Chapter 11 (Unedited)

44 3 0
                                    

KELLY'S POV

"Nasaan na ba siya Kellay? Akala ko ba ipapakilala mo 'yong lalaking nagpapatibok ng puso mo?" naiiritang tanong ni Ella.

Nagtataka nga rin ako bakit hindi pa dumarating si July. May usapan kasi kaming ipapakilala ko siya sa mga kaibigan ko pero heto nga, ni anino ni July hindi ko makita.

"Parating na siguro 'yon," sabi kong kakamot-kamot ng ulo.

"Alam mo Kellay, may nararamdaman akong kakaiba sa boyfriend mo." Napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko. Si Faith. Oo, kahit saan man ako magpunta ay nakasunod siya sa 'kin. Haayy... as if may magagawa ako.

"Hindi ko ma-contact si Mommy," nakasimangot na sabi ni Marie.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Baka kasi nag-aalala na 'yon. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya na nandito tayo kina lola."

"What?!" Sabay pa kami ni Ella.

"What do you mean na hindi alam ng mommy mo na nandito tayo?" nakakunot-noong tanong ni Tofer sa kanya.

"Wala kasi si mommy sa bahay kaya hindi ako nakapagpaalam sa kanya," sagot ni Marie. Kinamot nito ang ulo niya.

"Ano ka ba naman Marie, baka nag-alala na nga si tita sa 'yo," sabi ko.

Nakita ko ang pagtayo ni Elli at naglakad papasok ng bahay. Andito kasi kami sa bakuran. Dito kami magkikita nina July pero hanggang ngayon wala pa rin eh.

"Ikaw na talaga Mariebells," tugon ni Tofer. "At ikaw naman miss Kelly Andrea Benedecto? Nasaan ang boyfriend mo? Hindi ako makapaniwala na dito ka lang pala magkakaroon ng first so ever boyfie," dagdag niya then he giggled.

"Hindi ko siya boyfriend. Wish ko nga gano'n eh," sagot kong nakangiti.

"Tse! Inunahan mo pa ako eh. Hindi namin alam lumalandi ka na pala." Ngumisi siya ng makahulugan. Ewan ko sa baklitang ito. Tumayo siya at naglakad papasok ng bahay.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ella.

"Iihi, sasama ka?" Ngumisi si Tofer.

"Tigilan mo nga ako sa kalandian mo Tofee at baka ipasok kita sa bowl," aburidong giit ni Ella. Natawa na lang ako sa kanila.

"Gusto mo, tulungan kita?" tanong ng makulit na bata sa gilid ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Baka marinig pa ako nina Ella na nagsasalitang mag-isa.

"Wala pa ba siya Kellay?" tanong ulit ni Ella sa 'kin. Umiling ako. Excited masiyado ang mga kaibigan ko.

Tiningnan ko si Marie. Halata sa mukha nito ang pagkainis. Kanina pa 'to eh. Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya.

"Hindi mo pa rin ba ma-contact si Tita?" tanong ko.

Umiling siya. Gusto ko sanang matawa dahil sambakol ang mukha nito. Magsasalita pa sana ako nang marinig ang malakas na sigaw ni Tofer mula sa loob ng bahay. Agad naman kaming nagsitakbuhan papasok.

Hinanap namin kung saan nanggagaling ang sigaw ni Tofer. Patuloy lang ito sa pagsigaw.

"Tofer?" sigaw ni Marie sa pangalan niya. Nakita ko si Faith na itinuro ang kwarto sa taas. Agad akong tumakbo papunta doon.

"Kellay! Saan ka pupunta?" Hindi ko na sinagot pa si Ella. Umakyat ako at binuksan ang kwartong tinuturo ni Faith.

"Tofer!" Nakita ko si Tofer na nakalambitin sa hangin, waring sinasakal ito.

Oh my GHOST![on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon