Facebook Addiction 2

22 0 0
                                    


F.A. #02

Palakad na kami ni yuki papuntang school wala kaming balak sumakay or malate kasi mas nalelate ang teacher namin. Aba wag syang VIP!

Nagtataka ba kayo kung bakit magkasabay kami ni yuki? Walking distance lang kasi ang bahay namin papunta sa kanila iisa lang ang village namin. Childhood friend ko si yuki. At tuwing nahihiwalay kami sa isa't isa gumagawa kami ng paraan para maging magkasama.

Yuki is my good and such a lovable bestfriend. Ilove my friends most of them . Pero si yuki ang especial ng buhay ko .

Ng papunta na kami sa Thompson University di ko maiwasan ang pagtataka kung bakit walang estudyante . Late na late ba kami? Pumunta kami ng classroom pero wala sila dito nalang kami nagpalipas oras at nagusap ni yuki.

"Bestfriend sigurado ka bang okey kana?" tanong ni yuki na may halatang nagaalala

"oo naman bestfriend. Okey lang ako" yayakapin ko na sana si bestfriend ng..

"WAAAAAAH! SI KENT MY LOVE"
"ANG GWAPO NYA!"
"COME TO ME MY KENT"
"OHMYGHAD! TAYO NALANG"

Nagulat ako sa sigaw ng mga babae. Wait kala ko ba walang tao?
Pagtingin namin sa baba nakita namin ang sandamak-mak na babae. At pinagkukumpulan ung lalaking di ko manlang makita ang mukha -.-

"Kyaaaaah! Yung prince charming ko!" nagulat ako kay yuki ng bigla nalang sya tumili. Wait. Prince charming?

"Prince charming?" pagtataka kong tanong. Hindi kaya?

"Sya yung sinasabi ko sayong new classmate natin" ngiting wagi na sabe ni yuki. Agad akong pumasok sa classroom at kinuha ang bag ko at nya.

"At Bakit--" di ko na sya pinatapos at hinila ko na sya pababa.

Gusto ko makita yung lalaki at hindi ko alam pero parang curious na curious ako sakanya.
"PHOEBE DAHAN DA--" Napanganga si yuki ng naagaw pala namin yung pansin ng mga babae.

Ng nasa baba na kami. Napatingin ako sa kanila na nakatingin sakin. At bigla.

"kyaaaah! Si phoebe andito na!!"
"waaaah! Wala na syang sakit!"
"ang ganda ganda nya padin kahit galing sa sakit!"
"yung dalawang campus heartthrob nandito. Bagay sila!"

At saka yung ibang babae kinumpulan na ako. At nakita ko yung lalaki na nakatingin sakin sabay ngiti.

Ngiting MANYAK!

Pagkapasok namin ulet ng room . Agad ko naman napansin na nandito na pala ang mga kaklase namin na binabati ako ,kinakamusta o kung ano ano pa.

"nginitian ka ni prince kent!" what the! Prince daw? Eh mukha namang di prince eh.

"ang pogi nya diba?" pagtatanong nya sakin na ngiting ngiti.

"hindi. Mukha syang manyak" bagot kong sagot. Totoo naman ah?

"anong sabe mo?" nagulat ako ng may bigla nalang may nagsalita sa likod ko.

"nanggugulat ka b-- ba?" wait nauutal ako. Aba ikaw bang pagkaharap mo magkalapit ang mukha nyo sa isa't isa sige nga bigyan mo ko ng isang milliong dahilan kung bakit di ako magugulat??

"oh? Bat ka nauutal?" ngiting wagi na sinabe nya. Ang kapal ng mukha.

"bakit ako nauutal? Kasi.. " nilapit ko pa yung mukha ko sakanya yung tipong 1/2 inch nalang magkakadikit na. Pero wala akong pakeelam.

"kasi. Manyakis ka . At ayoko sa taong ganun" sabay tulak sakanya.

Nakita ko yung pagkakagulat ng mga kaklase ko.

"kyyaaah! Bat di pa sila nagkiss??"
"ang cute nila sa isa't isa! Sooo kilig"
"baka mag boyfriend at girlfriend sila?"
"baka nga?"
"sanaaaaa"

Nagboyfriend girlfriend? Pssh! Never noh? Ano siya chixx? Pa breezy boy ang dating?
Patuloy lang sila sa pagiingay nila. Ng bigla nalang may lumapit sakin na babae.

"Hoy! Babae! Sino ka para agawin sakin si prince? Maganda kana lahat lahat. Nasayo na lahat pero inaagaw mo pa sya sakin! Ang kapal din ng mukha mo huh?" sabay sampal sa mukha ko ng babae. Bakit nya ako sinampal? May ginawa ba akong di maganda? Pssh. Tumayo ako saknya.

"walang kami" yan lang sinabe ko pero sumagot sya.

"salot ka dito! Kala mo lahat ng babae gusto ka? Pwes. iba ako sakanila? At hindi kita magugustuhan bitch!" nakakatuwang isipin na may malalakas ang loob na manugod kahit di alam ang tunay na nangyayare. O nanunugod pero di nya pa alam ang ugali ng kinakalaban nya

Nanggigigil ako sa ganitong ugali. Biglang nananampal? Insecure?

Hinarap ko sya. Halos lahat ng nasa paligid namin nasa amin na ang atensyon. At dahil kung ano ano sinabi nya sakin kanina gagantihan ko sya.

"sino kaba?" paninimula ko.
"pwes. Kung sino ka man. Wala akong pakeelam sayo? At isa pa wala kami ng prince mo! Saka may prinsipe ba dapat ang eskwelahan? Diba wala? Actually hindi ko tinuturing na PRINSESA ako dto. At hindi ko tinotolerate ang sarili ko para maging insecure sa isang tao at manugod nalang bigla at mananampal ng di mo alam.gusto mo gawin ko sayo yung ginawa mi sakin kanina?" naiinis ako sa taong ganito. Hindi nila ako kilala pero sasampalin ako bigla?

Itinaas ko ang kamay ko at pinalapit sa mukha nya pero hinawakan nya yung kamay ko. Naalala ko sa isang movie na ganito ang ginawa pero ang pinang nampal nya yung isang kamay na hindi hawak ng babae.

*pak!* malakas ko syang sinampal gamit ang isa kong kamay na di nya hawak. Sabe ko naman sainyo eh lahat ng napapanood ko nakakatulong sakin.

Hashtag: BADGIRL!

Ikinagulat ng lahat yun pati nung babaeng nasa harapan ko pero umalis nalabg ako at binangga sya . Ayoko sa ugali nya. Ito ang narinig ko sa mga kaklase namin.

"ang tapang ni phoebe!"
"ang galing nya"
"yan kasi yang babaeng yan bigla nalng sinampal si phoebe. Eh mabait naman yun!"
"tama! Kaya kung anong ginawa ni phoebe? Gagawin ko din yun sa nga nangaaway sakin!"

Psh. Lagi nila akong pinupuri . Minsan nga akala kotama ginawa ko pero mali pala. Pero chine-cheer up nila ako kapag malungkot ako. Kaya dun ako natutuwa sakanila kahit papaano.

Di namab ako snobbers at famewhore di ko nga alam kung pano ako nakilala eh.

Siguro dahil kay yuki? Si yuki kasi kilala din dito sa school bilang representative ng student org. Para sa 3rd year students. At siguro dahil lagi ko syang kasama kaya nakilala na din ako.

Pero dahil sakanya. Natuto ako kung pano makipag socialize maging confident na makipag usap sa ibang tao. Kasi dati tahimik lang

Ako at wala akong pake sa nasa paligid ko.

At dahil sa lagi akong pinapasali ni yuki sa mga activity ng school namin. Nakilala ako at kinakausap na nila ako:)

At naging especial ang taga suporta ko sa school nato kasi tinanggap nila ako at mahal nila ako ng lubusan. Pinapasaya nila ako minsan kapag malungkot ako at naghahanap ng karamay kapag wala si yuki sa tabi ko.

Kaya dapat nating pahalagahan kung anong meron tayo ngayon at wag itong sayangin.

"FACEBOOK ADDICTION"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon