Patungo ako sa room ni Kumag para ibigay ang essay na pinagawa nya sa akin. Pumasok pa talaga ako ng maaga kahit mamaya pang tanghali ang pasok ko. Umeffort ako para dito.
" Excuse me, nandyan ba si Cyrax? Pakitawag nga " sabi ko sa may babae na nakatambay sa may pinto.
Tiningnan nyo ako habang nakataas ang kilay tsaka ako inirapan at biglang pumasok sa loob. Langya! Snob ako.
" Ate may kailangan ka? " napatangin ako sa likod ko.
Napatitig ako sa kanya. Shemay! Akala ko si Cyrax lang ang magandang nilalang na lalaki dito pero may isa pa. Ang bait ng kapalaran sa akin dahil may kumakausap sa aking anghel.
" Hello Miss. Ayos ka lang ba? " bumalik ang wisyo ko ng magtanong sya uli. Nakakahiya baka nahalata nyang tumititig ako.
" Ayos lang ako. By the way, dito ba room mo? Pwedeng pakitawag si Cyrax " nahihiya kong tanong or let say pabebe way.
" Sure. Sabihin ko lang sa kanya " nakangiti nyang sabi tsaka pumasok sa loob. Nakasara kasi ang nga pinto at bintana kaya di nakikita yung mga nasa loob.
Ilang sandali lang lumabas na sya. " Miss, ikaw daw ang pumunta sa kanya at hindi daw sya " sabi ni Kuya Anghel.
Tumango na lang ako at sumabay sa pagpasok nya. Mga nakatingin nga sa akin eh sino ba naman ang hindi. Papasok ako sa hindi ko room. At higit sa lahat, si Cyrax pa ang pupuntahan ko.
" Ayun sya " turo ni Kuyang Anghel kay Cyrax na natutulog sa upuan. " Sige balik na ako sa desk ko. Nice meeting you Ren " sabay ngiti nya.
Alam nya pangalan ko? Di ibig sabihin, alam nya ng lalaki ako. Sayang kaya ko pa namang magpanggap na babae para sa kanya. Chos!
Nagtungo na ako sa desk ni Kumag. Sinipa ko ang silya nya kaya sinamaan nya ako ng tingin. Nako! Mukhang napuyat sa ginawa nyang kababalaghan kagabi.
" Eto na oh. Hindi pwedeng manglait sa gawa ko " banta ko sa kanya. Kinuha naman nya tsaka nilagay sa bag nya. " Sige alis na ako " paalam ko pero hinawakan nya ako sa wrist para pigilan.
" Sinabi ko na bang umalis ka? " magkasalubong na naman ang kilay nya.
" May ipapagawa ka pa ba? "
" Umupo ka dyan sa tabi ko. Lahat ng lalapit sa akin ikaw na ang kumausap. Bawal kamo akong gisingin " sabi nito tsaka dumukdok sa desk nya.
Sinunod ko naman ang utos nya na umupo. Nang makita ko ang mga nasa harapan ko, mga nakatingin sa akin. Nginitian ko na lang sila tsaka ako naglaro sa cellphone ko.
Umalis rin naman ako ng dumating ang Prof nila. Tumambay na lang ako sa mini park ng school hanggang sa time na para sa klase namin.
~
" Sige paalam na sa inyo. Ingat kayo sa pag-uwi " paalam ko sa mga kaklase ko.
Kahit papaano nakakausap ko na sila kahit wala pang isang linggo ang klase. Approachable naman sila kahit nakatataas ang estado nila sa buhay. May iba nga lang talaga na hindi mapigilan ang magmaldita.
Nagmadali na rin akong umuwi para hindi na ako mautusan ni Kumag. Sumakay kaagad ako ng taxi at umuwi na. Pagdating ko sa bahay napansin ko na bukas ang pinto kaya nagtaka ako.
" Bunso! Terrence! Nandito ka na ba?! " sigaw ko habang tumitingin sa may kusina pero wala sya.
Nakarinig naman ako ng kalabig sa kwarto. Natakot ako bigla baka kasi magnanakaw iyon.
" Ku...ya " rinig ko ang boses ni Terrence kaya tumakbo ako patungong kwarto nya.
Pagkita ko, nakita ko syang nakahiga sa lapag. Nilapitan ko sya at naramdaman ko ang mataas na temperatura nya. Natakot ako bigla kasi baka mamatay sya.