'Welcome to Monte Carlos'
Iyan ang bumungad kaagad saamin pagkarating namin sa bayan ng Monte Carlos. Maganda ang bayang ito kaya dito piniling tumira ng mommy at daddy ko nang makabalik kami galing America.
It's been 3 years mula nung huli naming punta sa pilipinas. Sa America kasi nanirahan magmula noong nagkasakit si Lolo at para na din maalagaan at mabantayan namin siya, ngayon na wala na si Lolo napag desisyonan nila Daddy na umuwi nalang sa pilipinas para makapag simulang muli. Masakit pa din saamin ang pagkawala ni Lolo lalo na kay Daddy dahil bukod sa tatay niya 'yon ay sobrang close siya dito kaya nga nung mga panahong may sakit ito ay halos buong atensiyon niya ay nakay Lolo, mahirap din iyon sa side ng Daddy ko dahil hindi niya mapagsabay ang trabaho at pagaalaga dito kaya medyo tumagilid ang business namin. Fortunately, dahil sa tulong ni Kuya Dan ang nakatatanda kong kapatid ay nakabawi naman ang company ni Dad at maayos na ito ngayon.
"Guys, we're here! Come on baba na kayo para makita niyo ang bahay." masayang sabi ni mommy.
Bumababa na kami ng kotse, nilibot ng paningin ko ang kabuuan ng bahay.
Totoo nga, maganda ito. It's simple yet beautiful ang comfi pa ng ambience ng paligid, probinsiyang probinsiya. Malinis din ang hangin at malamig ang simoy ng hangin dahil siguro maraming puno sa gilid medyo nakakapanibago nga lang but all in all, this place is amazing.
"Mga anak tara na pasok na tayo!" medyo nagulat pa ako ng tawagin kami ni Daddy dahil talagang namangha ako sa ganda ng paligid.
Tumingin ako sa kanila saglit nasa gilid niya si Mommy na nakangiting kumakaway at nasa gilid nila ang sa tingin ko'y mga namamahala sa bahay. Kami nalang pala ni Kuya ang hinihintay.
"Mads tara na." sabi ni kuya sabay hatak sa kamay ko.
Nang makarating kami sa loob ng bahay ay mas lalo pa akong namangha. Ang ganda ng pagkaka-ayos sa mga furniture halatang mamahalin din pero hindi naman sobrang pang mayaman vibes ang loob ng bahay, sakto lang and it's really comfortable inside.
"Mads yung bibig mo papasukan na ng langaw" biro ni kuya dahil medyo natulala ako, ang corni niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Ewan ko ba trip na trip ako lagi ni kuya asarin pero kahit na ganon love niya parin naman ako, syempre ako lang yata yung nagiisang kapatid niya kaya no choice siya.
"Pumunta na kayo sa taas at pumili na kayo ng kwarto doon, bukas nalang tayo bibili ng mga kakailanganin sa kwarto niyo." pagkasabi palang ni Daddy ay nag unahan na kami ni Kuya na umakyat para makapili ng kwarto, syempre nauna ako kaya pinili ko yung kaliwang kwarto dahil sakto lang ito para sakin at sa gusto kong magiging ayos ng kwarto ko.
May bintana din ito kaya pinili ko ang kwartong ito, not that walang bintana sa isang kwarto ha mas maganda kasi ang view dito kesa doon sa isa.
"MADDIE!! ANG DAYA MO!!" napahalakhak nalang ako sa sigaw ni kuya, pano ba naman kasi ay siya dapat ang mauuna kung hindi ko lang inapakan ang paa niya.
Mag aalas sinco pa lang naman ng hapon kaya napag desisyonan kong ayusin ang mga damit ko at ilagay sa closet para may pagka-abalahan ako habang hinihintay ang hapunan. Nang matapos ay nag patugtog ako ng music at umidlip.
MAYA-MAYA AY NAGISING AKO SA mahihinang katok na nanggagaling sa pintuan. Bumukas ito at bumungad si mommy, lumapit ito sa kama ko at naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama sabay marahang hinimas ang buhok ko.
"Maddie anak, gising na kakain na tayo" malambing na ani ni mommy.
Nahihirapan pa akong idilat ang mata ko at kalaunan naman ay nakapag-adjust nadin.
"Sige po, sunod ako mhi" ngumiti naman siya at marahang tumango tsaka siya umalis at bumaba na.
Nag hilamos muna ako ng kaunti at nag mumog pagkatapos ay bumaba na.
Naabutan kong nag hahanda na sila sa hapag kainan kaya naisipan kong tulungan sila, isa lang naman ang kinuhang katiwala sa bahay ni mommy dahil kaya naman niya daw ang mga gawain dito sa bahay.
"Oh Maddie iha, maupo kana diyan at kumain ako na ang bahala dito" Si Manang Lourdes ang kinuhang katiwala nila mommy at daddy nasa late 50's na yata si Manang pero hindi mo naman mahahalata marahil na rin siguro sa pagiging healthy living niya.
"Hindi na po. Let me help you na po Manang nang makakain na tayo." tsaka ko kinuha ang mga plato at kubyertos para iayos sa lamesa.
"LET'S EAT NA PO!!" masiglang sabi ko.
"Ops, before anything else pray muna. Dan lead the prayer." sumunod naman si kuya dan at nag pray nga siya.
Pagkatapos mag dasal ay kanya-kanya na kaming kain, habang kumakain ay nagku-kwento sila habang ako ay nakikinig lang minsan ay nag si-share din ako pero syempre mas inuna ko ang pagkain masarap kasi ang ulam, favorite ko pa kare-kare ba naman.
After naming kumain ay nagpahinga na kami dahil sobrang pagod na din siguro sila sa biyahe at kailangan din naming maging maaga bukas dahil mamimili pa kami ng gamit para sa kwarto.
Bago ako umakyat ay nag paalam muna ako sakanila.
"Goodnigth Mommy, Daddy, Kuya at Manang Lourdes. I love you all!" natawa lang sila ng kaunti dahil sa pagiging energetic ko yata pero nag goodnight din naman sila sakin at kiniss pa ako ni Mommy at Daddy sa cheeks si Kuya naman as usual ay ginulo lang ang buhok ko at inasar ako ng kaunti while Manang Lourdes hug me. Nahiga na ako at nag pray muna bago matulog. I hope that our stay here in the Philippines will be good.