Chapter 30

5 0 0
                                    

Teases

Shone Pachero: 
Hanggang anong oras class mo?

Sinilip ko ang schedule kong hindi ko pa nakakabisado. Ilang beses na iyong nababago at napapagod na ako kakaprint ng mga iyon kaya sinukuan ko ng kabisaduhin. Maisasaulo ko naman iyon pag nagtagal na.

Aera Eloise Villaroman:
Until three pa. Ikaw?

Tanging ang araw ng Miyerkules lang ang maluwag sa akin. The rest ay puno ng schedule. Ang iba naman ay bungi bungi. I dislike having bungi bunging schedule. Kung sunod sunod lang sana iyong klase ko ay hindi na masasayang ang mga nasa pagitang oras pero sino nga ba naman ako para magreklamo?

Shone Pachero: 
I have mine until four. Uwi ka muna? Then I’ll go to you when my class finished. 

Pinagmasdan ko ang pangalan at profile picture niya sa cellphone ko. Imagine, sobrang tagal na naming nag-uusap sa messenger pero full name pa rin namin ang nasa contacts ng isa't isa.

Aera Eloise Villaroman
Wala ka bang ibang gagawin? We can see each other the next day na lang. 
I’ll go home after my class ended. 

You set the nickname for Shone Pachero to Sho.

Sho:
Wala akong gagawing iba. I’ll see you later. 
Ingat ka pauwi ha.

Sho set your nickname to Aer mahangin.

Natatawa kong binasa ulit ang nickname na nilagay niya sa akin. Hindi ba dapat, it;s the other way around? Ako pa ang mahangin e siya 'yung mahilig magbuhat ng bangko.

Nang ibinack ko ang cellphone ay nakita ko ang GC naming magkakaibigan. Madalang na lang kami magkita. Hindi nagtutugma ang schedule namin at kung may libre kaming mga oras ay nagsasabay sabay na lang kami ng kain. 

Nagdiretso na ako sa bahay nang magdismiss ang professor namin sa last subject. Wala naman kaming libot na magkakaibigan at wala na rin naman akong dapat na gawin pa sa loob ng campus kaya para hindi ako mainip ay umuwi na lang ako. Wala si Mama nang dumating ako. Si Papa ay paniguradong nasa trabaho pa. 

Umakyat ako sa aking kwarto para magpalit na ng damit. 

I checked our kitchen for food, maghahanda na ako hanggang wala pa si Shone. May thirty minutes pa bago mag alas kwarto, hindi naman siya makalalabas agad ng saktong oras kaya’t sa tantya ko ay alas kwatro y media na siyang makakarating dito. 

Mahaba haba pa ang oras para sa pagluluto kaya nagsimula na ako kaagad. I started peeling the potatoes. There are a dish that I wanted to try. Napanood ko lang sa Tiktok nung nakaraan at parang ang sarap. Mabuti na lang may potatoes sa fridge. 

After kong magbalat ay nagstart na akong mag-smash ng mga patatas. I will fry this into small pieces. Isasalang ito sa kalan hanggang sa maggolden brown na ang kulay. 

Sobrang daming proseso pala ang kailangang daanan bago ako tuluyang makapagprito. Mag-aalas kwatro na pero hindi pa rin nakikipagmeet yung patatas ko sa kawali. 

Nilagyan ko ng cheese yung gitna ng mashed potato para mas masarap. Nakakahinga hinga na ako nang maluwag nang damputin ko na ang kawali para mapainit na. Malapit na ako matapos, magp-prito na lang. 

I was peacefully frying my potatoes when I heard our doorbell. Agad ko namang kinuha ang phone ko, may missed calls ni Shone doon. Hindi ko napansin dahil nakasilent ang phone ko. I called him back because I couldn’t leave my dish here. 

“Shone! Pasok ka na, bukas ‘yung gate.” hawak ko pa ang sandok nang sagutin niya ang video call. Akala ko call lang napindot ko. 

“Hey…” bati nito. “Are you cooking?” titig na titig ito sa screen, parang inaaral kung ano ba ang pinaggagagawa ko.

Entangled Series: PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon