Chapter 11: BLOOD

300 14 0
                                    

"Doc, ayaw talaga niyang magpaawat kahit pinagtabuyan ko ng maraming beses. Talagang matigas po ang ulo niya't nagpupumilit pumasok. Nong napagod na siguro ay ayan nakatulog na kakahintay sa inyo." Napapakamot sa ulo na usal ng guwardiya nang komprontahin ni Kaiden kung bakit naroon na naman si Dreams. "Sino po ba talaga siya? Totoo po ba 'yong chismis na misis niyo siya't buntis siya?"



Hindi nag-antubiling sumagot si Kaiden bagkus nilapitan niya si Dreams at sinuri ang maamong mukha ng babae na natutulog. Bakas sa mukha ni Dreams ang pagod pero kahit na ganoon, nakitaan ni Kaiden ang angking ganda nito. Hindi niya naiwasang titigan ang babae't suriin ang mukha nito sa malayang paraan.




Napunta ang tingin ni Kaiden sa mapupungay na mata ni Dreams, namangha siya sa ganda ng pilikmata nito't mga kilay na tunay. Bumaba ang mata niya sa ilong nito na medyo may katangusan. Napalunok si Kaiden nang mapunta ang tingin niya sa labi ni Dreams. Napahito siya't hindi inaasahan na babalik sa alaala niya ang mainit na gabing pinagsaluhan nilang dalawa.




Napapikit siya ng madiin saka napamura ng malutong. "Fuck! Umayos ka nga Kaiden." Panenermon niya sa kanyang sarili saka muling tinitigan si Dreams.




At sa hindi sinasadyang pagkakataon, napako ang kanyang tingin sa tyan nito. May kung anong enerhiya ang umakit na hawakan ang tyan ng babae. Punong kuryosidad ang kanyang utak at gusto niyang makaramdam ng kakaiba kapag nahawakan nito ang tyan ni Dreams. Hindi siya mag-aaksaya ng panahon na pahirapan pa si Dreams kung makakaramdam siya ng kakaiba pagkahawak sa hindi pa kalakihang tyan ni Dreams.




At bago pa niya isuko ang sarili ay napaatras siya ng dalawang beses palayo kay Dreams dahil napansin niyang gumalaw ito't umungol ng mahina. Nakaramdam ng kaba si Kaiden na baka magising si Dreams lalo  na't wala siyang sapat ng loob para kausapin ito ng maayos. Nasa sistema niya ang umiwas hangga't maaari. Wala pa sa bokabularyo niya ang kumausap ng matino sa babae. Hindi pa siya handa sa magiging kapalaran niya.




"Kahit kailan talaga pasaway ka. May bata dyan sa tyan mo, hindi ka manlang nag-isip. Tsk!" Singhal nito sa babaeng natutulog pa rin. Concern siya sa bata at hindi sa ina nito. Limang segundo ang ginugol niya na titigan ang babae bago naisipang umalis na at baka magising si Dreams. Tiyak hindi na naman mapuputol ang bunganga ni Dreams kakatalak sa kanya.




Naglakad pa papuntang parking lot si Kaiden. Panatag ang puso niya dahil uuwi siya ng hindi bad mood. Nitong nakaraang araw kasi ay dinaig niya pa ang angry bird sa pagiging badtrip pag-uwi. Wala siyang ibang sinisisi kundi si Dreams.




May pinindot si Kaiden dahilan para umingay ang kanyang sasakyan. Isinuksok niya ang susi pagkatapos ay pinihit ang pinto. Pero bago pa man siya makapasok sa loob ay narinig na niya ang boses na pilit niyang iniiwasan. Napapikit siya't napakamot sa kanyang ulo.




"Uy! Kaiden, bakit hindi mo'ko ginising? Seryoso? Iiwan mo na lang ako don na parang aso?" Tugon ni Dreams na nasa likod nito, inaayos nito ang buhok na bahagyang nagulo.




Walang nagawa si Kaiden kundi ang harapin ang babae't pagtaasan ng kilay. "Hindi ko trabaho ang gisingin ka. Tsaka, hindi ko naman kasalanan kung ba't nakahilata ka don na parang aso."




Napabuntong-hininga ng malalim si Dreams saka inambangan ng suntok si Kaiden pero hindi manlang ito natakot. "Wow! Salamat sa concern mo ah. Grabe! Nakakataba ng puso. Psh!"




"Tsk!" Singhal ni Kaiden saka pinihit ang pinto ng kanyang sasakyan para makaalis na pero kagaya kanina, bago siya tuluyang makapasok ay umeksena si Dreams. Mabilis na isinarado ni Dreams ang pinto saka ibinalandra ang sarili upang gawing harang para hindi makapasok si Kaiden sa loob.




HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon