung medyo smudged at basa yung papel, mga luha ko kasi e, PASAWAY! :| Tandaan mo nga pala lagi na mahal na mahal kita. Hindi yun magbabago. Wag kang magpaka-emo, di bagay sayo! HAHAHA. Joke lang baby. Maghanap ka ng ipapalit sakin! XD Oy, wag ka mananakit ng babae. Dapat stick to one ka! Mumultuhin kita pag nagbulakbol ka! BWAHAHAHA. Anyways, love her the way you loved me. I love you, sorry if i didn't tell you it was my last hour. Bye Chad, I'm going to miss you.
Love,
Strella <3 "
Naiyak nalang ako, niyakap ko si Strella ng mahigpit.
It was Her Last Hour, the most painful hour that i have ever experienced. </3
END! :D
![](https://img.wattpad.com/cover/4527205-288-k306895.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Last Hour ( one shot )
Romance"It was Her Last Hour. The most painful hour that I have ever experienced."