Chapter 10 (Unedited)

43 5 0
                                    

KELLY'S POV

Lumipas ang tatlong linggong pamamalagi namin dito. At lalo kong nakumpirma na may nararamdaman nga ako kay July. Sino ba ang hindi maiinlove sa tulad niya? Palagi kaming magkasama, pumupuslit ako sandali para magkita lang kami. Alam mo yun, yung tumatakas? Natawa nga ako sa sarili ko. This is awesome!

May mga pagkakataong pumupunta kami ni July sa niyugan tapos maghaharutan; uy! Hindi yung tipong malandi ha? Masapak ko kayo sa mga iniisip niyo eh. Siyempre I need to act wholesome afterall.

There are times also na mamasyap kami sa kung saan. May nadiskubre nga akong maliit na bahay sa dulo ng manggahan. Biruin niyo yun, narating ko ang lugar na yun; at take note, si July nagdala sa'kin dun. Sabi niya wala raw nakara run so ginawa na naming tambayan. Kahit na malayo, gora parin ako para makita lang siya.

Minsan nga nagtataka na'tong mga besties ko bakit ako umuwi isang araw na puno ng putik. Ikaw ba naman madapa sa putikan dahil sa paghahabol ko kay July na bigla-bigla na lang nawawala pero bigla-bigla ring susulpot. Sinong hindi maloka diyan?

It sound weird pero, dun kasi sa tambayan namin ni July yung maliit na bahay, may nakita akong isang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lang. I was about to talk to her pero bigla na lang nawala, I bet she is a ghost. Ang daming gumagala dito na hindi ko na lang pinapansin.

"Nagdududa na ako sa'yo Kellay ha. Kung saan-saan ka pumupunta." Satinig ni Ella. Nasa Veranda kami ngayon at naglalaro ng chess sina Marie at Tofer. Pustahan eh, diyan magaling mga friends ko...sa pustahan.

"Bakit naman aber?" tanong ko sa kanya habang kumakain ng mangga.

"Tsk! Palagi ka na lang nawawala, you know, yung nadidisappear na lang bigla." Dagdag pa nito sabay kuha ng mangga at isinubo.

Hanggang ngayon, wala parin silang kaalam-alam tungkol kay July. Ayokong tuksuin nila lalo na at maasar.

"Girl, paanong mainlove?" tanong ko out of the blue. Lahat aipa napalingon na sa'kin na ang mga mata ay nagtatanong.

"Ano ba yan, kailangan sabay talaga yang mga ulo niyo?" Kaloka! Ibinalik nina Marie at Tofer ang paningin nila sa nilalaro at nagpatuloy.

"Bakit, inlove ka na ba?" Pang-uusisa naman ni Ella na kararating lang.

"Check mate!" Palahaw ni Marie. Sad to say, talo si Tofer at siya ang maglilinis ng kwarto ni Marie sa dorm within one month. Kaloka yang pustahan nila.

"Imbyerna ako sa larong yan." Padabog na giit ni Tofer saka tumayo at umupo sa upuang kaharap ko. "Ano kamo Kea? Inlove ka? Dito? Sa lugar na'to?" Aniyang hindi makapaniwala.

Kumibit-balikat na lamang ako. Mga dakilang chismosa ang mga 'to eh.

"Sabihin mo dali," excited na sambit ni Ella sa'kin. Umusog siya ng kaunti at humarap sa'kin.

Inayos ni Marie ang chess board at inilagay sa isang gilid tapos ay kumuha ng mangga para makikain.

"Inlove ka bes?" Hindi na kayang tumahimik ni Marie kaya nagtanong na ito habang isinasawsaw sa toyo ang piraso ng manggang hilaw saka gumuhit sa mukha nito ang mukhasim. Wow ha! Panalo ang mukha ni Mariebells.

"Parang nagtatanong lang eh." Inosenteng tugon ko.

"Sabihin mo na kasi, itatago pa sa'min eh." Pangungulit namam ni Elli. Seriously? Hot seat na naman ako dre!

"Aray! Bat ka ba nanghihila ng buhok Madam?!" Inis na sambit ni Tofer kay Ella. Nasa bandang likuran kasi ni Tofer si Ella.

"Anong nanghihila? Hindi ko naman pag-iinteresang hilain yang pula mong buhok no." Reklamo naman ni Ella.

Oh my GHOST![on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon