"Hey, are you okay!"
Pakiramdam ako ay doon lang ako nakahinga. Naubo pa ako dahil sa sunod-sunod kong pag higop ng hangin. Para akong sandaling nawalan ng oxygen, namatay, at ni-revive!
"You okay?"
Marahan akong tumango habang hawak ang puso. "Ayos lang..."
"You're pale..."
"Ayos lang, salamat. Si Claui nakita mo?" pag-iiba ko ng usapan. "Ah, there... Excuse me." Umalis ako bago pa man siya nakasagot.
"Anong nangyari?" tanong ko nang naabutan si Clau na papasok sa building namin.
"Anong 'anong nangyari'? Ikaw, Ysa! Anong nangyari sa inyo? Kanina pa kayo nasa likuran at nagbubulungan."
Kumunot ang noo ko. "What?"
"What-what ka riyan. Ano ba kasing nagustuhan mo riyan sa body guard ni Pepito?"
"Bunganga mo, Claudia! Saka hindi ko nga siya gusto!"
"Sa akin ka pa talaga mag iinarte, ha, Teresa na walang letter H? Memoryado ko kahit kulay ng apdo hanggang balunbaunan mo, no!"
"Hindi nga!"
"Sus," Tinulak niya ako. "eh, bakit tingin ka nang tingin sa kanya?"
"Eh, nakatingin siya sakin! Syempre, I would feel it kaya tinitingnan ko kung sino ang nakatingin!"
"Kaya nga nakita mong nakatingin sa iyo kasi tinitingnan mo, duh? At saka nafe-feel mong nakatingin siya, 'ha? Uy, may connection," she insisted. Parang siraulo.
Marcus... Just Marcus, hindi ko alam kung ano ang last name. Ang sabi naman ni Pat ay confidential daw ang information ng mga tauhan nila.
Hindi naman dahil sa attracted ako sa bodyguard niya, more of... parang na curious lang ako. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko sa mga mata niya. Ewan ko, para akong nahihipnotismo, parang dinadala ako sa kung saan. Parang napaka-pamilyar ng lalim ng titig niya pero at the same time, nakakatakot din sisirin.
Katulad kanina, nakasabay ko lang siya papasok ng school tapos literal na nag slowmo ang lahat. Para siyang may pini-play na scene sa utak ko habang nakatitig ako sa mga mata niya.
I shrugged. Ang lala ng imagination ko lately. Baka ako lang talaga ang nagbibigay ng malalim na meaning sa paraan ng titig niya tas kino-connect sa sirang wirings ng imagination ko.
Nilingon ko ulit siya at nahuling nakatitig ulit sa akin! The heck? Ganoon ba siya sa lahat ng nakakasalamuha ni Pat?
Wala akong gusto sa kanya! Hindi ganoon iyon. There is just something about that Marcus that I wanted to know. Pero hindi ko naman alam kung paano dahil ayaw ko namang mapalapit sa kanya. Ang weird kaya kapag ganoon.
"Hey, Gab! Where's Faith?"
Narinig ko kaya napalingon ako.
"Don't know, Pat. Bigla nalang may taong hinanap kanina at patakbo pang lumabas ng bahay."
"That's new."
Nakita ko ang pag-irap ni Gabby kay Pat.
"I mean, c'mon. She's at the right age to get a boyfriend, right?" Pat added.
Isang beses pang umirap ang pinsan ko. "You're really not thinking!" And she walk out.
Natawa ako.
"Kamamatay lang ng Lola Kristel niya, Pepito. Ang weird naman kung uunahin ni Faith na mag boyfriend kaysa magluksa, diba?" si Clau.
"Yeah? But what's wrong with it? If Faith is looking for some sort of guy, then what? I don't see any problem, bakit ang init ng ulo ni Gabby sa sinabi ko?"