Maria's POV
"Maria! Maria!"
Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Aliyah pala, kasamahan ko dito sa EZ isang electronic factory dito sa Cavite.
Dalawang buwan palang mula Ng na hired ako dito bilang factory worker.Humihingal pa si Aliyah ng lumapit siya sa akin.
"Pwede ba ko sumabay sayo?" Nakangiting sabi niya sa akin.
Mabait si Aliyah, palakaibigan at gusto Ng lahat. Kahit pareho lamang silang bago nito.
Kahit Hindi niya kinibo Ang dalaga ay sumabay ito sa paglakad niya.
"Bagong sweldo tayo, sis . Saan Ang punta mo ngayon? Sama naman ako. "
Saan nga ba ang punta niya?
Trabaho Bahay lang naman ang ginagawa niya mula nung lumipat siya dito.
Wala naman siyang hilig mamasyal sa mall. Sanay siyang mag-isa.
"Wala naman akong pupuntahan."
Mahinang sabi niya.
"What?!" Nanlalaki Ang matang bulalas ni Aliyah.
"Wala na naman? Ang lungkot naman ng buhay mo beh ! " Nakapamewang pang sabi nito na para bang nangangaral sa anak niya.
Napangiti siya sa itsura Ng dalaga. Ang cute Kasi nito. Mas bagay dito maging modelo kesa pumasok sa pagiging factory worker.
Mahaba ang buhok nitong may natural na pagkakulot. Hugis puso ang mukha niyang bumagay sa bilugan niyang mga mata na may malalantik na pilik-mata.
Matangos ang ilong at nangingibabaw ang mapupulang labi."Mabuti pa sumama ka sakin. Tutal wala tayong pasok bukas , pwede tayong magpuyat."
Wala siyang nagawa Ng hilahin siya nito at sumakay Ng bus papuntang Dasma.
"Beh, bagay ba sakin to?"
Umikot pa si Aliyah sa harap Ng salamin. Nandito kami sa mall . Bumili kami damit na susuotin daw namin sa pupuntahan namin.
Long sleeve bodycon dress na kulay pula ang suot ni Aliyah n bumagay sa hugis Ng katawan nito.
"Bagay sayo. "
"Salamat. Ikaw naman magsukat Maria. Eto na ang kunin mo. Ako na magbabayad niyang tutal ako naman ang magpapasama sayo."
Iniabot niya sa akin ang isang black dress na bodycon din pero sleeveless naman ang sa akin. Nag- aalangan siyang tinangap ang damit tsaka pumasok sa fitting room.
May dadaluhan daw silang birthday party ng pinsan niya na gaganapin sa isang bar restaurant kaya kailangan daw na hindi kami magpahuli sa ibang bisita.
" Maria, tapos ka na?"
"Oo, pero hindi ata bagay sa akin ito."
"Patingin nga."
Dali-dali niyang binuksan ang pintuan.
BINABASA MO ANG
Maria's Fate
RomanceMabilis pa sa kisap-mata ang pangyayari sa buhay ni Maria. Eto na nga ba ang kapalit Ng pasakit sa buhay niya? Mula sa estrangherong nagbigay sa kanya Ng biyayang magbibigay kulay sa madilim niyang buhay. Mula ngayon hindi na siya mag-iisa pa..